CHAPTER 64
Ara's POV
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.
Wala na akong pinalagpas na pagkakataon.
Mabilis akong lumabas ng kotse, nahihilo ako oo, pero hindi ko na ininda yun, ang gusto ko na lang ngayon, harapin si Kuya Lucas.
"Bitch!!!!" Sigaw ko
Agad ko syang hinatak sa kwelyo damit nya at inambahan ng suntok. Sa sobrang bihis ng mga pangyayare ay hindi na ito nakapagpumiglas pa.
Hinayaan kong makilala muna nya ako bago ko pa man bitawan ang suntok na dudurog sa panga nya.
"Hey hey!" Sabi nito habang hinihila ko sya paalis sa pagkaksandal nya.
"Anong klase ka!" Sigaw ko na lang. Hindi ko mapigilan ang galit ko, hindi dahil sa gay pala sya pero dahil sa ginagawa nya kay Mika. He's using Mika, the situation, para mapagtakpan ang kabaklaan nya. Hindi ko pa din inaalis ang nakaambang suntok ko sa kanya.
"Vic?" Gulat pang sabi nito. Amoy na amoy sa kanya ang alak, hindi maitatangging lasing sya. Pero sa pagkakasambit nya sa pangalan ko, mukhang nawala ang kalasingan nya.
"Hey you! Bitawan mo sya" dinig kong sigaw ng lalake na kasama nya na nasa likod ko pero hindi ko sya pinansin.
Gigil na gigil ako kay Kuya Lucas. I really wana hit him now!
"Ugh!!!! Gustong gusto ko ng basagin yang mukha mo!!!" Sabi ko. Alam kong natatakot sya, kita ito sa mga mata nya. Pero ginalit nya ako eh. "Pero ayokong mawalan ng respeto sayo!" Sabi ko na lang.
Pinigil ko ang gigil at inis ko sa lalakeng hawak ko ngayon.
"Vicky" sambit na lang nito habang nakakapit sa kamay kong nakahawak pa din sa kwelyo nya.
Vic, please, wag kang gumawa ng gulo dito. Wala namang mangyayare pagginawa mo yan.
Pinigilan ko ang aking sarili. As much as possible, pinili ko yung natitirang respeto ko sa kanya....
Tinulak ko sya ng malakas hanggang sa mapasandal na lang sya sa kotse nya.
"How dare you!!!" Dinig kong sabi nung isang lalake.
Hindi ko na ito pinansin kahit alam kong pasugod na sya sa akin sa halip ay napatukod na lang ako sa aking tuhod.
Naiinis sa sarili, dahil for the nth, its me na hindi naniwala kay Mika. She's telling the truth. Ugh!
At naiinis, nagagalit, nabubwisit ako sa lalakeng nasa harap ko ngayon. Kahihiyan sya para sa mga gay. Hindi sya dapat tawagin man lang na gay kasi sya ang pinakaduwag na gay na nakilala ko. Shame on him!
"Alex no!" Dinig kong pigil ni Kuya Lucas dun sa lalakeng susugod sana saken para suntukin ako. "She's my friend" sabi nito. "Ako ng bahala dito"
Kahit medj nahihilo pa ay agad na lumapit sa akin si Kuya Lucas.
Tinignan ko sya ng masama saka ko sya tinulak palayo sa akin.
"Stop pretending!" hindi ko mapigilan yung sarili ko
"Vic"
"You're gay, and apparently, si Mika yung ginagamit mo para mapagtakpan yang kabaklaan mo sa pamilya mo!"
"Vic, no. Hindi ganun" sabi nito ng akmang hahawakan pa ako pero lumayo na ako.
"Eh ano lang? Nageenjoy ka lang sa pagpapanggap mo. Kuya Lucas, nakikita mo ba yang ginagawa mo? You have your life!!!! You can go out with your.... with your fuckin boyfriend ... And Mika? Pano sya? Sya lang yung nahihirapan, samantalang ikaw ang saya saya mo, enjoy na enjoy ka! Nakikita mo ba si Mika? Ha? Pumayag ka sa agreement kasi walang mawawala sayo, well actually matatakpan mo yang kabaklaan mo dahil sa ginagawa mo right?" sorry pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)
FanfictionPaano mo aaminin sa sarili mo na siya na talaga, yung taliwas siya sa pinapangarap mo? Paano mo masasabing siya na kung halos hindi nga kayo magkasundo? Siya ba ang pipiliin mo na, the one that you false to love, or that someone you used to loved f...