CHAPTER 54
Shiela's POV
Ara's here.
She's with me.
Almost 5 days na din kaming magkasama.
Ang saya ko. Sobra.
I'm happy now, never been this happy.
Mahal ko sya. Mahal na mahal na mahal ko sya. Sobra.
At alam kong mahal din nya ako.
Pinaparamdam nya saken na bumabawi sya, at nararamdaman ko yun.
No "I love you's"
No "Baby, you're mine. Only mine"
Walang sweet endearments, plain na "Shiela/Bang" lang.
Alam kong hindi na namen maibabalik ang nakaraan, kung gano kami kasweet sa isa't isa. 3 years yun. Madaming nagbago, alam kong nagkakapaan pa rin kami hanggang ngayon. Pero ok na ako sa ganito, magkasama kami, nakikita ko sya paggising ko, lumalabas kami, catching up, dito sya nakatira kahit pang isang linggo lang. Masaya na ko dun. Ok na saken yun.
Klaro saken ang lahat. Mahal ko sya, at alam kong darating yung time na babalik kami sa dati.
Masaya ako, alam kong masaya din si Ara. Napapasaya ko sya.
Papatunayan ko sa kanyang hindi sya magsisisi na binigyan nya ako sa second chance. Papatunayan ko sa kanyang mahal na mahal ko sya.
My goal is to win my Ara back.
Gagawin ko ang lahat for us.
Dahil nitong mga nakaraang araw puro ako ang sinusorpresa nya. Ngayon, ako naman. Babawi ako.
Naghanda ako ng almusal for us.
Old time's sake.
Lahat ng paborito nya inihanda ko.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto....
Napasmile agad ako.
"Baby!" Bati ko agad dito ng lumapit sya saken dito sa kusina.
"Good morning" bati nito saken.
Oh? Bihis na bihis yata ang isang to?
Lumapit ito sa mesa at tinignan ang mga nakahanda dito.
"Wow! Buffet ha? Tataba ako nito" nakangiting sabi nito.
Lumapit ako sa kanya at humawak ako sa bewang nya, I was about to kiss her on her lips ng umiwas sya dahil kumuha sya ng hotdog sinubo nya ito at nagtungo sya sa sink para maghugas ng kamay..
"Dami mo naman yatang hinanda?" Tanong nito saken habang puno ang bibig.
Napahawak na lang ako sa sandalan ng silya.
"Para mabusog ka baby" nakangiti akong humarap sa kanya.
Mabilis itong umupo sa silya at kumain.
"Babe"
Tumingin ito saken, para syang nagmamadali.
"Aalis ba tayo? Di pa ako bihis eh" sabi ko.
Tumingin ito saken, sinubo muna ang nasa kutsara nya saka nagsalita "Nah! Ako lang" sabi nito.
Napakunot ang noo ko saka ako umupo sa katapat nyang upuan.
"San ka pupunta?"
Inubos muna niya ang nasa bibig nya saka nagsalita.
BINABASA MO ANG
MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)
FanficPaano mo aaminin sa sarili mo na siya na talaga, yung taliwas siya sa pinapangarap mo? Paano mo masasabing siya na kung halos hindi nga kayo magkasundo? Siya ba ang pipiliin mo na, the one that you false to love, or that someone you used to loved f...