CHAPTER 19

10.2K 131 33
                                    

CHAPTER 19

Mika's POV

"Malayo pa ba?" reklamo na naman nito. Kanina pa siya ganyan, dada ng dada ang daming nirereklamo. Kesyo pagod na siya, kesyo kanina pa daw kami lakad ng lakad pero wala pa din. Napakareklamador. Hahaha. Eh lakad din naman ng lakad, sabi ko gusto niya maiwan na siya, ayaw din naman. Parang ewan eh. Para namang may magagawa ako sa pagrereklamo niya.

"Alam mo, imbes na magreklamo ka dyan, maglakad ka na lang" sabi ko naman sa kanya. Actually nakakadagdag lang sa pagod niya yung pagrereklamo nadadamay pa ako ng stress sa kanya. Nauuna akong maglakad sa kanya, nakasunod naman siya sa akin dito sa likod ko. Well, tama naman siya, kanina pa nga kami lakad ng lakad. Nakakapagod na nga, pero hindi pa kasi namen nakikita yung ring ng basketball sa puno ng Buko kaya hindi kami pwedeng tumigil, sabi kasi ng mga napagtanungan namen, may basketball ring daw ang katapat ng damuhan/bukirin na kailangan nameng puntahan.

Nakita ko naman ang pagkamot nito sa ulo niya sa sinabi ko. Kaya hindi na lang ako nagsalita. May halos 20 minutes na din siguro kaming naglalakad. Medyo mahina na din ang signal dito. Kaya hindi ko pa din magets sina Papa kung bakit dito sa liblib na lugar nila mas napiling ipatayo yung factory ng UNIX?

Anyways, nang lingunin ko si Vic, nakaupo na ito sa may bato at naniningkit na ang mata dahil sa pag-iwas sa sinag ng araw na rekta sa mga mata niya. Pawis na pawis na din ito at kitang kitang pagod na pagod na siya. Paano ba naman? Mukhang hindi yata nakaranas ng kahit kaunting hirap man lang ang isang to kaya ganyan. Hindi katulad ko, kahit naman papaano, sanay na ako sa ganitong lakaran, yun nga lang sa snow kaya hindi ako naiinitan. Kaya naman sanay na din ako kahit papaano sa mahabang lakaran. Hello. Psychology student kaya ako, kaya kahit sa pinakaliblib na lugar sa US pupuntahan namen magawa lang namen ang research paper namen.

Hindi naman sa pagmamalaki, pero hindi naman biro ang napagdaanan ko sa pag-aaral ng Psychology, kung kailangan kong magpunta sa pinakasulok ng mental hospital para lang malaman ang needs ng mga psychotic persons gagawin namen.

Kaya naman masasabi kong sanay na ako sa mga ganitong hirap. Sa kasamaang palad, ang babaeng kasama ko ngayon, mukhang hindi na yata tatagal.

"Oy tara na. Magtatanghali na oh" sabi ko sa kanya, napahinto na din ako sa paglalakad. Alangan naman kasing iwan ko siya diba?

Hindi naman ako nito sinagot. Nagpatuloy na lang siya sa paghinga ng maluwag. Nagulat na lang ako sa sumunod nitong ginawa. Susme. She's slowly unbuttoning her polo... She's doing that in a very sexy way. Kaya naman mas lalo yata akong pinagpapawisan.

Agad na akong nag-iwas ng tingin, baka makita pa niyang nakatingin ako sa kanya isipin niyang attracted ako. Hahaha.

Kakaiwas ko naman ng tingin, may nakita akong ...

"Gosh" bulalas ko na lang kasabay nito ang pagkinang ng mata ko. "Vic!" tawag ko dito ng nakatingin pa din sa treasure na nakita ko. Hahaha.

"Ano?" inis na tanong nito sa akin.

Hinarap ko naman siya, at sa sobrang saya ko, I cupped her face, and napayakap na lang ako sa kanya ...

"NAKITA KO NA...NAKITA KO NA...." masayang masayang sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya. Hindi ko na alam ang ginagawa ko dahil sa nakita ko. Daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa natanaw ng dalawa kong mata. Myghad! After all! Ito na!!!!

"Huy" sabi nito saka kumalas sa pagyakap ko sa kanya. Dahil naman sa ginawa niyang yun para naman akong natauhan.

"Ay---S---Sorry" sabi ko na uutal pa at iwas na lang ang tingin sa kanya. Muli na lang akong napatingin sa kaninang napakuan ng tingin ko. Hindi nga ako namalikmata lang. Kasi nandun pa din.... "Vic ayun oh!!!" turo ko dun sa puno ng buko na may nakapakong ring

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon