Chapter 38

363 13 17
                                    

After ng wedding ceremony sa garden, nagtungo ang lahat sa reception hall. Hindi pa rin makapaniwala si Hanamichi sa mga nagaganap at that moment kaya paulit ulit nyang pinipisil ang kamay ni Kumi.

"Love? bakit ka pisil ng pisil dyan? Later na yang iniisip mo, need pa nating harapin ang mga bisita naten." Nakangiting sabi ni Kumi as they walk going to reception hall

"Boss, ang sama mong mag isip saken ha? Pinipisil ko ang kamay mo dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi dahil sa iniisip mo." Namumulang sabi ni Hanamichi

"Talaga? Sorry ha, ako tuloy ang nagmukhang malandi ngayon, hindi ikaw." Sabi ni Kumi, pumasok sila sa reception hall


Pagpasok nila may mga sumigaw "HANAMICHI!!!" Napabitaw si Hanamichi sa hawak nya kay Kumi ng makita nya sina Takamiya, Okusu at Noma na kumakain na.  Agad nyang niyakap ang mga ito."I love you too na sa inyong tatlo, Mga Ungas! Tabachoy, Amerikanong hilaw, Erap nandito din kayo?" masayang sabi ni Hanamichi

"Oo naman Love ginawan ko ng paraan na maka uwi sila." Nakangiting sabi ni Kumi

"Congrats sa inyong dalawa, Kumi pagnambabae yan sabihin mo lang sakin. Bilbil ko pa lang wala na yang panama." Sabi ni Takamiya

"Kumi masaya ako para sa inyo. Pero pasaway yang si Hanamichi kaya pagpapasensyahan mo na lang sya." Sabi ni Noma

"Hanamichi ayan kasal ka na, magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya. Lagi kong hangad ang kaligayahan mo kaibigan." Sabi ni Okusu

"Kayo talaga, wag kayong mag alala. Nagbago na ako diba? Pero salamat nandito kayong lahat. I love you too na talaga. At ikaw Boss ko, masyado mo akong pinapasaya." masayang sabi ni Hanamichi

Nang may narinig si Hanamiching pamilyar na boses "Baby boy" sabi nito.

"Ivy?" sabi ni Hanamichi at lumingon sa tumatawag sa kanya, nakita nya si Ivy at si Paul sa isang table magkasamang kumakain

"Boss maglulupagi na talaga ako. masyado mo akong pinapasaya." nakangusong sabi ni Hanamichi kay Kumi

"Tara na kina Ate Ivy." Pag aaya ni Kumi

"Mga boys, puntahan lang namen sina Ivy." Paalam ni Hanamichi

"Sige Tol" sabay sabay na sagot nung tatlo


"Hi Ate Ivy and Kuya Paul, it's been a while." Bati ni Kumi

"Ivy" bati ni Hanamichi at hinalikan nya si Ivy sa cheek

"Congrats Bro." bati ni Paul at niyakap si Hanamichi

"Welcome to Japan Bro. Thank you for being here." Sabi ni Hanamichi

"It's my pleasure to be here in your big day. Be a good boy to her." Nakangiting sabi ni Paul

"Thanks man" sabi ni Hanamichi "Ivy kumusta?" tanong ni Hanamichi

"Namiss mo ba ako Baby boy? May baby na kame. Kaya kayo gumawa na din kayo." Sagot ni Ivy

"Naks bilis talaga ni Paul." Sabi ni Hanamichi

"Congrats Baby boy, take care of my sissy. Alam ko namang mahal nyo ang isat isa. Masaya ako para sa inyo." Masayang sabi ni Ivy

Ngumiti si Hanamichi at niyakap si Ivy.


"Boss anong gusto mong reward? Masyado mo akong pinapasaya." Sabi ni Hanamichi

"Ikaw, ikaw lang lagi ang gusto kong reward Love." sagot ni Kumi

"Sayong sayo ako Boss." gigil na sagot ni Hanamichi


Lumapit ang Papa at Mommy ni Kumi kina Hanamichi "Mga anak may isa pa kaming gift sa inyo." At may ini abot na susi ang papa ni Kumi kay Hanamichi

"Papa may kotse na po kameng dalawa." Sabi ni Hanamichi habang nakatingin sa susi

"Mga anak, susi ito ng magiging bagong bahay nyo. Pinapalayas ko na kayo sa bahay ko." Nakangiting sabi ng Papa ni Kumi

"Papa naman, pero thank you po." Sabi ni Kumi

"Hanamichi buong puso at tiwala kong ibinibigay sayo ang nag iisang anak anak namen. Nakita ko na kung gaano ka kabuting tao kaya alam kong nasa mabuting kamay ang anak ko." Sabi ng Papa ni Kumi

"Kumi maging mabuti kang asawa kay Hanamichi dahil simula ngayon mamumuhay na kayong dalawa bilang mag asawa. Masayng masaya kami ng Papa nyo para sa inyo." Sabi ng Mommy ni Kumi

"Thank you po Papa, Mommy ipinangangako ko pong lagi kong uunawain at mamahalin si Kumi. Ipapakita ko po sa inyo na hindi kayo nagkamali sa pagtitiwala nyo sa akin." Nakangiting sabi ni Hanamichi at niyakap si Kumi

"Oh sya, alis na kayo. Gawin nyo na ang apo ko. Inip na inip na talaga ako." sabi ng Papa ni Kumi at inilagay ang susi sa kamay ni Hanamichi

"Papa naman eh..." sabi ni Kumi

"Oh diba kasal na kayo? Hay nakuh Kumi anak ko. Payakap nga." Sabi ng Papa ni Kumi

"Sige po Papa, Mommy mauna na po kami." Sabi ni Hanamichi at tumatakbong hinila si Kumi palabras sa receprion hall, nagwave sila ng goodbye sa mga bisita nila at tuluyan ng umalis.


While Driving

"Boss..." tawag ni Hanamichi habang nagdadrive

"Love?" sagot ni Kumi

"Boss?' tawag ulit ni Hanamichi

"Love?" sagot ni Kumi

"Asawa na kita. Mrs. Sakuragi ka na." Sabi ni Hanamichi

Ngumiti si Kumi "Oo asawa mo na ako. Masaya akong maging nag iisang Mrs. Sakuragi mo." sagot ni Kumi

"Alam mo masayang masaya ako. Dahil alam ko at ramdam ko na mahal na mahal mo ako. isama pa ang pagmamahal, tiwala at pagtanggap ng mga magulang mo." Sabi ni Hanamichi

"Deserve mo yun, dahil mabuti kang tao. Pero minsan namimiss ko yung kaingayan mo, yung kayabangan mo heheheeh. Naalala ko tuloy yung show down nyo ni Kiyota nung laban nyo sa Kainan. Tig isa kayong bukol." Sabi ni Kumi

"Yung show down na yun, nakakahiya sa tuwing naaalala ko, pero hindi pa kita kilala that time. Stalker pa lang kita non. Wahahhah Pero nakakamiss din ang pangbabatok ni gori." Sabi ni Hanamichi

"Sarap maging bata Love. nakakamiss" sabi ni Kumi

Ngumiti si Hanamichi at tumingin kay Kumi "Sandali na lang Boss, pagdating natin sa bagong bahay naten, gagawa agad tayo ng bata." Nakangiting sabi ni Hanamichi

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon