CHAPTER 21
Ara's POV
Lumipas ang isang buong araw. I guess ok na siya, nang lumabas kasi ako kahapon mula sa kwarto niya, mukhang nakatulog na siya at bumaba na din naman ang lagnat niya. Nung bumalik naman ako, hindi na ulit tumaas pa ang lagnat niya, sinat na lang kaya hindi na din ako nagpakahands on sa pag-aalaga sa kanya.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako ng hindi man lang nakakapaglapit ng damit ko kagabi. Hahaha. Pagod din siguro. Hahaha. Anyways, naligo na din naman ako ngayon kaya ok na. Ngayon kasi kami magrereport sa office about sa nangyare nung isang araw sa Tagaytay. Ay. Ako lang pala. Hindi ko na siguro isasama pa si Mika, baka mas lalo siyang magkasakit kapag nabinat pa siya.
Sinusuot ko lang ang relo ko habang pababa ng hagdan.
Nanlaki na lang ang mga mata ko sa babaeng naabutan kong nagluluto sa kusina. Agad din naman akong nakabawi kaya naman...
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko agad dito. Wala na talaga akong magagawa sa napakatigas na ulo ng babaeng to. Sinabi ng wag muna siyang kumilos at baka mabinat siya. Tapos ito na naman. Tsk. Saan ka ba nagmana labanos ka?! Hay!
Lumingon naman ito sa akin saka ngumiti.
"Good morning din" bati nito sa akin saka muling ibinalik ang pansin sa kanyang ginagawa sa kusina. Lumapit na din ako sa kanya, bahala na nga kung anong isipin niya ....
Kinuha ko yung hawak niyang sandok. Mukhang nagluluto pa. Mahirap bang intindihin ang salitang PAHINGA?! Tsk.
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Sinabi ko magpahinga ka lang muna" sabi ko dito habang inaagaw mula sa kanya lahat ng mga hawak niyang gamit na pangluto.
"Sobrang care na yan" nakangising sabi nito. Aba. Nakakaloko ka ah. Tinignan ko siya, aba ang loka, baba't taas pa ang kilay sa akin ha?! Nagpapacute lang. Hmmn?! Iniwasan ko na lang siya ng tingin. Sobrang care?! Sinabihan lang na magpinga sobrang care agad?! OA.
"Magpahinga ka na nga lang sa kwarto mo" sabi ko dito saka tuluyan ng kinuha sa kanya lahat ng hawak niya. Hotdog at bacon ang palagay kong iluluto nito, wala namang kakain nito kaya akmang ibabalik ko na sa ref lahat ng kinuha niya. Kukuha na sana ako ng noodles ulit sa food cabinet ng bigla ako nitong pigilan...
"Oh?! Noodles na naman?! Ayoko niyan" sabi nito na kunot pa ang noo. Whoah?! Sinuswerte yata siya?! So ano?! Ipagluluto ko pa siya?
"Choosy ka pa. Para madaling lutuin!" Sabi ko naman saka ko tinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Bubuksan ko na sana ang hawak kong noodles ng bigla itong agawin sa akin ni Mika.
"Ikaw" sabi nito saka ako hinatak paupo sa dining chair. "Ang oa mong magworry. Maupo ka dyan.. akong bahala sa almusal" sabi nitong nang ngiting ngiti pa. Wow. Kung magsalita siya, parang hindi siya halos magkumbolsyon kahapon ah?! Yabang! Hahaha.
Tumayo naman ako agad sa kinakaupuan ko, "Hindi ako worried, ako kasi ang nagagambala kapag nagkakasakit ka. Hindi mo ba alam na ang taas ng lagnat mo kahapon, akala ko mamamatay ka na. Tapos ngayon, bumaba lang ng konti ang lagnat mo feeling mo ang lakas lakas mo na" sabi ko sa kanya saka ako lumapit at humarang sa ref na bubuksan na niya sana.
Kumunot naman ang noo nito. "Ang OA naman nito" sabi niya saka ngumiti. "Ok na ako. Ok?! Ang galing kaya ng nurse ko" then she smiled seductively.
Napalunok naman ako sa ginawa niya saka muling nag iwas ng tingin. Bakit ba siya gumaganun?! Nandidiri ako. Eeeww! O sige na nga. Aaminin ko, ang ganda niya kasi kapag ganun. Pero hindi naman ibig sabihin nun attracted ako ha. Hindi noh. At sorry, defensive ang beauty ko. Hahaha.
BINABASA MO ANG
MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)
FanfictionPaano mo aaminin sa sarili mo na siya na talaga, yung taliwas siya sa pinapangarap mo? Paano mo masasabing siya na kung halos hindi nga kayo magkasundo? Siya ba ang pipiliin mo na, the one that you false to love, or that someone you used to loved f...