Death Threats of an Angel
Chapter 46 Revelations
mag-iisang lingo ko ng iniiwasan si EL hindi ko pa din alamkung anong dapat gawin. Sa isang kagaya ko makailang ulit na nyang sinaktan at iwanan ng hindi nagpapaliwanag, ayoko nang maniwala pa
kahit sinabi nya na mahal nya pa ko bigla nalang papasok sa isip ko yung sakit at mga ginawa nya sakin, parang nagkatrauma na ko sa lahat ng ginawa nya pero still, mahal ko pa din sya, tuwing makikita ko sya tumatalon yung puso ko at kasunod nun ang pagflash lahat ng sakit, bumabalik na parang kahapon lang lahat nangyare.
Kaya eto kung saan sya dadaan mag-u-u-turn ako. naglalaro lang kami ng nagtataguan, ang mahuli masasaktan. ganun ba yun?
Si Aica nasa foodcourt na, kung saan saan kasi nagpunta kanina, nakita lang si Clyde tumakbo na! at sinundan!
Ayun nakita ko na si Aica. Tumayo na sya nung nakita nya ko at walang sabi sabi pumunta kami sa counter para bumili ng pagkain.
Naupo na kami ulit na dala ang pagkain namin. hinihingal pa sya.
"Bakit parang pagod na pagod ka?" Tanong ko kay Aica saka ako uminom
"Si Clyde kasi muntik na kong makita na sinusundan ko sya kaya nagmadali akong umalis" sabi nya na hinahabol pa din ang paghinga
nung nakita ko palA syang nakaupo kakaupo lang pala nya nun, "nakita ka?" curious na tanong ko
"Hindi! mabilis yata tong tatakbo!" proud na sagot nya na tinaas pa yung kutsarang hawak nya
natawa nalang ako sa ginawa nya, kumain na kami ng tahimik, close na din pala sila ni Ryu. naging okay naman kami ni Ryu habang tumatagal pabait sya ng pabait samin ni Aica, team Ryu na nga daw sya eh haha.
Pagkatapos naming kumain nagpunta na kami sa klase namin.
Uwian na at dahil friday ngayon gagala kami nila Aica at Ryu. nalalakad na kami ni Aica papunta sa parking lot. napag-usapan na naming maggala everyweek. puro kalokohan nga lang kami eh.
Nakita na namin si Ryu.
"tara na?" tanong nya nang makalapit kami sa kanya, tumango lang kami at sumakay na.
----
"saan tayo pupunta?" tanong namin ni Aica, hindi kasi to' yng papunta sa mall.
"secret! malalaman nyo din."sabi nya na todo ngiti.
"Secret ka pa, batokan kaya kita?"-Aica "Hwag po!hahaha"Ryu na parang pagsasamantalahan namin sya sa sagot nya.
"Hahaha, sira!" sabi ni Aica. nakitawa na din ako.
"andito na tayo mga babes!" masayang sabi nya.
nasa amusement park kami. "pasok na tayo! excited na ko!" sabi ni Ryu na parang bata.