Play the music on the side~~ BABY DON'T CRY by EXO-K <3
CHAPTER 44
MY ANGEL~~
"Please.. help me to forget him.. Ryu" bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yan. Hindi ko alam kung tama? At lalong hindi ko alam kung kaya ko ba? Ang kalimutan sya.
"Shh.. tahan na Sophie." siya habang patuloy na hinahagod ang likod ko. "I'll help you." pag-aassure nya sa akin saka nya ako niyakap ng mahigpit.
Mabuti nalang at nandito si Ryu dahil hindi ko alam kung kanino ako tatakbo sa mga ganitong oras.
"Thank you... Ryu"
------
"Sigurado ka ba na okay ka na?" tanong ulit sa akin ni Ryu. Hindi ko alam kung pang-ilang beses na nya yang tinanong.
"oo nga. ang kulit mo din noh? Pero salamat talaga Ryu." andito na nga pala kami sa tapat ng room namin, hindi ako nakapasok sa first subject ko. lagot ako kay kuya kapag nalaman nayang nagcutting ako.
"wala yun, sige na pumasok ka na" saka nya ako nginitian.
I'm so blessed to have a friend like Ryu..
"Sophie san ka galing? Bakit di ka pumasok kanina?" tanong sa akin ni AIca pagkakita nya sa akin.
ikekwento ko ba sa kanya yung nangyari kanina??!
"Wala, may pinuntahan lang ako." napagdesisyunan kong wag nalang muna sabihin sa kanya. Kasi naman pinoproblema na nga nya yung sa karibal nya kay Clyde, dadagdag pa ba naman ako?! "Anong ginawa nyo kanina?" pag-iiba ko ng usapan.
"Wala, discuss lang mabuti nga hindi nagcheck ng attendance si ma'am. Medyo swerte ka din."
Paupo na ako ng bigla syang magtanong ulit. "magkasama ba kayo ni EL kanina?" kunot-noo ko siyang tinignan.
"Wala din kasi siya kanina kaya naisip ko lang na magakasama kayo tapos andito kasi yung Honey nya hehe~~" umiling lang ako sa kanya.
"hindi kami magkasama. Si Ryu ang kasama ko kanina." sabi ko nalang.
"Oh? Mukhang close na kayo ni Ryu ah." ngumiti lang ako sa kanya.
--------
*DISMISSAL*
Sa buong klase lutang ang utak ko. Iniisp ko pa din ang mga pangyayari kanina pati yung sinabi ko kay Ryu. Aish! ano ba naman kasing pumasok sa neurons ko at nasabi ko yun?! Pero pano na ngayon?! Parang nagi-guilty tuloy ako kasi parang gagamitin ko si Ryu makalimutan lang si EL. >O<"