Next Day
Sumama si Kumi sa set nina Hanamichi para sa magazine photo shoot. Dahil kasama nya si Kumi hindi na sila pumunta sa agency, sa Shohoku na sila dumeretso.
"Love nakakamiss maging student. Walang stress at wala masyodong iniisip. Pag aaral lang at pagbabasketball ang kailangang iniisip." Sabi ni Kumi
"Student ka pa rin naman ah." Nakangiting sabi ni Hanamichi
"High school to be specific Love. Nakakamiss magbasketball, tara sa gym." Pag aaya ni Kumi
"Aba hinahamon mo ata ako ah, sige tara 1 on 1 tayo." Pagsang ayon ni Hanamichi
Nagpunta sila sa gym, walang nagpapractice dahil oras ng klase. Pero nandun si Miyagi.
"Pare, oi Kumi kasama ka pala." Bati ni Miyagi at lumapit sa dalawa
"Oo gusto kong makita nya ang ginagawa ko sa work ko. At gusto din naman nyang sumama ." sabi ni Hanamichi
"Pare mauna na ako, may meeting ang mga coach para sa darating elimination eh." Paalam ni miyagi
"Sige pare, okey lang namang dito muna kame?"tanong ni Hanamichi
"Oo naman, basta wag kayong gagawa ng scandal dito ha. Pati ako malalagot." Pagbibiro ni Miyagi
"Sira ka talagang Kulot ka." sabi ni Hanamichi then umalis na si Miyagi
"Bye Miyagi." Paalam ni Kumi
"Warm up muna ako Love" sabi ni Kumi at nagstart mag stretching
"Bola Love" sabi ni Kumi, pinasahan sya ni Hanamichi ng bola then nagstart tumira si Kumi sa 3 point line
"wow ang husay mo pa rin Boss, walang sablay ah." Sabi ni Hanamichi
"Boss laro na tayo. Namimiss na din kitang makalaro. Wala na din tayong bonding time, ang busy mo kasi." Sabi ni Hanamichi
"Oo ba, tingnan naten kung matatalo mo ako." sabi ni Kumi at nagstart ng magdribble ng bola
"Boss, wala pa ring kupas ang ball handling mo. Ang bilis pa rin" manghang sabi ni Hanamichi, dumepansa si Hanamichi at naagaw nya ang bola kay Kumi at nagdunk
"Wow Love, nakaka inlove ang dunk na yun. Ang tagal ko ng hindi nakakapanood ng games mo." Sabi ni Kumi
"Kaya nga Love eh, nakakapagtampo na minsan. Wala ka ng oras saken." Sabi ni Hanamichi
"Love after ng exam ko at doctor na ako, babawi ako sayo promise." Sabi ni Kumi
"Ngayon pa nga lang na student ka wala ka ng oras, paano pa kaya pag doctor ka na talaga." Sabi ni Hanamichi sabay shoot sa 3 point line
"Love naman." Sabi ni Kumi
"Okey lang Boss, wala kang dapat ipag alala, naiintindihan ko naman." Sabi ni Hanamichi at nagdunk ulit
"Tama ka naman Love, wala na akong time sayo.lagi akong busy at napapabayaan na kita." Sabi ni Kumi sa sarili
"Boss malapit na kameng magsimula, tara na sa set" pag aaya ni Hanamichi. Pumunta sila sa site kung saan gagawen ang next photo shoot. Pagdating nila sa site nag aayos na ng mga ilaw ang mga camera man.
"Sir punta na po kayo sa dressing room, nandun na po si Ms. Bianca." Sabi ng assistant ng manager
"Boss dito ka lang ha, magbibihis lang ako then simula na kame." Paalam ni Hanamichi. Naupo si Kumi sa standby area kung saan sya iniwan ni Hanamichi
"Bakit ganon, nakaramdam ako ng kaba nung narinig ko ang name ni Bianca." Sabi ni Kumi sa sarili
Dressing room
Pumasok si Hanamichi sa loob, nakita nya si Bianca na nagpapamake up, pero hindi ito tumitingin sa kanya.
"Hi Bianca, good morning" bati ni Hanamichi pero dedma sya ni Bianca
"Nice talking" sabi ni Hanamichi pero dedma parin sya
After magbihis lumabas na silang dalawa, para simulan ang photo shoot. Nakita ni Kumi si Bianca.
"Ang ganda pala talaga nya, para syang Barbie" sabi ni Kumi sa sarili habang nakatingin kay Bianca
"So, she is the wife to be.Isinama pa talaga nya. Ang ipinagmamalaki nyang Boss sa akin. Well I don't care. Gagawin ko ang work ko ng maayos. " sabi ni Bianca sa sarili
Lumapit sina Hanamichi at Bianca sa director at nakinig sa instruction. This time couple na sila sa photo shoot. Kaya may konteng sweet scene ng magaganap like holding hands, hug and kiss.
"Direk kailangan talaga ng kiss? Nandito ang fiancée ko. Ayokong gawen yun."protesta ni Hanamichi
"Part yan ng work mo iho, sige I will give you 10 minutes para explain mo sa kanya ang magaganap." Sabii ng director
"Sige po" pinunthan ni Hanamichi si Kumi at sinabi ang mga scene na gagawen nila ni Bianca
"Boss? This time couple na kame sa photo shoot, my mga sweet scene na gagawen like hug at kiss." Sabi ni Hanamichi
"Ganon? Ako naman ang mahal mo diba? Work lang naman yan diba?" Tanong ni Kumi
"Oo ikaw ang mahal ko at trabaho lang ito." Nakasmile na sabi ni Hanamichi
"Okey lang sige go." Sabi ni Kumi
"Wag kang magseselos, wag kang magagalit. Ikaw lang ang mahal ko Boss." Sabi ni Hanamichi at hinalikan si Kumi
Bumalik na si Hanamichi sa position nila at nagstart ang photo shoot. Nagstart sa holding hands, hug at last ang kiss.
"Sigurado ka hahalikan mo ako sa harap ng wife to be mo?" tanong ni Bianca
"Oo, wala namang malisya tong kiss na gagawen naten." Sagot ni Hanamichi
"Okey, galingan mo lang." sabi ni Bianca
Nagstart ang shoot sa kiss, naka ilang take sila dahil na iilang si Hanamichi.
"Hoy!! Nakakarami ka na ha, Lalo tayong magtatagal pag hindi mo inayos o sinasadya mo talagang hindi ayusin?" tanong ni Bianca
"Ano ba Hanamichi, kiss lang yan. Bakit ka naiilang." Sabi ni Hanamichi sa sarili
"Sige po last na po, aayusin ko na po." sabi ni Hanamichi
Nagshoot ulit sila at naging maayos na. Matapos ang last shot, dali daling pinunthan ni Hanamichi si Kumi pero wala ito sa standby area kung saan nya ito iniwan.
"Boss asan ka? Bakit basta ka na lang umalis." Tanong ni Hanamichi sa sarili

BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3
FanfictionContinuation ng love story nina Hanamichi Sakuragi at Kumi Edogawa Maging sila kaya till the end? Ano ang magiging papel ng mga bagong characters nadadating, magpapatibay kaya sa relasyon nila o sila ang magiging dahilan para maghiwalay sila.. ...