After kumain pina-uwi na nina Mitsui ang mga girl guest nila. Gusto nilang magkaroon all boys quality time sila na matagal na nilang hindi nagagawa, dahil lahat sila may mga partners na.
"Mitsui congrats lalagay na kayo sa tahimik ni Haruko my labs. At magkakababy na din." Natutuwang bati ni Hanamichi
"Oo nga, after three days lalagay na kayo sa tahimik. Masaya ako para sa inyo." Sabi ni Miyagi
"Masaya ako kasi mahal ako ni Haruko at mahal ko din sya. Tapos magkakababy na kame. Excited na ako. sana lalaki" nakangiting sabi ni Mitsui
"Wag mong papahirapan si Haruko my labs ha, lulompuhin kita pag pinaiyak mo sya." Sabi ni Hanamichi
"After ng kasal namen lilipat na kame sa Canada." Malungkot na sabi ni Mitsui
"Canada Pre? Bakit? Nakakalungkot naman yang balita mong yan." Sabi ni Kiyota
"Kailangan ko ng hawakan ang mga business ng pamilya namen. Kailangan ko na ding magtino, para sa mga employee namen, kay Haruko at sa magiging baby namen." Sabi ni Mitsui
"Ganon? Iiwan mo pala kami" sabi ni Miyagi
"Hindi lang si Mitsui ang lilipat, kame nina Rukawa lilipat na din sa Osaka. Nandun ang pamilya nina Beb at Sweet. Napag usapan na rin namen na dun manirahan." Sabi ni Mito
"Hindi naman ganon kalayo ang Osaka, pwede nateng bisitahin ang isat isa" sabi ni Rukawa
"Kami ni Izza stay here lang. may bahay na kasi kame at okey naman ang work ko at paglalaro ko sa JBA. Medjo maselan din kasi pagbubuntis nya kaya hindi sya pwede mastress." Sabi ni Sendoh
"Hindi pwede mastress, pero napaka pasaway mo." Sabi ni Maki
"Simula nung nalaman kong buntis sya, nagsimula na akong magbehave Maki.hehehehe" Sabi ni Sendoh
"Kami ni Ayako stay lang kami dito sa Kanagawa, dito kasi ako nagko-coach sa Shohoku." Sabi ni Miyagi
"Ikaw Hanamichi, stay lang kayo ni Kumi dito?" tanong ni Mitsui
"Oo, siguro. Nag aaral pa kasi si Boss. Pero isang sem na lang yun then mag e-exam na sya. Baka after non pa kame makapagpakasal at mag isip kung saan magstay for good." Sagot ni Hanamichi
"Ano ba yan mga Pre hindi ako makarelate sa usapang pamilya." Inis na sabi ni Kiyota
"Gusto mong makarelate, edi mag asawa ka na." sabi ni Maki
"Pre wala pa yan sa isip ko. Gusto ko munang iparamdam kay Zeigh na sya ang aking prinsesa. Alam nyo naman pag nagkapamilya agad dami ng responsibilities. Ayokong mastress sya." Sabi ni Kiyota
"Yang si Rukawa hindi takot sa responsibilities." Sabi ni Sendoh
"Bakit ako?" tanong ni Rukawa
"Kasi ikaw yung lalaking hindi man lang pina experience magdalaga ang asawa. mismong 18th birthday ni Ai mo sya pinakasalan." Sabi ni Mitsui
"Matagal na kasi akong nag intay, 16 years old palang engaged na kame, kaya ok nay un.Mahal na mahal ko naman sya at masaya kame. Araw arraw kong ipinaparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya." Sabi ni Rukawa
"Sendoh diba EX mo si Ai?" tanong ni Miyagi
"Oo, sya ang nagparealize saken na si Izza pala ang talagang mahal ko, bata pa kasi kami that time." Sagot ni Sendoh
"Si Kumi naman EX ni Rukawa. Tama ba?" Tanong ni Mito
"Oo, kasi umalis yang si gung gong nagpunta sa Canada, kaya nagkachance kame. Pero sila pala talaga para sa isat isa." Sagot ni Rukawa
"May mga dumarating talaga sa life naten na hindi man agad masaya, pero makikita naten ang mga purpose nila." Sabi ni Sendoh
"Nakakatuwa dati binabatukan lang tayo ni Akagi sa gym dahil puro tayo kalokohan. Ngayon maayos na ang mga buhay naten at isa isa na tayong nagkakapamilya. Hindi na kalokohan ang iniisip naten, mga responsibilidad na." sabi ni Mitsui at ngumiti sa mga kaibigan nya
"Malupit din yung papel na pamalo ni Ayako. Pero mahal ko si Ayako. Hehehe" sabi ni Miyagi
"Nakakalungkot isipin na darating ang araw na maghihiwa hiwalay tayo at haharapin ang kanya kanyang buhay. Pero that's life, hindi tayo pabata." Sabi ni Maki
"Mga Pre mamimiss ko kayong lahat." Sabi ni Kiyota
"Ikaw Kiyota, magkwento ka naman about sa inyo ni Zeigh. Lahat ng love life namen alam mo." Sabi ni Mito
"Ah si Zeigh hehehehe, mahal ko yun." Namumulang sabi ni Kiyota na napakamot sa ulo nya
"First jowa mo?' tanong ni Miyagi
"Oo Pre first girlfriend ko. Ang saya pala ng may nag aalala sayo, dati parang wala lang ako sa mundo. Pero ngayon nag iingat na ako kasi alam kong may Zeigh nag aalala saken. Tapos ang saya palang makatanggap ng chat galing sa mahal mo, na tinatanong kung kumain ka na, kung naka uwi ako ng safe. Dati kasi nakikibasa lang ako kay Maki ng mga ganon. Tapos ang sarap pala sa pakiramdam ng may nagmamahal sayo at hindi ka hinuhusgahan." Namumulang sabi ni Kiyota
"Tulog na kame matsing, ang haba ng sinabi mo" sabi ni Hanamichi
"Unggoy ka! nagpapakwento kayo tapos aalaskahin mo ako." sigaw ni Kitoya
"Hayaan mo sya Kiyota, nakikinig kami" sabi ni Mitsui
"Hehehe, nahihiya na ako. Pero alam nyo sya lang yung babaeng handing making sa mga kwento kong walang kwenta. Tapos napapatawa ko sya, tuwing ngumingiti sya kinikilig ako. ayokong malayo sa kanya. Sya lang ang nagparamdam saken na mahalaga ako at dapat akong mahalin." Nakangiting sabi ni Kiyota
"Naks inlove ka na nga bata" sabi ni Maki
Habang lumalalim ang gabi masaya nilang ipinagpatuloy alalahanin ang kanilang mga kabataan at mga kalokohan.

BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3
FanfictionContinuation ng love story nina Hanamichi Sakuragi at Kumi Edogawa Maging sila kaya till the end? Ano ang magiging papel ng mga bagong characters nadadating, magpapatibay kaya sa relasyon nila o sila ang magiging dahilan para maghiwalay sila.. ...