CHAPTER 35
Ara's POV
"Promise Vic! Hindi ko naman talaga sa pinagtripan ka. Hindi ko naman alam na mag-aact ka ng ganun. I mean, hindi ko naman sinadya----"
"Can you please just stop!!!!" Pagputol ko dito with hand gesture pa ng stop.
Nakakasawa na kasi yung bunganga niya, paulit ulit naman yung sinasabi niya, mula pa kaninang nasa mall kami, hanggang ngayon ba naman na malapit na kami sa bahay.
Hindi niya sinasadya. Hindi niya alam na mag-aact ako ng ganun? Ok fine. Edi hindi, pero the fact na pinagtripan niya ako. Na nagmukha akong tanga dun sa timezone kanina, tapos siya pinagtatawanan lang ako diba? Nakakainis kaya yung ganun.
I did that because of her.
I--- I mean, I did that, for the stuff toy she likes, tapos alam naman pala niya na hindi ko talaga makukuha pero pinilit pa din niya ako na yun ang gusto niya. And take note, pinagtawanan pa niya ako because of that, sino ba namang hindi maiinis sa bagay na yun diba?
Kaya mas mabuti pa manahimik na lang siya, nasira na din naman ang araw ko sa ginawa niya eh.
Imbis na makatulong mas lalo pa siyang nakasira sa araw ko. Ugh!
"Sorry na nga kasi! Ito naman oh? Ok na ko dito!" Turo niya dun sa watermelon na hawak niya. "Ito oh!" Abot niya sa akin nung isa pang watermelon stuff toy. "Tig-isa pa tayo ayaw mo ba nun?" Parang batang pagpapacute pa nito.
Kaya imbis na magsalita pa ako, ibinalik ko na lamang yung tingin ko sa daan.
Actually, kanina pa kami ganito eh. May music naman sa kotse ko pero hindi ko pa din maiwasang hindi marinig ang boses nito. Annoying. Stress! Lahat na.
Geez talaga! As in geeezzz!
"Vic!" Bulalas nito na parang nanunuyo pa din ng hindi ako umimik sa kanya.
Nilingon ko ito. And gave her a death glare.
Napalunok naman ito sa ginawa ko, "Sorry na please" sincere na sabi nito.
Sorry?! Sorry niya mukha niya! Manigas siya dyan!
Imbis na sumagot ako, inilakas ko na lamang ang volume ng player ko para hindi ko na siya marinig pang magsalita. Sana kanina ko pa ginawa yan. Hahaha! Di bale, malapit na din naman kami sa bahay. Konting tiis na lang Vic.
Naramdaman ko naman mula sa peripheral vision ko na parang sumuko na ito, napasandal na lamang siya sa upuan saka malayang tumingin sa bintana.
Sa wakas! Naubusan din.
Ilang minuto pa ang lumipas, nakarating na din kami sa subdivision.
Nang makaramdam ako ng something na parang humihila sa manggas ng damit ko. Hindi naman ganun kalakas ang paghila, pero annoying lang. I mean, parang nagpapapansin kasi eh.
Ng lingunin ko ito. Hindi nga ako nagkamali.
Si Mika. Wala ng iba.
Para siyang batang hinihila ng damit ng mommy niya para lang mapansin siya at bilhin ang gusto niyang laruan sa palengke. Cute sana eh, cute sana kung hindi si Mika ang gumagawa.
Masyado siyang malaki para umasta ng ganyan.
Kaya naman inilayo ko ang kamay ko mula sa kanya, nagsalubong ang kilay ko kaya naman hindi na niya pinagpatuloy ang ginagawa niya. Sa halip ay para pa itong batang nagpaawa effect sa harap ko.
Tsss. Not even closer to cute Mika. Won't work. Not working.
Inirapan ko na lamang ito at nagpatuloy naman ako sa pagmamaneho.
![](https://img.wattpad.com/cover/17658163-288-k195903.jpg)
BINABASA MO ANG
MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)
FanfictionPaano mo aaminin sa sarili mo na siya na talaga, yung taliwas siya sa pinapangarap mo? Paano mo masasabing siya na kung halos hindi nga kayo magkasundo? Siya ba ang pipiliin mo na, the one that you false to love, or that someone you used to loved f...