Dahil tapos na ang project nila at umalis na din si Bianca, nag ayos na din si Hanamichi ng mga gamit nya para umalis sa agency.
"Mag isa nanaman ang henyo. Nakakalungkot, nakakapanghina, nakakawalang gana. Paano na ako? Tatanda na talaga siguro akong binata.'sabi ni Hanamichi sa sarili habang inilagay ang mga gamit nya sa kotse
Mitsui is Calling.....
"Ano kayang gusto ng manyakis na to." Tanong ni Hanamichi sa sarili
"Pare?"-Hanamichi
"Pare lalabas ulit tayo mamaya. Same place, libre ka ba?"-Mitsui
"Oo naman, sige sama ako."-Hanamichi
"Pare all boys ha, wag kang magdadala ng babae." -Mitsui
"Ungas! Wala akong madadalang babae."-Hanamichi
End of Call
"Hanamichi Sakuragi kailangan mo ng ituloy ang buhay mo mag isa. Walang babaeng gustong manatiling kasama ka, lahat sila iniiwan ka. Kaya ayoko na. ayoko ng magmahal pa." sabi ni Hanamichi sa sarili at nagdrive na papunta sa condo nya. After nyang ibaba ang mga gamit nya pumunta na sya sa bar na pagmamay ari ni Rukawa para tagpuin ang mga kaibigan nya.
Pumasok si Hanamichi sa bar at hinanap ang mga kaibigan nya. Nakita nya kung saang table sila nakapwesto at nilapitan nya ang mga ito.
"Unggoy" bati ni Kiyota
"Matsing bakit kasama ka?" tanong ni Hanamichi
"Syempre para naman may gwapo sa tropa." Pagyayabang ni Kiyota
"Bata mag isa ka ata?" tanong ni Maki
"Sabi nila all boys eh, saka wala naman akong pwedeng isama." Sagot ni Hanamichi
"All boys, inuuto ka lang ng mga yan pre... Tingnan mo sila." Sabi ni Kiyota
Tiningnan ni Hanamichi ang isa pang table kung nasaan sina Mitsui at nakita nyang kasama nila ang mga asawa at girlfriend nila. Nilapitan nya ang mga ito.
"Mga ungas kayo, akala ko all boys? Bakit kasama nyo ang mga asawa nyo?" Tanong ni Hanamichi
"Oi pare nandyan ka na pala?" bati ni Mitsui
"Sinong may sabing all boys?" tanong ni Miyagi
"Yang manyakis na si Mitsui" sagot ni Hanamichi na masama ang tingin kay Mitsui
"Naniwala ka naman gung gong" sabi ni Rukawa
"Kung alam ko lang, hindi na sana ako pumunta. Mga ungas!" Inis na sabi ni Hanamichi
"Chill Hanamichi Sakuragi. Init ng ulo ah?" sabi ni Ayako
"Sakuragi sinabi lang ni Honey yun para sure na pumunta ka. Kasama kasi namen si Kumi, ayon sya oh." Sabi ni Haruko sabay turo kay Kumi
Biglang namula si Kumi at bumilis ang tibok ng puso nya ng tumingin si Hanamichi sa kanya.
"Hi Kumi! Oh tapos? Eh ano kung kasama nyo sya? Dapat bang matuwa ako?' tanong ni Hanamichi
"What do you mean Love?" tanong ni Kumi sa isip nya matapos marinig ang sinabi ni Hanamichi
BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3
FanfictionContinuation ng love story nina Hanamichi Sakuragi at Kumi Edogawa Maging sila kaya till the end? Ano ang magiging papel ng mga bagong characters nadadating, magpapatibay kaya sa relasyon nila o sila ang magiging dahilan para maghiwalay sila.. ...