(dahil may picture ulit ang KARA update tayo hahaha)
CHAPTER 4
Mika's POV
My decision is final Aereen, once na pumayag si Vicky, you'll stay with her.
Nagsalita na ang commander ko? May magagawa pa ba ako? Siyempre oo, at yun ay ang sumunod sa gusto niya. Tatay ko yan eh. Anyways, baka naman much better if I'll stay with her, mabait naman ang puno, I guess mas mabait ang bunga diba.
Bahala na lang, wala na din naman akong magagawa eh.
Natapos ang kwentuhan namen ng biglang may kumatok mula sa pinto, at agad itong pumasok sa loob ng session room. Nakatalikod ako mula sa pinto kaya hindi ko naman agad siya nakita ...
"Dad, sorry po late ako ....." wait. Pamilyar ang boses na yun huh. Tumayo naman agad si Tito Victor ng makita ang pumasok sa pinto, ako naman, parang napako na sa pagkakatulala ng marinig ko ang boses ng nagsalita. "Hi Tito Fred, Hi, tito Manuel" bati muli nito.
Dad, sorry po late ako ...
Hindi ako pwedeng magkamali! Narinig ko na ang boses na yan! Jusko! Wag naman sana. Minumulto na ba ako ng karma. Imposible. Hindi. Hindi ko pwedeng sundan nun dito. Nag-iimagine lang ako.
"Vicky, kanina pa kita hinihintay!!! Explain everything to me..." tugon ni Tito Victor
Ah so eto na pala yung Vicky na sinasabi. Pero wait, bakit hindi ako makalingon sa kanya, bakit hindi ko siya makuhang lingunin.
"Nako Vic! Lagot ka na...." naggesture pa si Tito Fred ng lagot daw.
Vic!?!
V-Vic? Tama ba yung narinig ko?? Vic as in ...
Ms. Vic here's your order
Ganun? Oh no! No! Hindi... Hindi pwede! Napabuntong hininga ako. Jusko! Yung heartbeat ko! Sunod sunod sa pagtibok! Nakakakaba! Ano ba naman itu? Hindi pwede mali to. Imposible. Hindi siya yan. Nagkataon lang na magkaboses sila. Nagkataon lang na magkapangalan sila.
"Daddy, pumunta po talaga ako, sinundo ko po talaga siya, kahit itanong nyo pa kanila Ate Kim, Kay Cienne, kay Mela, Daddy naman, nalate lang ako, pero sinundo ko siya, yun nga lang hindi kami nagpang-abot kasi may sumundo na daw sa kanyang kaibigan, tapos may nangyare pa sa akin..." bakas naman sa boses nito na medyo nahihingal pa sa pagpapaliwanag.
"Siya nga Vicky, bakit ang dugyot mo? Nagmantsa ka pa sa polo mo! Saka bakit basa yang buhok mo???" tugon ni Papa.
Boom! Siya nga ba talaga??? Agad akong napalingon sa kanila na nasa likod ko. At nanlaki ang mga mata ko sa bumulaga sa akin. Kahit siya nagulat din ng makita ako.
"IKAAAAAWWWWWW????????" Sabay kaming napasigaw ng makabawi kami sa pagkakagulat. Napatayo ako sa kinakaupuan ko.
Siya nga! Yung tinapunan ko ng kape sa ulo at yung nilagyan ko ng tsokolate ang damit.
Jusko! Kinakabahan ako huh! So ..So siya yung Vicky??? Tama ba? Siya yung anak ni Tito Victor? Siya si Vic! Nabasa ko agad sa mga mata niya yung galit, yung inis at yung bwisit sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya, kinakabahan talaga ako.
"Dad! Anong ginagawa nyan dito!!!!" nakaturo siya sa akin habang nakatingin kay Tito Victor. "Hoy ikaw! Anong ginagawa mo dito! Nakita mo ba yung ginawa mo sa akin???? Ano na namang balak mo this time? Huh!!! Kapal ko din noh! Multo ka talaga sa buhay ko!!!" pasigaw niyang sabi.
"Teka Vicky, ano bang sinasabi mo???" napatayo na din si Papa.
"Tito Manuel, siya po kasi ang may gawa nito sa akin oh!" turo niya dun sa damit niya na may mantsa.
![](https://img.wattpad.com/cover/17658163-288-k195903.jpg)
BINABASA MO ANG
MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)
FanficPaano mo aaminin sa sarili mo na siya na talaga, yung taliwas siya sa pinapangarap mo? Paano mo masasabing siya na kung halos hindi nga kayo magkasundo? Siya ba ang pipiliin mo na, the one that you false to love, or that someone you used to loved f...