Chapter 14

286 15 6
                                    

Broken hearted na bumalik si Hanamichi sa agency kung saan naka stay si Bianca, hindi tumitigil ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata dahil sa sakit na nararamdaman nya. Pumasok sya sa room nila at walang imik na naupo sa sofa.

Nakita sya ni Bianca at lumapit ito sa kanya "You look miserable? Nangyare?" tanong ni Bianca at naupo sa tabi ni Hanamichi

"Wala na, wala na talaga. We totally broke up. Ang sakit sakit, gusto ko ng mamatay sa sakit. Ayoko na." Umiiyak na sabi ni Hanamichi at yumakap kay Bianca

"Bakit ka nya ginaganyan. Nasasaktan sya, pero mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko syang ganito.. Mahal na mahal ka nya pero bakit mo sya patuloy na sinasaktan. Kumi ano bang problema mo. Sana ako na lang ang minahal mo Hanamichi." Sabi ni Bianca sa isip nya habang yakap si Hanamichi

"Sige iiyak mo lang yan. Kung yan ang makakapagpagaan nararamdaman mo." Sabi ni Bianca habang hinahaplos ang likod ng binata

"Sana ikaw na lang ang minahal ko, hindi na siguro ako nasasaktan ng ganito. Lagi kang nandyan para saken, kahit pinagsalitaan kita ng masasakit nandyan ka pa rin. Pero si Boss, wala akong ginawa kundi mahalin sya pero bakit? Bakit nya ako patuloy na sinasaktan." Umiiyak na tanong ni Hanamichi

"Hindi tamang pagkumparahin mo kame." Sagot ni Bianca

"Sorry oo tama ka, hindi tamang ikumpara kita sa kanya. Kasi ikaw wala kang ginawa kundi mahalin ako pero sya wala syang ginawa kundi saktan lang ako." sabi ni Hanamichi

"Wag ganyan ang isipin mo, mahal ka ni Kumi. Maaring may pinagdadaanan lang sya kaya nya nagawa yun. Give her time and space. Wag mong isara ng tuluyan ang puso mo." Paliwanag ni Bianca

"Bakit ang bait bait mo? Sana ikaw na lang talaga ang minahal ko. Sana maaga kang dumating sa buhay ko." Sabi ni Hanamichi

"Lahat ng mga nangyayari may dahilan, my purpose. Magiging okey ka din at malalampasan mo yang heartache na yan." Ngiting sabi ni Bianca

"Thank you" sabi ni Hanamichi, hinawakan nya ang pisngi ni Bianca at hinalikan ito, hinalikan din sya ni Bianca then naghiwalay sila

Tumayo si Bianca sa pagkakaupo nya "Ayusin mo ang sarili mo, sabi ni Direk tatapusin na ang photo shoot today. Dalawang scene na lang ang kulang. Para daw maipublish bago ako bumalik sa UK." Sabi ni Bianca

"Wag ka na lang bumalik sa UK, dito ka na lang saken." Sabi ni Hanamichi

Ngumiti si Bianca "Hindi pwede, final na yung decision ko. Babalik ako sa UK at kakalimutan na kita. " Sabi ni Bianca

"Kaya mo ba talaga akong kalimutan?" tanong ni Hanamichi

"Hindi ko alam, pero pipilitin ko. Dahil hindi ako para sayo. Masakit man pero tanggap ko na." sagot ni Bianca

"Mamimiss kita Bianca."sabi ni Hanamichi at yumakap kay Bianca

"I will miss you too, ikaw ang rason ng pagpunta ko dito sa Japan. Hindi man kita nakuha tulad ng pakay ko, nakilala naman kita na isang napakabuting tao." Sabi ni Bianca

"Sorry and thank you." Sabi ni Hanamichi

"Magready ka na, dapat gwapo ang groom ko ha, mamaya ikakasal na tayo." Nakangiting sabi ni Bianca

"Oo nga pala, wedding at honeymoon na lang ang kulang. Sige shower lang ako." sabi ni Hanamichi

Masama man ang loob at puro sakit ang nararamdaman ni Hanamichi kailangan nyang tapusin ang trabahong sinimulan nila ni Bianca. Naghanda sya at pinilit itago ang sakit na nararamdaman dahil alam nyang sa tuwing nasasaktan sya, mas nasasaktan si Bianca. Nagpunta sila sa isang beach resort dahil dun ang set nila for the wedding.

"Ang ganda naman dito" ngiting sabi ni Bianca

"Pero mas maganda ka." sabi ni Hanamichi, dahilan para mapangiti si Bianca

"Mamaya ikakasal na tayo, ready ka na ba?" nagbibirong tanong ni Bianca

"Oo ready na ako, pwede bang totohanin na lang naten?" sabi ni Hanamichi

"Tigilan mo ko. Ako lang ang may mahal sayo, hindi mo ako mahal. Kaya hindi pwede." Sabi ni Bianca

Hinila sya ni Hanamichi at humawak sa waist ng dalaga "Hindi ka mahirap mahalin Bianca." Bulong ni Hanamichi

Nakaramdam ng kilig si Bianca at namula ang mukha "Tse!!!" sabi ni Bianca sabay tulak kay Hanamichi

"Ang ganda ng scene na yun, buti nakunan ng picture. Bagay na bagay talaga kayong dalawa." Sabi ng director

"Bianca, bagay daw tayo." Sabi ni Hanamichi at hinawakan ang kamay ni Bianca

"I know how you feel Hanamichi, hindi mo kailangang magmadali to feel better. Alam kong masakit pa yang puso mo. At hindi pa yan handang magmahal ng bago." Ngiting sabi ni Bianca

"Pero gusto kong subukan. Pano kung magwork tayo?" tanong ni Hanamichi

"Mam Bianca tawag na po kayo sa dressing room."

"Okey coming" sabi ni Bianca at hindi na sinagot ang tanong ni Hanamichi

"Mahal kita pero may mahal kang iba. Ayokong subukan dahil baka lalo lang tayong masaktan." Sabi ni Bianca sa isip nya

"Sir Hanamichi tawag na din po kayo sa dressing room."

Nagpunta ang dalawa sa kanikanilang dressing room. Si Hanamichi ay pinagsuot ng all white tuxedo with black rubber shoes. Si Bianca naman ay nakaprincess wedding gown and pink rubber shoes. After nilang magbihis lumabas na si Bianca na hinihintay ni Hanamichi sa labas.

"Wow.." tanging nasabi ni Hanamichi ng Makita nya si Bianca

"Hello my groom." Bati ni Bianca

"Okey, position na kailangang nateng bilisan, may isa pang scene mamaya. Pareho kayong hindi pa naiikasal kaya just enjoy, ang gaganda ng suot nyo, yan yung mga bagong items ng agency." Sabi ng Director

"Okey ka lang? baka maiyak ka nanaman?" Pag aalala ni Bianca kay Hanamichi

"Okey lang ako my wife." Sagot ni Hanamichi at nag smile

Pumunta sila sa pwesto nila, ibat ibang angulo ang kinunan ng mga pictures. Pansamantalang nalimutan ni Hanamichi ang sakit dahil nagfocus sya kay Bianca. Ang last ay kissing scene nila. Dahil madalas ng may kissing scene, naging komportable na ang dalawa na gawin ito. Pero this time naramdaman ni Bianca na iba ang paghalik sa kanya ni Hanamichi, bigay todo ito sa paghalik at wala ng luhang nanggagaling sa mga mata nito. After magkiss natapos ang photo shoot.

"Tara na wife ko, maghoneymoon na tayo." Sabi ni Hanamichi, pero iniisip pa rin ni Bianca how Hanamichi kiss her

"Bakit ganon? Parang may gigil sya sa paghalik ngayon. Nakakakilig." Sabi ni Bianca sa isip nya

"Hey mamaya pa ang honeymoon, after dinner pa daw diba?" sabi ni Bianca

"Joke lang, ang ganda ganda mo dyan sa wedding gown, pwede bang totohanin na naten?" seryosong anong ni Hanamichi

"Hanamichi alam mo naman ang isasagot ko diba?" sagot ni Bianca

"Seryoso ako, madali kang mahalin Bianca. Magstay ka lang dito magiging masaya tayo." Sabi ni Hanamichi

"Sorry, pero iba ang mahal mo." Sabi ni Bianca

"Itataboy mo din ba ako kagaya nya? ire-reject mo din ba ako kagaya nya?' tanong ni Hanamichi

"Hindi ganon, mahal kita alam mo yan. Pero kahit ganon ayokong maging rebound lang ako. I hope you understand. Gusto ko kung magiging tayo ako na ang mahal mo. " Sabi ni Bianca

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon