CHAPTER 1

13.3K 147 6
                                    

CHAPTER 1

Ara's POV

Traffic Jam!

I hate Mondays!!! Urgh!!!!

Bakit ba kasi sa dinami dami ng araw sa kalendaryo! Naisipan pang umuwi ng kung sino mang babaeng yun ng LUNES! Kung kailan unang araw sa isang linggo na papasok ang mga estudyante, unang araw sa isang linggo na papasok ang mga trabahante sa trabaho nila.

Rush hour! Mahirap ng sumakay! Traffic pa! Urrrgghhh! >_<

Sinabayan pa ng napakabait kong Coupe na masiraan ng tire kaya nagtaxi lang ako ngayong araw papunta sa NAIA! Bad Vibed. Bad Vibes.

Ewan ko ba naman kasi kay Daddy! May carpool naman sila, o kaya naman Company Car, may assistant din naman siya, may secretary, may company driver pa! Bakit naman ako pa ang naisipan niyang sumundo sa anak ni Tito Manuel! Which is in the first place ay hindi ko naman knows.

Si Daddy, si Tito Manuel, at si Tito Fred ay business partners sa isang company, actually, firm ang business nila, Car Company. Oh diba? Production and Supplier ng mga kotse pero sariling pangkotse sa Anak wala sila! Amp!

Tinaguriang Trio Companeros sina Daddy, simula pa lang College, sila na daw ang kilabot sa Campus nila,pangarap nilang makapagpatayo ng kahit branch lang ng kahit anong brand ng sasakyan, sino bang makakapag-akalang, sila mismo ang makakapagpatayo ng first ever Car Producer sa bansa. And yes, we are producing Cars. Unix Corp is our business. Actually hindi pala We, they lang. Sila lang, the day after ko kasing maggraduate ng college, nagbulakbol na lang ako. Simpleng wala ako sa katinuan. Hindi ako seryoso sa buhay. Kaya never na din akong nagpakahands on sa business namen.

Anyways, balik tayo sa nakakabwisit na parte! Eto ako ngayon, sa kasagsagan ng Traffic dito sa Edsa! Naman diba! Lunes na lunes nasisira ang araw ko.

Ako kasi ang naatasan ni Daddy na sumundo sa anak ni Tito Manuel, hindi ko din alam kung bakit. Well, bukod sa bayad ko to sa kasalanan ko kay Daddy kagabi, wala na akong sapat na dahilan para ako pa ang utusan nila na sumundo sa babaeng yun. Sa kung sino mang yun!

First of all hindi ko naman siya kilala. Sa halos 20 years ng buhay ng Unix Corp, ni isang beses hindi ko pa siya nameet. Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng kung sino man ang susunduin ko ngayong araw eh, basta daw babaeng matangakad, na maputi, na medyo chinita na ewan pa kung anong description nila. Bahala na lang!

Sa lahat ng business partners ni Daddy, yung anak lang ni Tito Manuel ang hindi ko pa namimeet, kapag kasi bumabalik ng Pilipinas ang babaeng yun, ako naman ang namamasyal sa ibang bansa, kaya never pa kaming nagkakilala. Ni picture nun hindi ko pa nasilayan.

Sabagay, wala naman talaga akong pakialam sa business namen eh, or sa kahit na anong aspect sa business, or kahit pa sa buhay ng iba, never akong nagbother alamin ang tungkol sa kahit na sino, simula ng umalis si ....

Ay wag na ngang pag-usapan, ilang taon na din naman ang lumipas, nakamoved on na ako! Sa katunayan, ang dami ko ng naipalit sa kanya. No point of turning back.

Ara: "Manong wala na bang ibibilis to????" iritableng tanong ko kay Manong driver.

Driver: "Sorry Mam, grabe kasi po kasi yung traffic eh" sagot nito.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang panuorin na lang na umandar ng pakadyut kadyut ang taxi na sinasakyan ko. Kung pwede lang talaga akong lumipad, lilipad na lang ako makarating lang sa Airport na yun.

Kung alam ko lang na ito ang sasambulat sa akin, edi sana kahit nakabagahe ang babaeng susunduin ko nagmotor na lang kami. Wala pang hassle.

9:00 am nakaarrive na daw yun sa Airport, eh 8:45 na, wala pa yata kami sa Pasay, wala pa sa kalahati ang tinatahak nameng daan.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon