"Namimiss ko na talaga si Love, hindi na ako maka-duty ng maayos, hindi na rin ako makapag aral ng maayos. Si Love lang ang tanging naiisip ko. Ano ba yung ginawa ko? Kumi mag isip ka, paano mo sya mawi-win back after mo syang ibasura. Hindi nya deserve yung ginawa ko sa kanya. Ang sama sama ko." Umiiyak na sabi ni Kumi habang nakatingin sa engagement ring nya
Knock! Knock! Knock! "Doc. Kumi may bisita po kayo."
"Si Love kaya yun?" excited na tanong ni Kumi sa isip nya
"Sige let him in." sabi ni Kumi, inayos ni Kumi ang kanya sarili dahil sa pag aakalang si Hanamichi ang bisita nya, pumasok ang isang maganda at sexy na babae sa office nya
"Hi Kumi"
"IKaw?" gulat na sabi ni Kumi ng makita nya si Bianca
"Yes I' am, by the way my name is Bianca Smith" pagpapakilala ni Bianca
"Kilala na kita." Inis na sabi ni Kumi
"Hindi mo ba ako papa upuin man lang? Pero it's okey hindi naman ako magtatagal. Tumakas lang din ako kay Hanamichi baka mapansin nyang umalis ako." sabi ni Bianca
"Magkasama kayo ni Love?" tanong ni Kumi
"Yah, naka-stay sya sa agency with me." Sagot ni Bianca
Nangibabaw nanaman ang selos at galit kay Kumi. "Bakit ka ba nandito? Ano bang pakay mo? Nandito ka ba para sabihing masaya na kayong dalawa?" tanong ni Kumi
"Chill girl, hindi mo ako kalaban or karibal. Kaya wag kang magalit saken or kay Hanamichi. Napakabuting tao ni Hanamichi." Sagot ni Bianca
"Hindi karibal? But you stay together at may relasyon kayo. Anong gusto mo matuwa ako sa inyo?" tanong ni Kumi
"Kumi wag kang gaga... First of all, we stay together dahil simula nung naghiwalay kayo ayaw nyang mag isa dahil baka maisipan nyang mag-suicide, kaya I allow him to stay with me. Pangalawa wala kaming relasyon. Ikaw ang matagal nyang nakasama pero bakit parang mas kilala ko pa sya kaysa sayo.. Kumi wake up! Hindi gago si Hanamichi, never ka nyang ginustong saktan, pero ikaw lagi mo syang sinasaktan." Galit na sabi ni Bianca
"Wala kayong relasyon? Pero magkasama kayo nung game nya at magkahawak pa ang mga kamay nyo? Now you're telling me na wala kayong relasyon. Sinong niloloko mo? " tanong ni Kumi
"Kumi nasa 21st century na tayo. Hindi dahil magkahawak ng kamay may relasyon agad. Akala ko matalino ka, pero asan na yang talino mo? Broken hearted si Hanamichi nong time na yun at may game sya, kailangan nyang magfocus sa laro kaya pumayag akong samahan sya." Sagot ni Bianca
Hindi nakapagsalita si Kumi at nagsimulang umiyak. "Mahal ko si Love, mahal na mahal ko sya." Sabi ni Kumi
"Mahal ka din nya, sa tuwing hahalikan nya ako sa scene namen may mga luhang nanggaling sa mga mata nya, dahil sa bawat halik nya sakin, ikaw ang iniisip nya. Wala syang ibang gusto kundi ikaw." Sabi ni Bianca
"Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng to, diba gusto mo din si Love?" tanong ni Kumi
"Oo gusto ko sya, pero hindi ako makasarili. Nung nalaman ko kung gaano ka nya kamahal at kung gaano ka kahalaga sa kanya, I decided to give up my feelings. Dahil ang gusto ko ay maging masaya sya. Pero ikaw mahal mo sya, pero anong ginagawa mo? Sinasaktan mo sya? Masaya ka ba sa ginagawa mo sa kanya?" tanong ni Bianca, pero umiyak lang ng umiyak si Kumi
"Sa makalawa babalik na ako sa UK, kahit ayaw nya ako paalisin aalis ako para may chance pang magkabalikan kayo. Kakalimutan ko sya dahil alam kong sayo sya sasaya. And one more thing, may balak syang bumalik ng Canada. Kaya kung gusto mong ma-win back sya kumilos ka na." sabi ni Bianca
"Thank you Bianca, Sorry nagkamali ako sa paghusga sayo, sa inyo ni Love." umiiyak na sabi ni Kumi at yinakap si Bianca
"Kumi I have to go.." Sabi ni Bianca, bumitaw ng pagkakayakap si Kumi at tuluyan ng umalis si Bianca
"Sorry Love... Ngayon alam ko na, na ako lang talaga ang mahal mo. Sorry at sinaktan kita. Sana may chance pa, sana maayos pa. pero paano? Miss na miss na talaga kita at gusto na kitang makasama. Pero sa ngayon pag aaralan kong alisin ang selos sa puso ko." Sabi ni Kumi sa sarili
"Ang sakit sakit, kasi pwedeng angkinin na kita pero hindi ko kaya. Dahil ang gusto ko ay maging masaya ka. Mahal kita Hanamichi Sakuragi pero iba ang laman ng puso mo, hindi ako." umiiyak na sabi ni Bianca
Bumalik si Bianca sa agency, bumili sya ng ice cream at basketball shoes para kay Hanamichi. Pagpasok nya sa room nila, naka upo si Hanamichi sa sofa at masama ang tingin sa kanya.
"At saan ka galling? Bakit mo ako iniwanan dito?" nakangising tanong ni Hanamichi
"Miss mo ko?" tanong ni Bianca
"Oo naman my wife, I miss you." Sagot ni Hanamichi at yumakap kay Bianca
"Do you want ice cream? Binilhan kita." Nakasmile na tanong ni Bianca
"Weh, ice cream oo gusto ko, at ano to?" tanong ni Hanamichi habang hawak ang paper bag ng shoes na binili ni Bianca
"Open it, para sayo yan. Gift ko." Sabi ni Bianca habang inihahanda ang ice cream
Binuksan ni Hanamichi ang box "Thank you.. Bakit ang sweet mo?" bulong ni Hanamichi at niyakap ulit si Bianca
Nagsmile si Bianca at iniabot ang ice cream."Diba I told you na habang nandito ako gusto ko masaya ka, na ayaw kong malulungkot ka." sabi ni Bianca
"Pinapasaya mo nga ako, pero iiwan mo din naman ako. Dito ka na lang.plsss..." pangungulit ni Hanamichi
Pero di sumagot si Bianca at naupo lang sa tabi ni Hanamichi at kinain ang ice cream nya.
"Pagbumalik ka sa UK mamimiss mo kaya ako?" tanong ni Hanamichi
"Hindi, kakalimutan na kita diba?" ngiting sagot ni Bianca
"Ang sama mo naman saken, pinatay mo na agad ako." sabi ni Hanamichi
"Yun talaga ang gagawin ko, kakalimutan na kita. Kasi pag hindi kita kinalimutan, hindi ako magiging ready na magmahal ng iba." Sabi ni Bianca
"Sige, payag na akong kalimutan mo ang henyong ito. Pero masaya ako dahil naging part ka ng buhay ko. Salamat sa pagdamay sa panahong iniwan nya ako. Salamat sa pagsama sa akin nung panahong mag isa ako. Sana makilala mo na ang lalaki for you, dahil gusto ko ding maging masaya ka Bianca." Nakasmile na sabi ni Hanamichi

BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3
FanfictionContinuation ng love story nina Hanamichi Sakuragi at Kumi Edogawa Maging sila kaya till the end? Ano ang magiging papel ng mga bagong characters nadadating, magpapatibay kaya sa relasyon nila o sila ang magiging dahilan para maghiwalay sila.. ...