Chapter 23

348 18 14
                                    

"Mukhang magiging okey na kami ni Boss, sana magtuloy tuloy na. Ipapakita ko sa kanya itong magazine bago maipublish para wala na akong maging problema. Pero I have to tell her something. Yung nangyari samen ni Bianca bago sya umalis. Bakit ko ba ginawa yun, bakit ko ginalaw si Bianca? Akala ko gentleman ako, nadadala din pala ako sa tukso. Dapat ko pa bang sabihin sa kanya yun? Baka pag awayan nanaman namen yun, pero ayoko ng may inililihim sa kanya. Paano ko kaya sasabihin, baka maging dragon nanaman yun. Bahala na pero kailangan kong sabihin." Tanong ni Hanamichi sa sarili habang nagdadrive papunta sa bahay nina Kumi

Edogawa's Residence

Pumasok si Hanamichi sa bahay nina Kumi, nakita nya ang Papa ni Kumi. Nilapitan nya ito."Tito magandang umaga po." Bati ni Hanamichi

"Anak, masaya ako na nandito ka na ulit. Sana magtuloy tuloy na at kung maari madaliin nyo na ang kasal nyo. Kahit kami na ni honey ang mag asikaso ng lahat kung busy kayong dalawa." Sabi ng Papa ni Kumi

"Hindi pa po kame ganon ka Ok, nagsisimula pa lang po kameng magka ayos. Pero pag naayos po ang lahat, pipilitin ko na po si Boss magpakasal." Sabi ni Hanamichi

"Ano ba yang hawak mo?" tanong ni Mr. Edogawa

"Ito po yung magazine, gusto ko pong makita na ni Boss bago maipublish. Medyo may maiinit na eksena po kasi. Baka pag awayan namen kaya uunahan ko na po sya ng paliwanag." Sagot ni Hanamichi

"Inaalagaan mo talaga ang feelings ni Kumi, sana hindi mangibabaw sa kanya ang selos at galit. Sige anak mauna na ako. gusto ko ng magka apo ha, kaya bilisan mo." Sabi ni Mr. Edogawa at umalis na

Pagka alis ni Mr. Edogawa ay umakyat na si Hanamichi sa kwarto ni Kumi, kumatok muna sya bago pumasok.

"Boss?" bati ni Hanamichi

"Bakit nandito ang nililigawan ko? Sana ako na lang ang pinapunta mo sa condo mo." Sabi ni Kumi

Iniabot ni Hanamichi ang magazine kay Kumi, kinakabahan sya sa magiging reaction nito."Boss ito na yung magazine, gusto kong makita mo na bago mai-publish. Wag sanang maging dahilan ng pag aaway naten ang mga pictures namen dyan." Sabi ni Hanamichi

Tinanggap ni Kumi ang magazine, nanginginig sya habang hawak ito at parang ayaw nyang buklatin ang magazine.

"Buklatin mo na, hanggang dulo gusto ko tingnan mo, hindi yun para saktan ka. Gusto ko lang maging honest sayo, at ayaw kong maging dahilan yan ng gulo." Sabi ni Hanamichi

"Okey Kumi, this is it. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magseselos sa kahit kanino. Kakayanin kong tingnan ang mga pictures na ito dahil part lang naman ito ng work nya." Sabi ni Kumi sa sarili

Nagstart buklatin ni Kumi ang mga pages ng magazine. Nakatitig naman si Hanamichi sa kanya, tinitingnan ang magiging reaction nito.

"Grabe may halikan talaga. Kaya ko pa bang ituloy? Oo kaya ko pa, pictures lang naman ito. Pero bakit kumikirot ang puso ko. Pero wala akong dapat ipagselos dahil ako naman ang mahal nya. Sige tatapusin ko na lang. " sabi ni Kumis a sarili habang patuloy sa pagbuklat sa pahina ng magazine

Nasa last part na sya, nakaya nyang tingnan ang honeymoon part pero sobrang sakit na sa part nya. Pinigilan nya ang pagpatak ng luha nya, ang selos at ang galit, para hindi na sila magkagalit pa.

"Ayan nakita ko na, from the start to the end." Nanginginig na sabi ni Kumi

"Galit ka?" tanong ni Hanamichi at umiling si Kumi

"Nagseselos ka?" tanong ni Hanamichi, umiling ulit si Kumi

"Thank you Boss. May gusto sana akong sabihin. Pero bago ko sabihin magsosorry na ako. hindi ko sinasadya sana mapatawad mo ako." sabi ni Hanamichi

"Ano yun? May iba ka pa bang ginawa bukod sa mga pictures na ito?" nanginginig na tanong ni Kumi

Tumango si Hanamichi at tumulo ang luha nito.

"Ano yun?" galit na tanong ni Kumi

"Boss sorry" nakaluhod na sabi ni Hanamichi

"Sabihin mo, ano pang ginawa mo kasama ang babaeng yun?" tanong ni Kumi na lumuluha

"Sorry... Hindi ko sinasadya. Natukso ako. sorry." Sabi ni Hanamichi

"You made love with her? May nangyari sa inyo?" tanong ni Kumi, tumango si Hanamichi

Dahilan para sumabog si Kumi sa galit at magkasunod na sinampal si Hanamichi sa left at right cheeks nito. "Bull-shit ka Hanamichi Sakuragi oo maganda sya at sexy pero ilang araw mo pa lang syang kilala. Akala ko iba ka, akala ko gentle man ka? pero bakit? Ang sakit sakit sa part ko bilang mapapanga sawa mo." sabi ni Kumi

"Natukso ako, pinipigil ko naman pero bumigay ako." umiiyak na sabi ni Hanamichi

"Sana sinabi mo na lang saken, para saken mo na lang ginawa." Galit na sabi ni Kumi

"Boss yun yung time na naghiwalay tayo. Yun yung time na iniwan mo ko." Sabi ni hanamichi

Natahimik si Kumi dahil sa sinabing yun ni Hanamichi.

"Sorry na.. ayokong saktan ka, maniwala ka naman Boss" pagmamaka awa ni Hanamichi

"Ayaw mo akong saktan pero yun ang ginawa mo. Ang sakit Love, ang sakit sakit." Umiiyak na sabi ni Kumi

"Boss ang lungkot lungkot ko non, down na down ako. akala ko hindi na tayo magiging okey kaya bumigay ako, hindi ko nalabanan ang tukso. Sana mapatawad mo pa ako. pero kung hindi na tatanggapin ko." Sabi ni Hanamichi habang nakaluhod sa harap ni Kumi

"Pano kung mabuntis mo sya? Pano tayo? Pano sya? Pano ang magiging baby nyo?" galit na tanong ni Kumi

"Hindi ko alam, ang iniisip ko lang ay maging okey tayo. Ang magka ayos na tayo, kaya sinasabi ko sayo lahat ng to." Sagot ni Hanamichi

"Leave me alone. Leave me alone now!" sigaw ni Kumi

"Boss sorry, ayoko lang talaga ng may inililihim sayo. Lalot magkaka ayos na tayo. Pero kung hindi na dahil naging tapat ako sayo. Tatanggapin ko." Sabi ni Hanamichi at lumabas ng kwarto ni Kumi

"Waaaaaaaaaaaaaa... Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Galit na galit ako, pero hindi dapat, dahil hiwalay na naman kame that time na ginawa nila yun. Selos, hindi dapat ako magselos kasi ako ang mahal nya. Natatakot ako na baka mabuntis si Bianca, pag nangyari yun kailangan nyang panagutan si Bianca at maiiwan akong mag isa. Ako ang may kasalanan kaya sya natukso sa iba, dahil nakipaghiwalay ako at sinaktan ko sya." Umiiyak na sabi ni Kumi sa sarili

"Sorry Boss, sorry talaga. Sana mapatawad mo ako. ayoko lang talaga ng naglilihim sayo, lalot ganito kakumplikado. Kung mabuntis ko man si Bianca ikaw parin ang mahal ko at papakasalan ko." Sabi ni Hanamichi at tuluyan ng umuwi

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon