Chapter 11 True Feelings

1.8K 35 3
                                    

Chapter 11

 

True Feelings

 

Pinunasan ko ang mga luha ko.

Pero kahit pigilan ko ang pagtulo nito nararamdaman ko pa din ang sakit.

Sakit na ngayon ko lang naramdaman.

Nanatili lang ako sa ganong pwesto.

Nakatayo habang nakayuko.

Bakit hindi man lang niya ako hinayaang magpaliwanag???

Naiinis ako sa kanya pero mas nangigibabaw sakin ang sakit.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga luha ko.

Huminga ako ng malalim at sinubukang maglakad uli.

Lumayo sa lugar na ito kung saan niya ko iniwan at binaliwala.

Naramdaman kong nagvavibrate ang phone ko. Tinignan ko ito.

Dyosang Franz calling...

 

Huminga muna ko ng malalim bago ko ito sagutin. Ayaw kong mahalata niya na umiyak ako. Ayaw kong mag-alala sila.

[Bessy wer n u?]


"Sorry Bessy hindi na ko makakanuod."

[ha? but why? Ito naman nagtampo ka na agad. Sige na hindi mo na gusto si Fafa EL.]

"Hindi yun. Basta Sorry talaga Bessy . Inuod nyo nalang ako he-he" then I ended the call. Baka makahalata pa siya.

Umuwi na lang ako sa bahay. Tinatawagan ko siya pero hindi niya ko sinasagot.

I decided na matulog na lang. Itutulog ko nalang ito. Dahil kahit ilang tawag ang gawin ko sa kanya wala pa din . Hindi naman niya sinasagot.

Natulog ako nang siya ang iniisip.

Sana hinayaan mo man lang ako magpaliwanag.

-----

Lumipas ang Intrams ng walang nangyari. Natapos nang hindi ko man lang na-feel.

Nagchampion sina Franz sa hiphop dance competition. Pero hindi naging over all champion ang section namen. First place lang kami. Walang ganung players samin.

"wala pa din?" Franz asked.

Umiling lang ako.

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa din nya pinapansin ang mga texts at calls ko.

Naiintindihan ko naman na galit siya pero sana pakinggan niya muna ko.

"naku! Dapat kasi Sophie hindi mo ko pinigilan nun nang nasabunutan ko yung Ugat na yun ."-Glam.

Nalaman na din  nila na ang grupo nila Ruth ang may gawa nun . Hindi nga sila makapaniwala na pati si Ann kasama dun. kahit ako naman .hindi din makapaniwala. Napakatahimik niya at simple lang siya. Siya ang dakilang nerd sa school.

"isa pa yang Ann na yan! Aygoo hindi nako manghihingi sa kanya ng papel."-Aica.

DEATH THREATS OF AN ANGEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon