Chapter 13 Slambook?

2K 35 2
                                    

Chapter 13

Slambook?

 

Boring =____=

Bakit ba antagal ng oras???


Discuss ng discuss yung teacher namin. Pero wala naman akong maintindihan.


Bokya na naman ako pag nag-quiz. Physics pa naman.


Papasok lang sa isa kong tenga yung sinasabi ng teacher namin tas ayan labas naman sa kabila.


Oh! So Boring.

"Aww!" Si Franz kasi bigla ba naman ako kurutin sa braso.

Tinignan ko naman sya na what-was-that-for na look.

"Gusto mo ma-detention ka" he mouthed.


Strict nga pala tong teacher namin dito. Palibhasa matandang dalaga. Nagmemenopause.

"blah...blah...blah"

Waaahh! Inaantok na talaga ako.

Tuwing dudukdok ako. Tinutusok ni Franz yung tagiliran ko.

Grabe gusto niya ata butasin yung tagiliran ko.


"Franz.. Inaantok na talaga ko." bulong ko sa kanya.


"Wag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa." bulong din niya.


Inaantok din siya??


Tinignan ko yung dalawa. 

Si Glam. Kung ano-ano sinusulat sa notebook. Dinodrawing na naman niyan si ma'am.


Si Aica naman.


Wow! Nagbabasa. 

Hawak-hawak niya kasi yung aklat tapos nakatapat to sa mukha niya. Masipag.


Teka?? Kelan pa lumabo mata nun?? As in anlapit kasi ng book sa mukha niya.

Hindi kaya maduling yun??


" Aba!Miss Morales may naiintindihan ka ba dyan sa hawak mong libro.??" our ma'am said.

Agad namang napaayos ng upo si Aica.

"o-opo." sagot niya. At ang itsura niya mukha siyang bagong gising.

"Ganun ba? Marunong ka na pala magbasa ngayon....ng nakabaligtad na libro."


Nanlaki yung mga mata ni Aica sabay tingin sa libro. Inayos naman niya ang pagkakahawak dito.

Natutulog siya???


Aygoo! Akala ko pa naman seryoso talagang nag-aaral.


"so-sorry po."

Tumingin siya samin nila Franz. Umiling-iling lang kami ni Franz.

Pagkatapos pagalitan ng teacher namin si Aica. Balik discussion na naman.


Poor Aica.

Biglang nagvibrate yung phone ko.


Sino kaya 'to?

Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa ko.


Then tinignan ko kung sino yung nagtext.

Pagtingin ko....

Feeling ko nabuhayan ako. Haha!
Malala pa sa pagtusok at pagkurot sakin ni Franz. Kasi nagising talaga ang buong diwa ko. Haha!

DEATH THREATS OF AN ANGEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon