Salamat sa mga nag-add sa RL nila ng DTOA :))
Anyway, HAPPY BIRTHDAY LEE KISEOP SIYA PO YUNG CHARACTER NI EL.
ANG ULTIMATE BIAS NG AUTHOR !! SI JAEJAE. HAHA
SAENG IL CUKKHA HAMNIDA OPPA!!? SARANGHAE <3 :*
DAHIL BIRTHDAY NI KISEOP AYAN MAY PICTURE SI EL SA GILID .
HOT?? IKR ~KEKEKE~
ITO NA UPDATE . ~KEKEKE~
Enjoy reading!
------------------
CHAPTER 30
WITH WHOM??!
SOHPIE's POV
Nasa hallway pa lang ako tanaw ko na yung tatlo nasa labas ng room.
As usual. Nagchichismisan.
Kanya-kanyang chika dito sa school. Grupo-grupo pa."oh ayan na pala si Bessy!" lumapit sakin si Bessy saka nagbeso.
"good morning Bessy"
"morning" sagot ko na walang gana.
"anong meron? Bakit ang tamlay mo?" tanong nya.
"wala. Napuyat lang." sagot ko saka ako pumasok ng room.
Haaayyy. Ang ingay! <(-__-)>
Dumukdok ako sa desk ko. Wala pa naman si ma'am pwede pa ako matulog kahit ten minutes lang.
"hoy Sophie! Anyare? Naglamay ka ba?" si Glam. Kahit nakadukdok ako alam kong siya yun.
Naramdaman kong may tumabi sakin.
"oy! Bessy? Anyare sayo?" si Franz pala.
"mind to share?"-Aica.
"mamaya nalang. Pwede bang patulugin nyo muna ko, wala pa akong tulog" sabi ko sa kanila.
"Ayan na si ma'am" si Glam. Kaya agad akong umayos ng upo.
"gusto pa kasing tinatakot eh." si Aica. Mga bwisit nato niloloko lang pala ako. Wala naman si ma'am.
"Ano na?! Ikwento mo na! Kundi sasakalin kita dyan." pagpipilit ni Franz.
Mga bwisit na'to. Hindi ako maintindihan. Mahirap ba intindihin na gusto kong matulog!?!
"wala naman kasi akong ikekwento." sabay dukdok ulit sa desk.