Chapter 15
Friends
AICA's POV
"Pwede ba tigilan mo na ako!!!." irita kong sabi dito sa kanina pa sunod ng sunod sakin.
Nandito ako ngayon sa isang mall dito na ako dumiretso pagkatapos ng klase namin para bumili ng book.
Pero hindi ko naman akalain na hanggang dito masusundan ako nito. Grabeng stalker ito.
Sana pala sa ibang araw nalang ako nagpunta dito. Mukhang mai-stress pa ako dito -___-
"Kahit ipagtabuyan mo ako. Ika'y aking hindi iiwan"
Nasapo ko nalang yung noo ko.
Kanina pa ako sinusundan at kinukulit nito. Sinundan aat ako nito mula school.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin dito hindi na sana ako nagpunta pa.
Nakakahiya isipin pa ng mga tao dito boyfriend ko ito.
Kahit sa bangungot hindi ko maisip na mangyari yun. Hanggang dito ba naman kasi sinusundan pa ako nito. Akala ko sa school lang niya ako kukulitin.
"Look! Br---.??"
"Bruno. Aking irog."
See?? Ang corny pa niya.
"Look! Bruno. Hindi ko kailangan ng chaperone. Kaya pwede ba? Tigilan mo na ako!!"
"Ika'y aking sinasamahan lamang. Lalo na ikaw ay mag-isa. Ako'y nag-aalala lamang sa iyo."makata niyang litanya.
"hindi ako nag-iisa!!" nasabi ko nalang.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.
"Kung ganon. Nasan ang iyong kasama? Iniwan ka ba niya??"
Pinapasakit talaga nito ang ulo ko.
"Sinong kasama ko?? Boyfriend ko!!" Okay. That was a lie. Wala talaga akong boyfriend. Pero baka kasi kapag sinabi ko iyon ay tigilan na niya ako.
"Hi-Hindi totoo iyan! Wala kang boyfriend. Saka kung meron man . Asan siya?? Iniwan ka niya??" Nagulat ako ng sigawan niya ko.
Seriously nag-iiskandalo na siya dito.
"a-ano... nandun lang siya..."
Hindi ko alam sasabihin ko kasi in the first place wala naman talaga akong boyfriend. Hindi naman pwedeng manghila nalang ako dito bigla sa mga nagdadaan. Baka creepy pa ang makuha ko.
"Andun lang siya sa---"
*tsup*
o_________o
Nagulat ako ng may biglang humalik sa pisngi ko.
Hinalikan ako ni Bruno???
NOOOOO!
END OF THE WORLD!!
TTTTT________TTTT