Nanghina sya sa bumungad sa kanya. Napakaraming empty bottles ng alak ang nakita nya sa sala, pero wala si Hanamichi. Pumunta sya sa room nito pero mga bote parin ng alak ang nakita nya. Pumunta sya sa banyo para i-check kung naruon si Hanamichi, pagpasok pa lang ay naamoy nya na ang masang sang na amoy ng suka at nakita nya si Hanamiching walang malay na naka upo sa harap ng toilet seat.
Kalmado syang nilapitan ni Kumi, namumutla na ito at malamig ang pawis, pero normal naman ang pulso at paghinga nya sa pagtingin ni Kumi. "Love gising! Love!!" sabi ni Kumi at dinibdiban si Hanamichi para magising, pero wala pa rin itong malay.
"Grabe ang dami mo ng naisuka, mukhang kanina ka pang umaga nagsusuka. Sa dami ng nainom mong alak tyak nagkagastritis ka na at dehydrated pa.. Nagpapakamatay ka na ba? Magpapakasal pa tayo diba?" sabi ni Kumi
Pinilit nyang buhatin si Hanamichi papunta sa kama nito pero dahil napaka tangkad at mabigat nahirapan talaga si Kumi. "Love gumising ka, ano ba? Ang bigat bigat mo. Wala ka na bang gagawin kundi sakta at pahirapan ako?" Umiiyak na sabi ni Kumi, pero hindi ito nagigising
Nang naihiga nya si Hanamichi napa upo si Kumi sa sahig sa sobrang pagod, dali dali naman syang bumalik sa kotse nya para kumuha ng pang dextrose at mga gamot. Habang nilalagyan nya ng dextrose si Hanamichi tumutulo ang luha nya."Galit ako sayo dahil sa ginawa mo, pero ako pa rin ang nandito para gumamot sayo. Napakalandi mo pero napakahina mo. Feeling ko ginago mo ako, pero nandito pa rin ako para sayo. Mahal talaga kitang gago ka. kaya gumising ka na." umiiyak na sabi ni Kumi
Matapos nyang lagyan ng dextrose si Hanamichi pinunasan nya ito at pinalitan nya ng damit dahil puro suka na ito. "Maya maya pag naubos yang dextrose mo magiging okey na ang pakiramdam mo at magigising ka na. Ganyan ka na ba talaga, wala kang gustong iparamdam saken kundi sakit at pag aalala. Gusto na kitang tuluyan para wala ng manakit saken, pero mahal talaga kita. Kita mo nagsasalita na ako dito mag isa na parang tanga. Okey lang may mga gwapo at magaganda namang nagbabasa." Sabi ni Kumi
Calling Papa....
"Kumi anak?"-Mr. Edogawa
"Papa hindi po ako uuwi, nandito po ako kay Love ngayon gabi."-Kumi
"Sige anak galingan nyo sa paggawa ng apo ko."-Mr. Edogawa
"Papa magtigil ka, masama po pakiramdam ni Hanamichi nasobrahan po sa alak. Tingin ko po nagkagastritis sya, pero wag naman po sana."-Kumi
"Okey anak alam mo naman ang dapat gawin, pati baby gawin nyo na rin." – Mr. Edogawa
"Bye na nga po."-Kumi
End of call....
Lumipas ang isang oras naubos ang dextrose at pinalitan ito ni Kumi ng bago, nawala na ang pamumutla ni Hanamichi at bumalik na ang kulay sa dati. Dahil hating gabi nakatulog na si Kumi sa tabi ni Hanamichi.
Rukawa's Bar
"Pare tumawag si Kumi, nadatnan nyang walang malay si Hanamichi sa condo nito." Balita ni Mito
"Anong nangyari?" tanong ni Miyagi
"Baka nagpakamatay na ang gung gong na yun." Sabi ni Rukawa
"Puntahan na lang naten." Sabi ni Sendoh
"Sige tara na" sabi ni Mitsui
Pumunta sila sa condo ni Hanamichi para tingnan at kumustahin si Hanamichi.
Hanamichi's Condo
Nagising si Hanamichi at nakita nya ang natutulog na si Kumi sa tabi nya. Pero dahil sa sobrang sakit ng ulo pumikit ulit sya. Bumangon naman si Kumi para tingnan ang dextrose nya.
After i-check ang dextrose naupo sya sa tabi ni Hanamichi at hinawakan ang kamay nito. "Love alam mo nung nakita kita na parang mamamatay ka na, nawala lahat ng galit ko. Pagmamahal ko na lang sayo at pag aalala ang naramdaman ko. Pinapatawad na kita sa lahat ng kasalanan mo. Ayokong mawala ka saken, ayokong mag end up ang relationship naten. I love you Hanamichi Sakuragi. Sorry sa lahat ng heartaches na ibinigay ko sayo." Sabi ni Kumi
Biglang iminulat ni Hanamichi ang mga mata nya "Narinig ko lahat ng yun. Hindi ka na galit?" tanong nito
Ngumiti si Kumi "Hindi na." sagot ni Kumi
"Talaga? Totoo ba yan?" tanong ni Hanamichi
"Oo Love, hindi na ako galit. Pinapatawad na kita." Sagot ni Kumi
"Kailangan ko pa palang mamatay bago mo marealize na ang ginawa ko ay para sayo, para maging tapat sayo." Sermon ni Hanamichi
"Hindi ka mamamatay dahil nandito ako para isalba ang iyong buhay." Nakangiting sabi ni Kumi
"Doctor nga pala ang Boss ko." Sabi ni Hanamichi
"At malanding basketbolista naman ang Love ko." Sabi ni Kumi
"Hayaan mo simula ngayon ikaw na lang ang lalandiin ko. At pagbumalik na ang lakas ko sayong sayo na ako." sabi ni Hanamichi
"Magpalakas ka na. Babantayan lang kita." Sabi ni Kumi
"Mahal mo ko." Tanong ni Hanamichi
"Hindi" sagot ni Kumi
"Okey... Di hindi.." sabi ni Hanamichi
"Ako mahal mo?" tanong ni Kumi
"Oo mahal kita." sagot ni Hanamichi
Ngumiti si Kumi "Mahal din kita mahal na mahal." Sabi ni Kumi
"Kasasabi mo lang na hindi mo ko mahal. Nahurt na ang feelings ko." Sabi ni Hanamichi
"Mahal nga kita." Sabi ulit ni Kumi
"Bakit hindi ko feel?" tanong ni Hanamichi
Ngumiti si Kumi at hinalikan si Hanamichi, Hanamichi kiss her back with passion. Nang biglang pumasok ang mga kaibigan nila sina Mito at Amai, Haruko at Mitsui, Sendoh at Izza, Rukawa at Ai, Miyagi at Ayako, dahilan para matigil ang kiss nila.
"Ayeeeeeee.." sabi ni Sendoh
"Hala ka" sabi ni Mito
"Akala ko walang malay, bakit nakakahalik pa?" tanong ni Mitsui
"Akala ko mamamatay na buhay pa pala." Sabi ni Miyagi
"Akala ko burol na, honeymoon pala." Sabi ni Rukawa
"Tara na boys, mukhang nakaka abala tayo." Pag aaya ni Amai
"Sige ituloy nyo na yan, pasensya na sa abala, Mauna na kame. " sabi ni Izza
After lumabas ng mga kaibigan nila. Niyakap ni Kumi si Hanamichi at hinalikan ulit ito. After sometime they broke the kiss."Ayan feel mo na? I love you." Sabi ni Kumi
BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3
FanficContinuation ng love story nina Hanamichi Sakuragi at Kumi Edogawa Maging sila kaya till the end? Ano ang magiging papel ng mga bagong characters nadadating, magpapatibay kaya sa relasyon nila o sila ang magiging dahilan para maghiwalay sila.. ...