L.M - First

355 9 2
                                    

10 years ago.

New York, April 2007

"Mama"

Sigaw ko sa taong pinaka importante sa buhay ko.

At yun ay si Mama. Siya ang nagpasaya at nagpapakulay sa buhay ko.

Detective ang Mama ko, habang Mafia naman si Papa. Pareho silang mabait, matulungin at masayahin. Pareho rin silang nagpapalaganap ng kapayapaan kaso hindi rin maiiwasan ang mga taong mapanghusga, may iba kasi na hindi sumasang-ayon sa kanila, pero naniniwala ako na tama ang kanilang ginagawa. Hindi lang nakita ng karamihan.

Kumain kami. Masaya ang kwentuhan namin, nakikita ko ang kanilang mga ngiti, parati ko silang pinagmasdan.

"Lye, tapos ka na ba?"sabi ni Mama pa ngiti niyang sinabi.

"Ahh opo, tapos na"

"Umakyat ka na para matulog, maaga tayo bukas" sabi ni Papa

"May party bukas and we are invited" sabi ni Mama

"Sige po!"

Umakyat ako kaagad sa kwarto ko dahil sa sobrang excited. Halos hindi na ako makatulog.

April 2007 ,

**** *** Hotel

Nagbihis na kami. Blue ang kulay ng gown ko, paikot-ikot sa salamin, sobra kasing ganda ng gown ko. Si Mama ay naka white o puti na gown, habang si Papa naman ay naka tuxedo, grabe ang ganda ni Mama may mga diamonds pa na alahas, si Papa may mahal na relo at sapatos.

May ibinigay sa kin si Mama isang kwentas na may anim na numero.

Wala akong kalam-alam kung ano ang ibinigay ni Mama sa kin. Tumingin ako kay Papa parang nalulungkot siya, hindi ko na lang tinanong. Niyakap ako bigla ni Mama.

"Ingatan mo yan.."

"Opo"

Pumasok na kami sa Hotel, napansin kong parang may tinago si Papa, parang baril. Hindi ko na lang pinansin. Naka suot kami ng maskara kasi Masquerade daw ang theme ng party. Maganda naman ang maskara ko kaya sinuot ko. Pagpasok ko, maraming tao. May nagiinuman, may nagkukwentuhan at may kumakain. Nasa dulo yung table namin kaya doon kami umupo, naiihi ako nun kaya kailangan kong pumunta sa restroom.

"Ma, restroom lang ako"

Pagkatapos kong mag cr lumabas ako. May mga grupo ng lalaki ang nagbubulongan nung una hindi ko sila pinansin, pero yung narinig ko na ang pangalan ng mga magulang ko binigyan ko na nang pansin. Sumilip ako, pero nakita ko lang ay isang batang lalaki at parang papalapit siya sa kin. Kaya tumakbo na ako, sa pagtakbo ko hindi ko namalayang naliligaw na pala ako. Nataranta ako nun, pasigaw na sana ako ng Mama ng biglang nakarinig ako ng putok ng baril.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nakita ko yung pintuan. Nag-uunahan sa paglabas ang mga tao, nasisigawan yung iba. Hinahanap ko sila kaso hindi ko sila makita. Tumakbo ako hindi ko napansin na may tubig sa sahig kaya nadapa ako. Pagtayo ko bumungad sa kin ang isang bangkay ng lalaki, naliligo sa kanyang sariling dugo. Dahan-dahan akong umatras.

Nakakatakot yung itsura niya. Napansin kong may pumatak sa noo ko, kulay pula.

"D-Dugo!?"

Dahan-dahan akong tumingin sa itaas at nagulat ako. Sobra akong nasaktan halos hindi na ako makapagsalita.

"Pa?!"

Nanginginig ako, dahil marami siyang sugat at ang worst ay binitay siya sa itaas. Nakita ko ang Mama ko na pilit tumayo.

"Ma!"

"Huwag kang lumapit!!!!"

Huminto ako, gusto ko siyang lapitan na-aawa ako, ang noo'y puti na gown ngayo'y parang pula dahil sa dugo.

"Listen, Dont ever lose that necklace or sell it"

"O-okay Mama pero-"

"Tumakbo ka na..."

"Ma-"

"TAKBO!! paparating na rin kasi ang ambulansya!"

Tunakbo nalang dahil sa kagustuhan ni Mama, parang nagslow-mo yung mundo ko. Nakarating na ako sa labas walang tao, malamang baka sa back gate ako naka labas. "Tulong!" sigaw ko. Gusto kong bumalik sa loob nang biglang sumabog yung Hotel. Nakadusay ako sa gitna ng kalsada, nakita ko yung ilaw ng bombero at mga pulis. Gusto kong tumayo, pero hindi ko kaya at naka pikit na yung mga mata ko.

May 2007

Three weeks akong hindi nakapagsalita. May Babae na pumasok sa kwarto ko hindi ko kilala may kasama siyang batang lalaki Stephen daw ang pangalan pareho kami, namatay rin ang magulang niya sa incidente doon sa Hotel

Makalipas ang ilang Buwan.

Lumipad ako papuntang London para doon mag-aral kasama si Stephen. At pumunta sa Japan para mag-aral ng Katana lessons habang si Stephen ay nasa Korea para mag-aral ng Martial Arts. Lumaki kaming may galit, ang tanging hiling lang namin ay hustisya.

Ako nga pala si Leslie Isabel "Lye" Martini, ang Mask Princess.

(Sorry sa mga errors o wrong grammars and spelling. Hope You Like It!)

Copyright • 2015

Liar Mask (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon