CHAPTER 50
Kim's POV
"Oh yun na pala eh" turo ni Camille mula sa labas ng pinto. Sabay sabay naman kaming napalingon dito. Brown na montero ang kotseng huminto sa tapat ng bahay ni Vic.
Si Mika na kaya ito.
Para kaming nag-aantay sa climax ng movie na pinapanuod namen. Yung tipong any moment paglabas ng mga tao sa kotse na yan ay magsisigawan na lang kami sa takot. Ganun! Hahahaha.
Hindi naman nagpasuspense pa ang lulan ng sasakyan. Agad na bumaba si Mika mula sa passenger's. Expected ko na yun kaya hindi na ako nagulat, pero ang higit na gumulat sa akin ay ang taong bumaba mula sa driver's.
Damn! I know him! Hindi ba yan yung kasama nila sa airport? Yung kapatid ni Bang?!!!
Si Lucas ba yun?!
Yeah yeah! Siya nga! Anong ginagawa niya dito?
Hindi ko mapigilang mapatingin kay Vic. Actually, hindi lang ako, halos kaming lahat napatingin na lang sa posibleng maging reaksyon ni Vic sa nakikita niya.
Grabe! Akala ko climax na yung kanina, ngayon pa lang pala. Teka nga! Parang exciting ang movie na to ah! Nakatitig kaming lahat sa eksena, yung iba sa paparating na MIka at Lucas, yung iba naman, gaya ko, sa nakatayong diretso habang nakahalukipkip na Victonara.
I smell something fishy huh?!
Gusto ko yung tindig ni Ara, parang sinasabing "Oras na tumuntong ang paa mo sa sahig ng pamamahay ko Lucas! Simula na ng paglilitis mo!" Hahahaha cooooool!
Nagkatinginan kami ni Camille, alam ko na ang ibig sabihin ng mga tinging yan kaya naman sumang-ayon ako dito. Mukhang kikilatisin namen ang ikikinilos ni Vic hmmm? Hahahaha.
Umupo ito sa tabi ko.
"Ihanda na natin ang ating mga sarili" bulong nito sa akin, tumawa naman ako, napatingin sa akin si Mela kaya tinakpan ko ang bibig ko saka ako nagpigil ng tawa.
"Guys!!!"bati ni Mika sa aming lahat.
"H-Hi..."
"Mika....!!!"
"Uyyyyy!"
Sabay sabay na bati namen, nagbeso naman sa kanya sila Jessey.
"Kuya Lucas!" Masiglang bati ni Vic kay Lucas na nasa pintuan pa rin hanggang ngayon, "Pasok ka" paanyaya nito.
Jusko! Mas nakakatakot ang ganyang aura, yung akala mo welcome ka yun bibitayin ka na any moment. Hahahaha! Victonara Chill! Nararamdaman kong nagliliyab ka na ah. Selos ba yan?! Hmm? Malalaman natin! Hahahaha.
Nagfist bump silang dalawa, kami naman nanunuod lang.
Napatingin si Vic kay Mika. "Oyyy! Moo!!! I missed you!!!" Tuwang tuwang bati nito kay Mika na nakaopen arms pang yayakap dito. Jusko Victonara! Nakakatakot ka! Hohoho! Buset!
"Lasing ba yan?" Bulong sa amin ni Mika ng makayakap na sa kanya si Vic sabay beso pa.
"Nah, namiss ka lang" sagot ni Cienne.
"Yes, lasing siya. Lasing sa pagkamiss sayo!" Sabi naman ni Camille.
"Cams!" Suway ni Cienne dito.
"What?!"
Muli kaming napatingin kay Vic. KAhit si Mika nakatingin na din dito. Nakakatakot ang paraan niya ng pagtingin kay Lucas, parang gusto niyang kainin ng buhay.
"Uhm? Vic... Hindi na din magtatagal si Pau...diba Pau?" Panlalaki naman ng mata ni Mika dito.
"Oh? Bakit naman MOO?!" pagdidiin ni Vic sa term na moo. Juskolord! Hahahah!
![](https://img.wattpad.com/cover/17658163-288-k195903.jpg)
BINABASA MO ANG
MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)
Fiksi PenggemarPaano mo aaminin sa sarili mo na siya na talaga, yung taliwas siya sa pinapangarap mo? Paano mo masasabing siya na kung halos hindi nga kayo magkasundo? Siya ba ang pipiliin mo na, the one that you false to love, or that someone you used to loved f...