Chapter 18
Wake Up
Buong gabi lang ako nagmumokmok dito sa kwarto, kahit anong pigil ko sa luha ko ayaw tumigil hanggang sa nakatulog na ko.
Nagising nalang ako sa katok na nanggagaling sa pinto.
"Sophie,lumabas ka na dyan kakain na" si kuya kumakatok. Sunday palang pala. Mamaya pa sya aalis. Nagmukmok nalang ulit ako, at sinubsob ang mukha ko sa unan.
"Sophie, c'mon lumabas ka na dyan! Huwag ka ng magmatigas!" mukhang pikon na si kuya sakin, hindi pa rin ako sumasagot.
*blag*Napaupo ako sa kama ko hindi nasira yung pinto . Si kuya mukhang galit na, hinampas nya na ng malakas ang pinto.
"Sophie, hwag ka ng magmatigas! I'm doing this for-" binuksan ko na ang pinto
"for me? Kahit anong intindi ko kuya hindi ko maisip kung bakit mo kami pinaglalayo ni EL, now your telling that your doing this for me? Kala ko sa lahat ng tao ikaw makakaintindi sakin pag-pagnagmahal ako!"
*blag*
Sinara ko na ulit yung pinto. Hindi ko na napigilan naiyak nanaman ako. Bakit ba ayaw mong tumigil mata ka! Pagod na ko umiyak! After na sinabi ko hindi na ulit kumatok si kuya.
MondayNag-aayos na ko para sa pagpasok. Mugto pa din ang mata ko.
*krruuu*
Gutom na ko! Hindi ako nakakain kahapon, nagkulong lang ako sa kwarto buong araw. Makakain na nga sa baba, pagbukas ko ng pinto.
Bakit andito pa si kuya? Suppose to be he's gone for work. Tinignan ko lang sya saglit, gutom na ko no! Wala akong ganang makipagtalo bababa na sana ko ng magsalita si kuya.
"bilisan mo kumain,ihahatid pa kita"
o...........o
Bigla akong napatingin sa kanya, nakakunot ang noo ko na parang nagtatanong, anong ihahatid?
"I see,yan ang influence sayo ng boyfriend mo ang maging matigas, kahit ako nagawang tiisin" seryosong sabi ni kuya, ako naman naiiyak na naman kaya binawi ko na ang tingin ko, bumaba na ko at kumain, nawalan na ko ng gana kaya konti lang nakain ko.
Sumakay na ako sa kotse ni kuya, hindi ako nagsasalita maski tignan sya di ko ginawa, nang makarating kami sa school bababa na sana ko.
"kung magmamatigas ka pa din, gagawin ko ito araw araw hanggang sa marealize mo na mali ang ginagawa mo, susunduin kita mamaya, at huwag kang magpapakita sa EL na yun." sabi ni kuya.
"kuya bakit ka ba nagkakaganyan? Maayos namang nagpakilala sayo si EL ah?!" umiiyak na naman ako.
"punasan mo na yang luha mo at pumasok ka na"
Hindi tumitingin sakin si kuya, siguro ayaw nya kong makitang umiiyak, ginawa ko naman ang sinabi nya na punasan ang luha ko. Pilit kong pinipigilang umiyak, ang hirap pala.
Pagdating ko sa room naupo agad ako, mabuti at andito na sila Franz, foundation day ngayon. Kaunti lang ang tao sa room, yung iba busy sa mga booth nila. Niyakap ko nalang agad si Franz, para akong bata na nagsusumbong sa kanya kasi inaway ako ng kalaro ko.