L.M - Prince of Mask

131 5 0
                                    


~Stephen Cuevas~

6:03 A.M, Friday

Ako si Stephen Cuevas also known as Prince of Mask o Prinsipe ng Maskara. Si Leslie ang naging kasama ko at, saksi niya lahat ng pangyayari sa buhay ko. nagkakilala kami dahil ako ang nakapapasalita sa kanya, after kasi sa incident na yun natulala siya at parang nawala sa sarili.

Birthday ko na pala ngayon, ayokong mag-celebrate, Ayoko. Bumangon na ako galing sa kama ko at nagshower tumingin ako sa salamin. Talagang galit na galit ako sa sarili ko, I feel guilty. I feel sadness and sorrow, I still can't move on.

Nagbihis ako, naka-suspenders, old style lang. inilagay ko yung baril ko sa may hawak o waist ko, inilagay ko na lang sa bag ko yung gas mask ko. Para kung sakali may ma engkwentro ako ready na.

Lumabas na ako sa kwarto ko, nang biglang may narinig ako na cellphone na nagriring. kay Leslie lang pala, bakit parang gulat na gulat siya? Dali dali akong bumaba.

"HAPPY BIRTHDAY!"

"Ayokong mag-celebrate ng birthday, hanapin na lang natin ang code"

sabi ko sa kanya, tapos tinalikuran ko siya, naiinis ako sa mga ganyan.

"Mag break naman tayo oh!"

"Bakit nakikita ba ang hustisya kung magpapahinga lang tayo?"

P*tang-in* napasigaw ako, dahil sa inis.

Nakita ko na hawak-hawak niya ang kanyang cellphone.

"Sinong nagtext kanina?"

"H-hindi ko alam" reply niya.

Heto na naman siya, walang kaalam-alam. Matalino ka pa naman. Tsk.

"Akin na yang phone"

Good Girl, ibinigay niya naman agad sa kin. Gusto ko talaga sa mga babaeng masunurin tsk tsk. Binasa ko yung message.

(Paki sabi Maligayang Kaarawan sa kapatid ko, thanks darling

Buhay nga siya.

*Flashback*

"T-tulong!" sigaw niya habang nagsusuka ng dugo.

"Kuya ano bang gagawin ko?"

"Humingi ka ng tulong, bilis! bilisan mo lampa ka pa naman!"

"Kailangan nilang mabuhay!" sabi ko habang tumakbo ako papalabas para humingi ng tulong.

*End of Flashback*
Nagtext uli siya.

(Magkita tayo sa Casino, darling isama mo ang kapatid ko. Lets celebrate)

"Sasama ka?" mahinahon ko siyang tinanong.

"If thats a mission then yes"

6:24 P.M ****** *** Casino

Nagpasama ako ng mga tauhan ko. Baka kasi may mangyari atleast okay na may defense.

Pumasok na kami sa loob. Madaming tao, at witwew ang sexy ni Leslie. May lalaki na lead sa min sa way. At doon nakita ko na siya, My brother.

Tumingin ako kay Leslie parang kinakabahan siya, pero alam kong matapang tong babae na to.

"I-ikaw?! yung nagbaril sa paa ko? yung naka engkwentro ko?" sabi ni Lye.

Hindi siya sumagot, tumahimik bigla, nag smirk siya kay Lye. Parang may binabalak.

"So let me introduce myself, to those who dont know me Im Leon Cuevas, the brother of "Prince of Mask" "

Siya si Leon Cuevas ang kuya ko, Famous siya kasi WANTED. Druglord toh! Tumahimik na naman, Bwesit wala akong masabi.

"Wanna play something, brother?"

"Hindi ako pumunta dito para maglaro"

Nag-evil smile siya sa kin, Tapos tumingin siya kay Lye. Kung makatingin wagas. Hindi na ako nagpadalos dalos, tinutukan ko siya ng baril. Nagulat naman siya.

"So you have a girlfriend na pala? Hindi ka man lang nagsabi, Hahaha!"

Nagpaputok ako sa itaas para tumahimik na siya. Tumayo siya, naka evil smile. Tapos biglang nag iba yung mood niya, mukha siyang galit

"Hindi mo kami binalikan ni Mama, Papa at ako, Walang Hiya ka! Sana ikaw na lang yung namatay!" sigaw niya sa kin

"P*tang in* ikaw ang nag utos sa kin na humingi nang tulong sa iba, hindi ko naman alam na may bomba sa loob!!!!" sigaw ko rin sa kanya.

Binaril niya ang kaliwa kong kamay, dahilan na nabitiwan ko yung baril ko. Buti bumack-up si Lye, (ayy graveh kinilig naman ako) Ilang beses na akong natamaan ng bala, kaya sisiw lang sa kin toh. Tinutukan ni Lye si Kuya, tinawagan ko na rin yung mga tauhan ko.

"HAHAHA! Lampa ka pa rin, Happy B-Day bro. Magkikita pa tayo"

Tumalikod siya at parang lasing kong makapagsalita, tinulungan agad ako Lye.

"Mamatay ka sana! Hayop ka!" sigaw ni Lye.

Huminto si Kuya sa paglalakad.

"Yung code, alam kong nasa inyo para itong kwentas na may mga numero...."

Umalis agad siya.

____________________________

L.M - Complete PREVIEW

"Alam ko na, kung nasan yung code"

"Bilis hanapin mo"

"Huh?... Nandito lang yun... dito ko inilagay..."

(Thanks for reading, love you guys)

Liar Mask (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon