Chapter 32

281 15 12
                                    

Next day

Maagang nagpunta si Hanamichi kina Kumi. Gusto nyang asikasuhin si Kumi bago ito pumunta sa hospital para sa 2wweks duty nya. Gusto din nya na sya mismo ang maghatid dito.

"Boss breakfast in bed" paggising ni Hanamichi kay Kumi at hinalikan ito sa noo

Ngumiti si Kumi at niyakap si Hanamichi"Ang aga mo naman Love, kumusta ang stag party? Nakarami ka ba?" pang aasar ni Kumi

"Oo, heheheh ang saya pala ng ganong party. Gusto ko din ng ganon bago tayo ikasal." Sagot ni Hanamichi

Nagdilim ang mukha ni Kumi "Heh! Masaya pala, edi dun ka na sa kanila." Inis na sabi ni Kumi

"Ikaw kasi ang aga aga mong mang Alaska. Pagsinabayan naman kita maiinis ka. ahahahha" sabi ni Hanamichi

"Nagtatanung lang eh, baka kasi alam mo na." sabi ni Kumi

"Ano ba, ang aga aga. Kain ka na, then later help kita sa pag aayos ng mga gamit mo." Paglalambing ni Hanamichi

"Bakit mainit ata ulo mo Love?" tanong ni Kumi

"Sinong hindi iinit ang ulo? Dalawang linggo kitang hindi makikita at makakasama." Sagot ni Hanamichi

Ngumiti si Kumi "Yun lang ba talga?" tanong nya

"Oo, alam mo namang ikaw lang ang gusto ko, gusto kong makasama sa panghabang  buhay. Ahahahah" sagot ni Hanamichi

"Bolero! Tara sabayan mo ako." pag aaya ni Kumi at inabutan ng kape si Hanamichi

"Boss sa wedding ni Mitsui ha, gawan mo ng paraan na makapunta. Pero kung hindi ka talaga pwede okey lang." sabi ni Hanamichi

"Pipilitin kong makapag off duty, pero hindi ako nangangako. Alam mo naman on call ako lagi and dun nakasalalay ang grades ko. Hindi porket sa atin ang hospital na yun ay hindi ako susunod. At para din sa future naten to."paliwanag ni Kumi

"I understand Boss. Pero nakapag ipon na din naman ako, ayokong ma-experience nyo ng magiging anak ko ang hirap na dinanas ko noon. " Nkangiting sabi ni Hanamichi at niyakap si Kumi

"Malapit na Love, konting hintay na lang. malapit na nating matupad ang matagal mo ng pangarap. Ang isang masaya at kumpletong pamilya." Nakangiting sabi ni Kumi

"Boss pwede bang simulan na naten ngayon. Wahahahhahaha" pang aasar ni Hanamichi

"Heh! Kumain ka na nga dyan." Sabi ni Kumi

After kumain nagready na sila ng mga gamit ni Kumi para sa duty nito. Bukod sa mapagmahal na kasintahan si Hanamichi, napaka maasikaso nito kay Kumi. Katangian nyang gustong gusto ng mga magulang ni Kumi.

After isakay ni Hanamichi ang mga gamit ni Kumi "Tara na Boss, hahatid na kita." Sabi nito

"Thank you Love, napaka maasikaso mo. I love you." Sabi ni Kumi

"ikaw yan eh, heheheheh I love you too." Sagot ni Hanamichi

"Saan ka punta after mo ko ihatid?" tanong ni Kumi

"Mambababae ako." sagot ni Hanamichi

"Sige lang, galingan mo lang." sabi ni Kumi

"Boss ano ba? Hindi ko na kailangang galingan. It's natural na, chick magnet ako diba? Kusa na silang lalapit sa akin." pagyayabang ni Hanamichi

"Itigil mo ang kotse, bababa na ako," inis na sabi ni Kumi

"Joke lang, Hindi ka na nasanay saken." Nakangiting sabi ni Hanamichi

"Ayokong masanay sa mga ganyang biro, nakaka inis." Sabi ni Kumi

"Ayan nandito na tayo. Manonood ako ng game nina Maki at Kiyota. Hindi ako mambababae. Alam mo namang ikaw lang ang babae ko. Kung bibigyan mo ako ng baby girl magiging dalawa na kayo. Heheeheh" sabi ni Hanamichi

"Okey, take care. See you after two weeks. I always love you." Sabi ni Kumi at hinalikan si Hanamichi

"I love you too Boss, wag magpapagod.mamimiss kita." Paalam ni Hanamichi

Nagtungo si Hanamichi sa gymnasium kung saan gaganapin ang laro nina Maki at Kiyota. Magkasama pa rin ang dalawa sa isang team, at tulad ni Hanamichi at Sendoh naglalaro sila sa JBA.

"Tol" bati ni Mito kay Hanamichi, kasama din nila si Rukawa

"Tara na, baka nagkakalat na si matsing" sabi ni Hanamichi, then pumasok na silang tatlong. Tamang tama kasisimula lang ng laro.

"Teka si Zeigh ba yun? Yung nasa bench nina Maki." Tanong ni Rukawa

"Oo, parang sya nga."sagot ni Mito

"Aba si matsing may supporter na rin.heheheeh buti maganda sya, hindi kamukha ng mga jologs ni Rukawa" nakangising sabi ni Hanamichi

"Wala na akong jologs noh." Sabi ni Rukawa

"Ang husay talaga ni Maki, parang high school parin kung maglaro. " bulong ni Mito

"Husay nila, tambak ang kalaban. Tyak na panalo na sila." Sabi ni Rukawa

Sa bench nina Maki, naka upo si Zeigh. Nanalo ang team nina Maki at masayang masaya sila. Agad na nilapitan ni Kiyota si Zeigh na dala dala ang bag nya. Nakangiti ito sa kanya.

"Congrats Kiyota ko. Proud girlfriend here." Nakangiting sabi ni Zeigh

"Zeigh hindi mo kailangang dalhin ang bag ko. Ayokong nahihirapan ka." sabi ni Kiyota

"Alam mo bang matagal ko ng pangarap to. Ang suportahan ka sa laro mo, ang dalhin ang bag mo sa tuwing may game ka. ang punasan ang pawis mo after ng game mo. Kaya ngayon hayaan mo lang ako. dahil masaya ako sa ginagawa ko."nakangiting sabi ni Zeigh

"Sure ka? Thank you, alam mo bang sa tuwing nandyan ka sumasaya ako ng sobra." Namumulang sabi ni Kiyota

"The feeling is mutual. Masaya din ako tuwing kasama kita." Sagot ni Zeigh at humawak sa braso ni Kiyota

"Tara na. Gigil mo ako, sosolohin muna kita." Bulong ni Kiyota at lumabas na sila ng gymnasium

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon