Chapter 33 Breaking the Walls

1.3K 22 3
                                    

Chapter 33

Breaking the Walls

 

 

*yawns*

 

*kusot mata*

 

-.-

 

-.>

 

>.>

 

Tumingin ako sa digital clock 7:14 pm na pala. Gabi na pala at nakatulog pala ako.

*kruuu*kruuu*

 

Reklamo ng tiyan ko kaya bumaba na ako at dumiretso sa kitchen.

Naabutan kong nagluluto si kuya.

Pinanuod ko siya sa ginagawa nya nakasuot pa sya ng apron.

Para naman akong binagabag ng konsensya ko. Hindi ko alam, pero parang bigla akong naawa kay kuya. Hindi pa din niya ako napapansin.

Parang ngayon lang nagprocess sa utak ko ang napag-usapan namin. Tama nga sila Franz slow nga ako =o=" Pero siguro kanina lang yun, hindi naman palaging slow ako diba??

Hindi sinadya ni kuya na paghiwalayin kami ni EL. Ginawa nya yun dahil may dahilan siya, dahilan na alam nyang ikabubuti ko yun nga lang ay hindi sa tamang paraan nya yun ginawa.

Paano kong nagawa ang mga bagay na yun kay kuya??

Nagawa kong maging makasarili over him na kahit minsan ay hindi nya ginawa sakin.

Pakiramdam ko ang sama ko, ang sama kong kapatid para kay kuya.

Napakaswerte ko at naging kapatid ko ang isang tulad nya. At siya napakamalas nya dahil nagkaroon siya ng selfish na kapatid??

Tama si papa hindi ikatutuwa ni mama ang nangyayari samin ngayon ni kuya.

Kung anuman ang nalalaman ni EL may oras naman dun para malaman ko. At tama si kuya kung mahal talaga ako ni EL ay sasabihin nya sakin yun. Saka pwede ko namang itanong kay EL yun kung ayaw talagang sabihin sakin ni kuya.

Nakabuti pala ang pagtulog ko. Siguro kinonsensya ako ng panaginip ko. Hindi kaya binangungot ako kanina??

"Gising kana pala. Nagugutom ka na ba?" tanong ni kuya ng mapansin ako.

Oh! Good Lord bakit ganito si kuya? Kahit napaka-cold ng treatment ko sa kanya ganito pa rin nya akong tratuhin?? Parang prinsensa. Syempre ako lang naman talaga ang princess nila ni papa. Buhay prinsesa pala talaga ako kina papa at kuya.

DEATH THREATS OF AN ANGEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon