Chapter 21

373 14 7
                                    

Next day...

Tanghali ng nagising si Hanamichi, pagbangon nya nakita nya ang natutulog na si Mito sa tabi nya. Ginising nya ito.

"Yohei, gumising ka, Yohei." sabi ni Hanamichi habang inaalog si Mito

Bumangon si Mito at tumingin kay Hanamichi "Ano yun?" tanong ni Mito

"Yohei tulo laway mo. Punasan mo nga yan. Wahahhaha" sabi ni Hanamichi sabay tawa

"Hay nakuh" sabi ni Mito at natulog ulit

"Yohei gising, gising" sabi ni Hanamichi

"Ano ba Hanamichi, puyat ako dahil sayo." Sabi ni Mito na pilit iminumulat ang mga mata

"Ang ganda ng panaginip ko. Sa panaginip ko magkasama kayo ni Boss na iniuwi ako dito. Tapos concern na concern sya saken, at inalagaan nya ako magdamag. At may bonus pa, sinabi nyang mahal nya pa rin ako, na miss na miss nya ko at gagawin nya ang lahat magka ayos lang kame. Nagsorry pa nga sya dahil sinaktan nya ako. Pero sa panaginip na lang siguro mangyayare yun." Masayang sabi ni Hanamichi

"Nakuh Hanamichi, nanaginip din ako. sa panaginip ko papatayin na ako ni Sweet dahil hindi pa ko umuuwi. Sige Hanamichi, aalis na ko. Baka kasi magkatotoo ang panaginip ko." Sabi ni Mito at nagmamadaling magbihis.

"Yohei nagkukwento pa ako. Wag ka munang umalis. Napaka under de saya mo talaga, parang hindi ikaw yung tigasing Mito na kaibigan ko. " natatawang sabi ni Hanamchi

Biglang bumalik si Mito "Tol, may iniwang kape at paracetamol si Kumi, inumin mo daw para sa sakit ng ulo mo at hang over mo." Sabi ni Mito at saka tumakbong paalis

Tumingin si Hanamichi sa side table nya at nakita nya ang kape at paracetamol na laging ipinapa inom ni Kumi sa kanya."Ibig sabihin hindi yun panaginip.Ibig sabihin nandito talaga sya kagabi. Ibig sabihin totoo lahat yun. Waaaaaaaaa... kinikilig ako." sigaw ni Hanamichi at nagsasayaw sa ibabaw na kama nya

Bigla ulit pumasok si Mito, naiwan nya ang wallet at cellphone nya. Nakita nya ang sumasayaw na si Hanamichi "Tol ginagawa mo?" napapatawang tanong nito

Bigla namang huminto si Hanamichi dahil sa hiya. "Heheheh wala naman. Happy lang." sagot nito

"Sige tol aalis na talaga ako. ituloy mo lang yang masagwang sayaw na ginagawa mo." paalam ni Mito

Si Kumi ay nagdadrive na papunta sa condo ni Hanamichi. May mga niluto syang pagkain para kay Hanamichi. At excited na syang puntahan ito.

"Okey lang kahit sungitan nya ako, tulad ng ginawa nya kagabi. Ang mahalaga alam kong mahal nya pa rin ako. Handa na kong harapin sya, ano man ang maging reaction nya." Sabi ni Kumi sa sarili

Nakarating si Kumi sa Condo ni Hanamichi, kumatok ito. "Kinakabahan ba ako, ang bilis ng tibok ng puso ko." Sabi ni Kumi sa sarili

"Sino yan?" tanong ni Hanamichi at binuksan ang pinto, bumungad sa kanya ang nakangiting si Kumi

"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong ni Hanamichi

"Manliligaw ako sayo. Ito oh, ipinagluto kita ng mga favorite food mo." Sagot ni Kumi sabay abot ng container na dala nya

"Hindi ako nagpapaligaw" sagot ni Hanamichi at isinara ang pinto. Pagsara nya ng pinto ay napatalon sya dahil sa kilig na nararamdaman nya, dahilan para maumpog sya sa kisame ng condo nya. "Aray ang bilis ng karma." Sabi ni Hanamichi habang hawak ang ulo nya

Kumatok ulit si Kumi, at bimuksan ulit ni Hanamichi ang pinto. "Hindi mo ba papapasukin ang manliligaw mo?" tanong ni Kumi

"Hindi nga ako nagpapaligaw." Namumulang sagot ni Hanamichi

"Sige, just accept this, babalik na lang ako mamayang dinner aayain kitang magdate." Nakangiting sabi ni Kumi

"Wag kang makulit, ayaw ko sayo." Sabi ni Hanamichi

"Wag kang pakipot alam kong mahal mo ko." Nakangiting sabi ni Kumi

Tumalikod si Hanamichi at nakangiting sinabing "In your dreams"

"Lalasingin pa ba kita para magka alaman na?" pananakot ni Kumi kay Hanamichi

"Basta hindi ako magpapaligaw at hindi ako makikipagdate sayo." Sabi ni Hanamichi

"Basta liligawan kita sa ayaw mo at sa gusto, Tapos mamaya magde-date tayo." Nakangiting sabi ni Kumi at saka umalis

"Ayoko ko nga eh, hindi kita gusto. Hindi kita type." Nakangising sabi ni Hanamichi

Nang marinig ni Kumi ang sinabi ni Hanamichi ay bumalik ito, "Bakit? Model na ba ang type mo ngayon?" nakangiting tanong ni Kumi

"Ikaw alam na alam mo kung paano ako aatakihin." Nakangiting sabi ni Hanamichi

"Syempre basang basa ko yang mga mata mo, isama mo pa ang lahat brain cells mo." Sagot ni Kumi

Napangiti naman si Hanamichi dahil nakikita nya sa harap nya ang babaeng minahal nya. Yung totoong Kumi, yung Kumi na hindi busy sa pag aaral at sa duty, yung Kumi na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto nito, yung Kumi na humanting sa kanya nung high school pa sila at yung Kumi na mahal na mahal sya kahit nung gung gong pa sya.

"Natahimik ka? ano payag ka na?" tanong ni Kumi

"Hindi, ayoko. syempre magpapakipot ako." sabi ni Hanamichi

"It's up to you, galingan mo lang ha. See you later sa date naten. Kainin mo yang dala ko, ayokong nagugutom ka. I love you. Bye bye." Sabi ni Kumi sabay flying kiss

"Ang kulit nya." Nakangiting sabi ni Hanamichi habang nakatamaw sa papa alis na si Kumi

"Wala na akong paki alam kung mahuli ako ng isang sem sa pag aaral ko. Ang gusto ko lang ngayon ay ang magka ayos tayo at yun din ang gusto ng mga magulang ko. Handa akong igive up ang lahat para sayo, mapatunayan ko lang ang pagmamahal ko. HANAMICHI SAKURAGI I WILL WIN YOU BACK." Sigaw ni Kumi habang nagmamaneho

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon