CHAPTER 22
Ara's POV
Maaga pa lang, nasa galaan na agad ako. I woke up early, and so I decided na pumunta muna sa Ice Cream parlor nila Cienne at Camille. Hindi ako nagpasabi na pupunta ako. Wala lang, gusto ko lang. Escape lang. Besides, magpapasama din naman talaga ako. Mamili?! Hahaha. Basta. Pagbigyan na. Gusto ko munang mag-aliw ngayon. This past few days, masyado na akong nawiwindang sa mga pangyayare.
Yah. About that Mika. With regards to her. Sa mga kinikilos niya. At sa mga ikinikilos ko din naman.
I just want to ....uhm?! Asked them ... Ano kasi eh?! Gusto ko kasing malaman kung ano ... uhm... may ano...may epekto ba ang... hay! Mamaya na nga lang ....
"Hoy! Aga aga tulala ka!" Pukaw ni Cienne sa atensyon ko. Dala na din nito ang inorder ko na isang blueberry chessecake saka isang banana split. Ibinaba na nito sa harap ko ang mga pagkain ko.
"Ha?" Tanong ko dito. Hindi ko naman kasi narinig yung sinabi niya.
"Ay kambal! May problema to!" Sabi ni Cienne kay Camille na kakadating lang din halos at nasa likod ko ngayon. Minasahe pa nito ang balikat ko kaya naman tinapik ko lang ang kamay niya.
"Agang problema niyan ah?! Baka malugi kami niyan" nakangiting sabi ni Cams saka umupo na sa tabi ko. Umupo na din si Cienne sa katapat kong upuan. Sumubo na din ako ng isang slice ng blueberry cheesecake.
Itutuloy ko pa ba ang itatanong ko?! Eh mukhang ang dami dami na nilang sinasabi ngayon palang. Baka naman maubusan ako kapag nag open pa ako?! Tsss..
"Wala. Magpapasama lang ako sana" sabi ko na lang.
"Saan?" Tanong ni Cienne.
"Somewhere" simpleng sagot ko.
"Down the road?! Pang aasar ni Cienne. Nagmake face lang ako. Magjojoke na lang yung kasing corny pa niya.
Pinakiramdaman ko lang ang sitwasyon, gusto ko sana, kapag magtatanong ako, hindi nila masasabing ako yun?! Wala. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit nga ba ako nagiging ganito ngayon.
Hay. I know hindi na ako nag-aact normal sa ngayon. Hindi na ako to eh. Since that night. Nung blind date daw. Ganito na ang inaasta ko.
I'm acting weird. Really really weird. As I said. Hindi naman ako to eh. Caring about her, taking care of her. You know naman what I mean. Who am I talking about?! Diba?! It's just weird.
Tapos kahapon.
Hay! I' ve never seen myself na magsasalita ng ganun kay Tito. Kay Tito Manuel. Kaya naman hindi ko alam kung anong sumanib sa akin that very moment na nasabi ko kay Tito lahat ng yun. Just to awaken him. Ayoko lang kasi yung nakikita kong, parang wala pa din itong concerned sa anak niya. Hindi siya manhid, alam kong alam niya na mali ang ginawa niya. And I know. Mika deserves to hear a sorry from him. Diba?! Hay. Ewan... Bahala na lang ...
Nagkwentuhan lang sila Cienne at Cams, actually kasama ako sa usapan, pero hindi na lang ako gaanong kumikibo. Just a simple nod and smile lang ang sinasagot ko kapag hinihingi nila ang opinyon ko.
"Vic! Ayos ka lang ba talaga?!" Nagulat na lang ako ng bigla akong tapikin ni Cams sa kamay ko na nakapatong naman ngayon dito sa table.
Ayan na nga ba. Vic. Nasosobrahan ka na sa kakaisip. Umayos ka na nga.
****************************
Cienne's POV
Nagulat kami ni kambal sa biglaang pagdating ni Vic. Hindi naman siya nagpasabi kaya literal na nagulat kami. I checked my phone, wala naman siyang text or tawag man lang, I asked Cams to check hers, wala din naman daw. Hindi naman sa ayaw namen na nandito siya. It's just that hindi kami sanay. Pumupunta lang naman yan dito or sa bahay nila Kim, or kanila Riri at Jessey kapag may problema yan. Pero mukhang wala naman, dahil wala naman siyang sinasabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/17658163-288-k195903.jpg)
BINABASA MO ANG
MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)
FanfictionPaano mo aaminin sa sarili mo na siya na talaga, yung taliwas siya sa pinapangarap mo? Paano mo masasabing siya na kung halos hindi nga kayo magkasundo? Siya ba ang pipiliin mo na, the one that you false to love, or that someone you used to loved f...