Dahil malapit na ang kasal ni Mitsui at Haruko nagplano sina Miyagi at Sendoh ng stag party para kay Mitsui. Pinapunta nila sina Rukawa, Maki, Kiyota at Mito sa condo ni Hanamichi para pag usapan ang gagawing stag party.
"Ano bang meron Sendoh at ginawa nyo pang meeting place ang unit ko?" tanong ni Hanamichi habang nagliligpit ng mga kalat nya, kumuha naman ng beer at chips si Mito
"Pare ayos lang yang mga kalat na yan, kilala ka naman naming balasubas kaya wag ka ng maglinis dyan." Sabi ni Miyagi
Naupo si Maki sa sofa "So? Bakit may pa meeting ang mga point guard?" tanong ni Maki
"Pre isa ka ding point guard diba, meaning kasali ka sa pakulo ng dalawang yan." Sabi ni Kitota
"Basta yang dalawang yan ang may plano masama ang kutob ko." Kinakabahang sabi ni Mito
"Agree ako" pagsang ayon ni Rukawa
"Ang sasama nyo namang mag isip samen, nakakasama na kayo ng loob."paiyak ng sabi ni Sendoh
"Eh ano ba kasi yun? Bakit di kasali si Michii?" tanong ni Hanamichi
"Naisip namen ni Sendoh na mag organize ng stag party para sa kanya, diba malapit na ang kasal nya."sabi ni Miyagi
Natawa naman si Maki "Stag party para kay Mitsui? Pero bakit mukhang kayong dalawa ang excited?" tanong ni Maki
"Halata ba?" tumatawang tanong nina Sendoh at Miyagi
"Ano bang ginagawa sa stag party?" tanong ni Hanamichi
"Unggoy hindi mo alam?" tanong ni Kiyota
"Kaya nga tinatanong ko Matsing" sagot ni Hanamichi
"Unggoy yun yung party para sa mga lalaking ikakasal, parang pamama alam sa pagiging binata nila. May inuman at may mga babaeng sexy na sumasayaw para pasayahin ang party at yung groom." Paliwanang ni Kiyota
"Bakit alam na alam mo Matsing?" tanong ni Hanamichi
"Naka attend na kasi kame ni Maki ng ganon." Sagot ni Kiyota
"May mga babaeng sumasayaw? Tapos sexy? Nakuh hindi ako sasali dyan. Mapapatay ako ni Boss nyan." Sabi ni Hanamichi
"para naman kay Mitsui to Hanamichi. Wag kang KJ dyan." Sabi ni Miyagi
"Nakuh problemado din ako kay Sweet nyan." Sabi ni Mito
"Sabay tayong mag paalam Mito." Sabi ni Rukawa
"Rukawa kilala mo naman sina Sweet at Ai, magka ugali yun. Baka pag umpugin lang tayo ng dalawang yun." Sabi ni Mito
"Ako, hindi ako sasali dyan Pre... May girlfriend na ko. At good boy ako. Loyal ako." pagyayabang ni Kiyota
"Kung makapagsalita ka dyan Kiyota ha. Kame nga may mga asawa na." sabi ni Maki
"Palibhasa first time magkajowa." sabi ni Hanamichi
"Ano ba para kay Mitsui to, hindi nyo ba kaya ang mga asawa nyo?" tanong ni Sendoh
Lahat sila humarap kay Sendoh "Bakit si Izza ba kaya mo?" sabay sabay nilang tanong
Napakamot naman sa batok si Sendoh at sinabing "Hindi ehehehe"
"Wag ng ituloy yan, baka magkagulo lang." sabi ni Mito
"Pano yun nakapili na kame ng mga babae ni Sendoh, tig iisa tayo." Sabi ni Miyagi
Napatingin ang lahat kina Miyagi at Sendoh "At planadong planado na pala yan? Pati babae nakapili na kayo, pero di nyo alam kung paano magpapa alam sa mga asawa nyo." tanong ni Rukawa
"Sige ganito na lang tanungin naten ang opinion ng pinaka matanda dito, kung itutuloy o hindi yang kalokohan na naiisip nyo Ryota at Sendoh. Lolo anong say mo?" tanong ni Hanamichi kay Maki
"Bakit ako, pero sige. Okey lang naman yun. Tyak maiintindihan naman yan ng mga partners nyo. Pero dapat isa lang ang babae, para lang kay Mitsui. Baguhin nyo lang ang plano." Sabi ni Maki
"Ayan pag ganyan join ako mga Pre.." sabi ni Kiyota
"Kasi naman basta babae ang usapan, pakyawan agad, tig iisa agad." Sabi ni Mito
"Okey okey, babaguhin na ang plano. Gusto lang naman naming magkasiyahan tayo." Sabi ni Ryota
"Pero itutuloy naten to, walang KJ. Lahat pupunta pati kayo Hanamichi at Kiyota." Sabi ni Sendoh
"Paano pag di pumayag ang Boss ko? Ayoko ng gulo kaya pass ako, pag hindi sya umoo." Sabi ni Hanamichi
"Ako din Pre magpapa alam muna. Mahirap na. ayokong tumanda mag isa." Sabi ni Kiyota
"Ang a-under naman ng mga ito, magkakasiyahan lang naman tayo." sabi ni Miyagi
"Bakit ikaw? Alam na ba ni Ayako to?" bulyaw ni Hanamichi
"Hindi pa, pero nasa Tokyo sya. Ehehehe" sagot ni Miyagi
"Kaya naman pala malakas ang loob mo Pre..." inis na sabi ni Kiyota
"Okey na ang place at may kinuha na kaming organizer para walang malimutan. Syempre kami ni Miyagi ang host. Para masaya. " Nakangiting sabi ni Sendoh
"Nakuh pagsila ang host, puro kalokohan nanaman yan. Wala akong tiwala sa dalawang yan." Sabi ni Mito
"Wag na lang tayong pumunta, sila na lang 3 ang magstag party." Sabi ni Rukawa
"Ang sasama nyo talaga. Tandaan nyo para kay Mitsui to." Pangungonsensyang sabi ni Sendoh
Napatawa nanamnan si Maki "Pero kayong dalawa ang sasaya?" sabi ni Maki
After nilang pag usapan ang kalokohan nina Sendoh at Miyagi, napagpasyahan nilang ituloy na lang. Kanya kanyang way na lang ng pagpapaalam sa mga asawa nila at kasintahan nila.

BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3
FanfictionContinuation ng love story nina Hanamichi Sakuragi at Kumi Edogawa Maging sila kaya till the end? Ano ang magiging papel ng mga bagong characters nadadating, magpapatibay kaya sa relasyon nila o sila ang magiging dahilan para maghiwalay sila.. ...