Mika's POV
"Teka? Di naman to yung daan papuntang airport huh?"
Napalingon ako kay Kimmy.
Oo, hindi ko alam ang daan papuntang NAIA pero familiar naman tong daan na tinatahak namen. Eh pabalik to sa bahay ni Vic eh, out of the way. Tsk.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa daan.
"Pabalik to sa bahay nila Vic ah?"
Isang street na lang kasi yun na yung paliko papunta sa village kung saan nakatira si Vic. Anong ginagawa namen dito?
Naramdaman ko na lamang ang biglang paghawak ng malamig na kamay sa balikat ko. Si Cienne. Napalingon ako sa kanya.
"Mika, nasa bahay si Vic"
Ha?
Paanong nasa bahay?
Eh kanina pa ang flight dapat ni Vic, late na nga kami ng halos 1 oras eh. Umaasa na lang ako na aabutan ko sya dun. Kung hindi edi fine, magpapabook ako para makasunod agad ako sa kanya.
"Panong nasa bahay? Kanina pa flight nun?" natatarantang sabi ko. "Sige na Kimmy, iuturn mo na! Sa Airport tayo" nagmamadaling sabi ko.
Hindi nagsasalita si Kim.
Hindi nya sinunod ang gusto ko.
"Kim! Ano na?" natataranta na talaga ako.
"Mika, kumalma ka nga" tumatawa pang sabi ni Kim.
Aba! Wag nya kong sasabihan ng gagawin kapag ganitong di ko na alam ang gagawin ko ah! "Panong kakalma! Kim naman!"
Napakamot na lang ako sa noo ko.
Nilingon ko si Cienne para sana humingi ng tulong pero napansin kong nagtitinginan lang sila ni Camille.
Ano ba? Bakit ba sila parang nagkakapaan? Hindi sila makatingin ng diretso sa akin.
"Cienne! Camille!" tawag ko sa mga ito.
Tinignan nila ako..
Si Camille ang unang nagsalita..
"Uhm.. h-hindi Mika.. wala sa airport si Vic" sabi nito na halatang naalangan sa ngiti at sa pagtingin sa akin.
"Anong wala?" napakamot na lang ako sa ulo ko. "Pano nyo naman alam? SIgurado ba kayo? Nagtext ba sya? Madedelay ba flight nya? Hindi ba sya tutuloy ano??" sorry kung ang beast mode ko. Kasi naman... Aish.
"Kalma. Kalma!" awat sa akin ni Kim. "Baka magising yung tatlo" tumawa sya. Aba at talagang inisip pa nya si Mela, Riri at Jessey huh?
Eh ako! Hindi na nya inisip na hindi ko na nga malaman gagawin ko tapos ginugood time pa nila ako aish!
"Mika Mika" awat ni Cienne ng akmang magwawala na naman ako. Hinawakan nya ang kamay ko. "Relax lang huh?" sabi nito.
"Cienne naman!" iwinaksi ko ang kamay nya. "Panong kakalma?" tumingin ako sa wrist watch ko. "Sorbang late na tayo. Baka hindi ko na maabutan si Vic tapos ginugood time nyo pa ko" nako pag ako naiyak ah!
"Sandali lang kasi Mika" sabi ni Camille. "Kaya di kayo nagkakaintindihan ni Vic kasi di ka nakikinig eh" tumawa si Camille.
Natigilan ako sa sinabi nya.
"Cams!"
"Camille!"
Sabay na sambit nung dalawa.
Alam kong hindi meant ni Camille na maoffend ako, but I guess tama naman yung sinabi nya eh, kung noon pa ako nakinig kay Vic, matagal na din kaming okay.
BINABASA MO ANG
MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)
FanficPaano mo aaminin sa sarili mo na siya na talaga, yung taliwas siya sa pinapangarap mo? Paano mo masasabing siya na kung halos hindi nga kayo magkasundo? Siya ba ang pipiliin mo na, the one that you false to love, or that someone you used to loved f...