Chapter 1

802 17 12
                                    

After a long run, Hanamichi and Kumi are finally engaged. Nalampasan nila ang ibat ibang pagsubok as couple. Na-experience ni Kumi na magpa ubaya sumaya lang si Hanamichi. Ginawa naman ni Hanamichi ang lahat para mapaunlad ang kanyang sarili para maging karapatdapat kay Kumi.

After ng wedding proposal kinausap nina Mr. and Mrs. Edogawa sina Kumi at Hanamichi.

"Mga anak may target date na ba kayo para sa wedding nyo? Dapat paghandaan na naten ang wedding nyo. Ano bang plano nyo? Kung ako ang tatanungin nyo gusto ko yung tipong wedding of the year, yung pag uusapan ng lahat dito sa Japan. " Sabi ng Mrs. Edogawa

"Mama wala pa pong date, binigla po kasi ako ni Love. Wala pa po sa isip ko ang magpakasal. Gusto ko po munang tapusin ang pagdodoktor ko at pumasa sa licensure exam, bago po kame magpakasal." Sagot ni Kumi

"Nakuh naman anak, excited na akong mag alaga ng mga magiging apo namen. Wag nyo na kayang patagalin. O gumawa na kayo ng baby kung hindi pa kayo magpapakasal." Sabi ni Mr. Edogawa

"Tita at tito okey lang naman po sa akin na hindi agad kame magpakasal ni Boss. Ang mahalaga po ay engaged na kame. Masaya po ako kasi tinanggap ni Boss ang proposal ko at tinanggap nyo po ako bilang mapapangasawa nya." Sabi ni Hanamichi

"Gusto ko na talagang magka apo, bata pa kame ni Honey kaya makakapag alaga pa kame. Gumawa na kayo ng baby. Bilis punta na kayo sa kwarto ni Kumi." Sabi ni Mr. Edogawa

"PAPA!!!" galit na sabi ni Kumi

"Dun din naman anak ang punta nyo, kaya bakit papatagalin nyo pa." sabi ni Mr. Edogawa

"Okey lang po Tito, hindi naman po ako nagmamadali. Pag po nasa tamang panahon na bibigyan po namen kayo ng maraming apo. hehehehe" Nahihiyang sabi ni Hanamichi

"Hay naku ang mga babae talaga hindi ko pa rin nauunawaan. Halika nga Hanamichi tara magbeer sa labas." Pag aaya ni Mr. Edogawa

"Sige po, kukuha lang po ako ng beer. Jan ka muna Boss. I love you." sabi ni Hanamichi

"I love you too Love, lasingin mo si Papa para magtigil sya." Sabi ni Kumi


Then lumabas sina Hanamichi at Mr. Edogawa para mag inuman sa garden.

"Kumi sigurado ka ba? Ayaw mo pang magpakasal kayo? Ang tagal pa bago ka makapag exam, 2 years pa mula ngayon. Baka mainip si Hanamichi." Sabi ni Mrs. Edogawa

"Mama what do you mean po?" tanong ni Kumi

"Alam mong popular si Hanamichi sa mga babae, baka isang araw mainip sya at maghanap ng iba." Sabi ni Mrs Edogawa

"Mama wala po ba kayong tiwala kay Love?" tanong ni Kumi

"Meron anak, pero hindi mo kontrolado ang lahat ng lalapit sa kanya, sa mga darating na mga araw magiging busy ka sa duty mo at review mo para sa licensure exam mo. Hindi mo kontolado kung sino ang makakahalubilo nya, lalo na ang tukso." Payo ni Mrs. Edogawa

"Mama hindi po ako sasaktan ni Love. May tiwala po ako sa kanya, madami na po kameng pinagdaanan at naging saksi po kayo sa lahat ng yun. Sabi ni Kumi

"Okey, Malaki ka na at decision mo yan. Pero palagi mo syang bantayan." Sabi ni Mrs. Edogawa

"Opo Mama, salamat po." Sabi ni Kumi at yinakap ang mama nya


Umakyat na si Kumi sa kwarto nya. Nahiga sya at kinikilig na pinagmamasdan ang engagement ring nya then inaalala di nya yung naganap na wedding proposal ni Hanamichi sa kanya. Biglang pumasok ang lasing na lasing ni Hanamichi.

"Boss sabi ni Tito gumawa na daw tayo ng baby. Tara gawa na tayo. " Sabi ni Hanamichi at bumagsak sa kama dahil sa kalasingan.

"Gagawa ng baby? Eh bagsak ka na nga jan. sabi ko si Papa ang lasingin mo, eh bakit ikaw ang bagsak ngayon." natatawang ni Kumi

Dumapa si Kumi sa kama at kinikilig pinagmasdan ang natutulog na si Hanamichi. "Magiging asawa na kita, magiging asawa ko ang higanteng to, magiging asawa ko ang taong mahal na mahal ko. Mahal na mahal kita." Sabi ni Kumi at paulit ulit na hinalikan ang cheek ni Hanamichi

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon