After kausapin ni Mito si Hanamichi bumalik na ito sa tabi ni Amai. Si Hanamichi naman ay nanatili sa table nina Maki at Kiyota, pero napapasulyap din sya sa malungkot na si Kumi.
"Boss miss na kita, pero ito ang gusto mo diba?" sabi ni Hanamichi sa sarili nya
Naupo si Mito sa tabi ni Amai at umakbay dito "Kumi sayang kayo.." sabi ni Mito at napailing
"Anong ibig mong sabihin Yohei?" tanong ni Amai kay Mito, pero nagsmile lang ito
"Ano kayang pinag usapan nila? Ano kayang sinabi ni Love kay Mito. Sana makapag usap kame ni Love, yung kame lang dalawa. Yung hindi sya naka inom na katulad ngayon." Sabi ni Kumi sa isip nya
"Lolo nasan nga pala si Lola Jin?" tanong ni Hanamichi
"Wala na sya, lumipad na sya papuntang UK." Sagot ni Maki
"UK? Bakit sya pumunta dun, anong meron?" tanong ni Hanamichi
"Pre ulyanin ka na ba? Diba sabi nya dun sa chikababes na kasama mo liligawan nya ito." Paalala ni Kiyota
"Hah? Si Bianca?" paglilinaw ni Hanamichi
"Oo bata, mukhang tinamaan si Jin sa kanya at minsan lang yun mainlove. Ayun sabay silang umalis kanina, hindi mo ba alam?" tanong ni Maki
"Hindi eh." Gulat na sagot ni Hanamichi
"Pre hindi din naman alam ni Bianca yun, si Jin lang talaga ang gumawa ng paraan para magkasabay sila. Tinamaan ang loko at seryosong seryoso ang lola mo." Kwento ni Kiyota
"Ganon ba? Mabuti na siguro yun, may magmamahal na kay Bianca. Masaya ako pag naging okey sila." Nakangiting sabi ni Hanamichi
"Hilig mong maging masaya para sa iba, pero ikaw hindi masaya." Natatawang sabi ni Maki
"Kami na lang ni Matsing ang magsasama, pareho naman kameng single. Wahahhahah"sabi ni Hanamichi
"Sige magsama kayong dalawa, pareho kayo ng lahi, matsing at unggoy. Bagay na bagay." Tumatawang sabi ni Maki
"Ayoko nga pre... May pangarap pa akong mag asawa. Kung ikaw wala na, mag isa ka." Bulyaw ni Kiyota
"Bata nakakarami ka na ata? Baka masobrahan ka, magmamaneho ka pa." pagsasaway ni Maki kay Hanamichi na marami ng naiinom
"Ayos lang lolo, kaya kong magdrive kahit naka inom ako." sabi ni Hanamichi
"Pre, basketbolista ka, hindi maganda sa katawan ang maraming alak, baka humina ang stamina mo nyan." Sabi ni Kiyota
"Buti ka pa matsing concern ka saken. I love you too na." sabi ni Hanamichi at niyakap si Kiyota
"Waaaaaaaaaaaa... Bitawan mo ako unggoy. Baka isipin nila pumapatol ako sa unggoy." Sigaw ni Kiyota
Napatingin naman sina Rukawa kina Hanamichi at Kiyota.
"Lasing na ata ang gung gong" sabi ni Rukawa
"Paano uuwi yan? Baka mabangga yan pag nagdrive pa yan." Pag alala ni Miyagi
"Sweet okey lang bang ihatid ko si Hanamichi? Ipagdadrive ko sya pauwi, nag aalala kasi ako." sabi ni Mito
"Sige, dun na lang muna ako kina Ai. Okey lang ba Kaede?" tanong ni Amai
"Oo, wag ka lang mang aabala sa mga gagawin namen" sagot ni Rukawa
"Ikaw Kumi, baka gusto mong samahan si Mito? Para may aalalay kay Hanamichi sa sasakyan?" tanong ni Sendoh
"Tinatanong pa ba yun, sige na Kumi sumama ka na sa kanila." Sabi ni Izza sabay tulak kay Kumi
"Okey lang ba Mito?" tanong ni Kumi at tumango naman si Mito.
"Maki iuuwi ko na sya, medyo nakarami na. hehehehe " sabi ni Mito at inalalayan si Hanamichi
Isinakay ni Mito si Hanamichi sa backseat ng kotse nito, dun din naupo si Kumi katabi ni Hanamichi.
"Kumi paki alalayan sya, baka mahulog yan sa kinauupuan nya." Sabi ni Mito at nagsimula ng magdrive
Isinandal ni Kumi si Hanamichi sa balikat nya at hinawakan ito "Boss naamoy kita, Alam ko ikaw yan. Mahal na mahal kita. Sana mahal mo pa rin ako, sana hindi mo ako iniwan. Sana masaya pa rin tayo." Sabi ni Hanamichi habang nakapikit.
Nakaramdam ng kilig si Kumi sa sinabi ni Hanamichi "Mahal mo pa pala ako. sorry kung sinaktan kita. Gusto kong bubawi ako sayo. Sana pagbigyan mo ako." sabi ni Kumi sa isip nya
Napangiti naman si Mito habang nagda-drive "Kumi ngayon alam mo na, na mahal na mahal ka nya. Sana wag mo na ulit sasaktan ang kaibigan ko. Wala yang ginawa kundi mahalin ka." sabi ni Mito
Tumango naman si Kumi at ngumiti.
Condo Unit
Inihiga ni Mito si Hanamichi sa kama nito, si Kumi naman ay kumuha ng tubig at towel para mapunasan si Hanamichi.
"Mito, pahelp hubaran naten sya." Sabi ni Kumi at tinulungan naman sya ni Mito
"Dito lang ako sa sala, kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. ikaw na ang bahala sa kanya." Sabi ni Mito at tumango naman si Kumi
Pinunasan ni Kumi si Hanamichi. Habang pinupunasan nya ito nakatitig sya sa mukha ni Hanamichi. "Love na miss kong ginagawa sayo to, miss na miss na kita. Sana akin ka na lang, akin ka na lang ulit. Mahal na mahal kita." Sabi ni Kumi habang pinupunasan si Hanamichi
"Boss nandito ka? nananaginip ba ako?" tanong ni Hanamichi at hinawakan ang cheek ni Kumi
"Oo Love naman dito ako." sagot ni Kumi
Ngumiti si Hanamichi "Nananaginip siguro ako, imposibleng nandito ka, iniwan mo na ako at hindi mo na ako mahal. Pa ulit ulit kong nararamdaman yung sakit sa tuwing nakikita kita o naririnig ko ang pangalan mo. Mahal na mahal kita Boss, kaya lahat ng magpapasaya ibibigay ko, kahit yun ay ang iwan mo ako." sabi ni hanamichi at nakatulog na ulit.
"Sorry Love, sorry na talaga. Sorry sa paulit ulit kong pananakit sayo, sorry kung napakaselosa ko. Sorry kung hindi ako nagtiwala sayo at sa mga salita mo. Lahat gagawin ko para maging okey tayo, para bumalik tayo sa dati at matuloy ang kasal naten. Mahal na mahal kita Love." umiiyak na sabi ni Kumi sa natutulog na si Hanamichi
BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3
FanfictionContinuation ng love story nina Hanamichi Sakuragi at Kumi Edogawa Maging sila kaya till the end? Ano ang magiging papel ng mga bagong characters nadadating, magpapatibay kaya sa relasyon nila o sila ang magiging dahilan para maghiwalay sila.. ...