L.M - Chamber of secrets

80 6 0
                                    

"heto na, na detect ko na kung nasan yung chamber........ sa bahay ng kapatid ko?" sabi ni Stephen.

Tinignan ko yung screen. At oo nga parang bahay nga ng kapatid niya. Susugurin ba namin?

"Pasikreto na lang tayong papasok, ng parang mga ispiya"

Tumango na lang ako at agad nag bihis, inihanda ko rin ang aking mga armas. Kinakabahan rin pero may halong excitement.

2:48 P.M - Mansion ni Leon

Dumaan ako sa likuran ng bahay at doon pumasok, dahan-dahan akong pumasok. Meron kasing mga maids at guard. Itinapon ko yung vase para ma distract sila, at doon wala nang nagbantay. Agad akong umakyat sa 2nd floor. Ang sabi ni Stephen nasa 3rd floor daw ang chamber. Wala naman akong alam sa bahay na ito! wala namang tao dito kaya isa-isa kong sinilip at binuksan ang mga kwarto.

Wala naman ehh. Pumunta na lang ako sa 3rd Floor at yun ini isa-isa kong buksan at sinilip ang mga kwarto. Pero nung nagtagal, napansin kong may parang playroom kaya doon pumasok ako baka kasi nandito ang chamber, hinahanap hanap ko sa pader, sa drawer, sa cabinet, sa carpet, sa ilalim ng kama. Pero wala lalabas na lang ako.

"Sino ka?"

May bata?. At ang bata tinutukan ang ako ng shotgun? Baka walang kalaro o gustong makipaglaro.

"Ummm- Baby girl, hindi bagay sa mga girls na maglaro ng guns instead play with dolls o luto-lutoan"

"I know you! you are Martini Leslie!!" sabi ng batang babae

"Hindi kaya~"

"oh yes you are! I know that you know the code!"

parang galit sa kin yung bata, tapos nosebleed pa ako sa english niya hahahahay~ ang ingay ng batang toh, anak nga siguro sa maid hays/ at tika paano niya nalaman ang tungkol sa code? Parang naiinip na yung bata sa sagot ko. Dont tell me naghahanap rin siya sa code, hoy bata matulog ka na lang para lumaki ka. Ba't ba kasi ako ang pumasok sana si Stephen na lang, malapit naman yun sa bata ehh.

"Answer me!!!"

"NO!"

Nag-aaral naman ako sa London tapos 'no' lang ang nasagot ko.. Biglang nag-karate yung bata buti naka-ilag ako patuloy niya akong sinusuntok patuloy rin akong nag-shield, wala ehh bata lang naman yan.

"You are so weak, I thought were professional?" sabi niya ng paiinis.

"For your information hindi ako pumapatol sa bata!"

(Lye, nahanap mo naba anng chamber?) sabi niya sa kin sa airphones..

"Gotcha!" Sa wakas nahuli ko rin siya, agad ko siyang isinilid sa malaki niyang cabinet. ayan wala nang gagambala.patuloy kong hinanap yung chamber, and I think nasa kwarto ni Leon, kapatid ni Stephen. Hanap ako ng hanap, bigla naman akong nagutom pero kaya ko toh! *TANTADADA* Yes nakita ko na ang kwarto niya. Pumasok ako at gumulong sa tuwa.

"Oy Stephen, punta kana dito malapit lang yung bintana sa may puno, umakyat kana dali"

(On the way na) reply niya sa kin.

Habang wala pa siya, Tumitingin-tingin muna ako sa mga frames at paintings.

Nakita ko yung malaking frame na kasama niya yung bata. Kapatid rin ba ito ni Stephen? yung isinilid ko sa cabinet. O anak niya? o anak ng maid? pero ang sosyal naman. baka adopted? Ewan ko ba kung bakit na curious ako.

"Nandito na ako" sabi niya habang inayos niya ang kanyang buhok. (Ang Cuteeeee)

Sinuot ko na lang ang gas mask ko, siya rin. Biglang bumukas yung pinto tsaka may mga security guards na tinutukan kami at pinapalibutan. Tapos huling lumabas si Leon, at kasama yung bata sa ngayon hindi na shotgun ang hawak niya, sniper na! Saan ba ang mga magulang ng batang toh? Naligaw ata ng landas.

"Well, so nasa inyo na ang code? Mask Princess?"

Tumahimik na lang kami, alam kong may plano si Stephen.

"Daddy, Siya yung 'Mask Princess' She is not even look like a princess eh!"

"Daddy?!" Sabay kami sa pagsabi.

"Meet your pamangkin, Renee Smith"

Tumingin siya sa baba nung sinabi niya yun at hinawakan niya ang kamay ni Renee, binaba rin ni Renee yung sniper.

"M-May anak k-ka?!" sabi ni Stephen.

*Flashback*

Risa Smith ang pangalan ng kanyang ina. Mayaman sila. Masipag at masayahin ang nanay ni Renee. Isang araw nagkasama kami sa isang misyon, hindi kami masyadong nag-uusap nun. Nililigawan ko yung bestfriend, supportive siya. Pero di nagtagal namatay yung babaeng nililigawan ko dahil sa car accident, dahil sa galit ko hindi ko maiwasang uminom. Lasing na lasing ako, parang hindi ko kayang umuwi mag-isa.

At dumating siya yung babaeng nililigawan ko, hinatid niya ako sa bahay. Napahiga kaming dalawa sa kama, I kiss her, our kiss was passionate and then I do the deed.

Pagmulat ng mata ko, akala ko siya, hindi pala siya kundi si Risa. That was the biggest mistake I've ever made. But after that, kinalimutan lang namin yung nangyari and pretend it didn't or nothing happen. Naging magkaibigan kami, at di nagtagal nagkarelasyon kami. After 2 months naming pagsasama, nawala siya bigla.

Ilang beses akong nagtext o nagtawag pero hindi siya sumagot. Makalipas ang 8 months niyang pagtatago ay nagpakita na siya, na may dalang-dala na bata isang sanggol.

"Ano toh!?" tanong ko sa kanya.

"Anak mo siya, ikaw na magpapalaki sa kanya. Hindi ko siyang kayang buhayin. Aalis rin ako papuntang Italy may misyon ako doon, sige alis na ako" sabi niya sa kin.

Hinawakan ko yung braso niya, kaso nakawala siya. Agad naman siyang pumara ng taxi, pero bago siya pumasok ay may sinabi muna siya.
"Renee ang pangalan niya, babalik rin ako, pagnatapos na ang misyon ko"

"Iingatan ko siya, so please, ingatan mo rin ang sarili mo" sabi ko sa kanya.

"Leon....... Aishiteru~( I love you)" at pumasok na siya sa taxi.

To be continued...

L.M - Accept PREVIEW

"Magpatayan na lang tayo!"

"Ge ba, request mo yun"

(Thanks for reading, I love you guys!)

Liar Mask (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon