Chapter 9

277 14 2
                                    

Nagmamadaling nagdrive si Hanamichi papunta sa bahay nina Kumi. Dali dali nya itong pinuntahan sa kwarto nito.

"Boss bakit basta ka na lang umalis? Bakit hindi mo ako hinintay?" Tanong ni Hanamichi

"Bakit kita hihintayin eh enjoy na enjoy ka sa ginagawa mo." Galit na sabi ni Kumi

"Anong enjoy na enjoy ang sinasabi mo jan? Diba nag explain ako sayo na work lang yun." Sabi ni Hanamichi

"Kaya naķa ilang take kayo, kaya paulit ulit ang halikan nyo. Siguro enjoy na enjoy ka kaya nyo pinapaulit ulit? Ganyan naman ang ugali mo gustong gusto mong nagseselos ako." Galit na sabi ni Kumi

"Boss naiilang kasi ako, ayoko kasi nung ipinapagawa nila, kaya kailangang ulitin hanggang makontento ang direktor. At yung sinasabi mong gusto kong nagseselos ka, mali ka dahil ayaw kong nakikita kang nasaksaktan." Paliwanag ni Hanamichi

"Pero hindi yun yung nakita ko, hindi yun ang naramdaman ko. Ang nakita ko ay yung husband to be ko ay enjoy na enjoy na makipaghalikan sa ibang babae. Sa bagay ang ganda at ang sexy nya. Sino bang makakatanggi at hindi mag eenjoy." Galit na galit na sabi ni Kumi

"Boss hindi totoo yang sinasabi mo. Ikaw lang ang gusto ko, sayo lang ako nag eenjoy makipaghalikan. Dahil ikaw lang ang mahal ko." Seryosong sabi ni Hanamichi at niyakap si Kumi

"Bitawan mo ako. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo. Puntahan mo na yung babae mo." Galit na sabi ni Kumi

"Babae? Wala akong babae, kahit kailan hindi ko ginawa o naisipang gawin yun sayo. Galit ka lang. Maghihintay ako hanggang humupa yang galit mo. Saka tayo mag usap. Sorry Boss kung nasaktan kita." Seryosing sabi ni Hanamichi at lumabas ng kwarto ni Kumi

"Kung alam mo lang ang mga masasakit na salitang sinabi ko kay Bianca para tumigil sya sa pang aakit sa akin. Tapos ngayon pagbibintangan mo akong may babae. Ganon ba talaga ang tingin mo saken Boss? Dati oo babaero ako pero simula nung naging tayo naging loyal ako sayo. Hanggang ngayon ba wala ka pa ring tiwala saken." Naiinis na sabi ni Hanamichi sa sarili

Dahil sa galit ni Kumi humingi si Hanamichi ng ilang araw na off sa photo shoot, napagbigyan naman sya dahil kailangan ding bumalik muna ni Bianca sa UK. Sa one week off na yun lahat ng uri na panunuyo ginawa nya kay Kumi. Araw araw nyang pinapadalhan si Kumi ng flowers sa bahay at sa hospital. Sinusundo nya ito pero hindi ito nagpapakita sa kanya, tinatawagan at tinetext nya pero walang sagot. Sa isang linggong yun hindi nagparamdam si Kumi sa kanya.

"Papa ipinatawag nyo daw po ako." Sabi ni Kumi ng pumasok sa office ni Mr. Edogawa

"Hanamichi ayan na si Kumi, mag usap na kayo." Sabi ni Mr. Edogawa at lumabas ng office

"So ginamit mo pa si Papa para makuha ang gusto mo." Sabi ni Kumi

"Galit ka pa rin?" tanong ni Hanamichi

"Oo galit na galit ako sayo." Sagot ni Kumi

"Sorry na, bati na tayo." Malungkot na sabi ni Hanamichi

"Ayoko, dun ka na lang sa babae mo." Galit na sabi ni Kumi

"wala akong babae." Sabi ni Hanamichi

"Pero may kahalikan ka." Sabi ni Kumi

"Ganito ba talaga ang gusto mo Boss?" umiiyak na tanong ni Hanamichi

"Wag mo kong dramahan." Sabi ni Kumi

"Wag mo na sana pairalin ang pride mo. Kung may dapat sisihin dito ikaw yun dahil hindi mo binasa yung pinirmahan mo." Sabi ni Hanamichi

"Your blaming me sa pambababae mo? Nung nagsisimula palang kayo ang dame ng kwentong nakakarating saken, kwento ng mga kasweetan nyo. Na hinahalikan ka nya at ipinagluluto ka pa nya. Tapos ngayon itatanggi mo na mo sya babae. " Galit na sabi ni Kumi

" Sana ako ang tinanong mo. Sana hindi ka naniwala sa kung sino sino." Sabi ni Hanamichi

"For you to lie?" tanong ni Kumi

"Uulitin ko ang tanong ko, gusto mo bang ganito na lang rayo? Kasi kung ganito ang gusto mo ibibigay ko sayo." Umiiyak na sabi ni Hanamichi

"Oo, para malaya ka ng makapambabae. Para sa tuwing mambabae ka hindi na ako nasasaktan." Sabi ni Kumi

"Boss akala ko okey na tayo, akala ko matibay na tayo, akala pinatunayan ko na ang sarili ko sayo. Pero hindi pala. Hanggang ngayon pala wala kang tiwala saken. Nagsosorry na ako, sinusuyo na kita pero ang tigas tigas mo. Sige kung ganito ang gusto mo ibibigay ko. Dahil mahal na mahal kita lahat ng gusto mo at magpapsaya sayo ibibigay ko, kahit sobrang sakit sa part ko. Boss malaya ka na. Hinding hindi mo na ako makikita." sabi ni Hanamichi at hibalikan si Kumi sa pisngi at saka lumabas ng office ng Papa ni Kumi

"Sorry sa ngayon ito ang pinaka tamang gawen, para wala akong karapatang magselos. kasi nasaksaktan talaga ako. At para maging fair din ako sayo, napapabayaan na kita dahil sa career ko, kung may ibang pwedeng mag alaga sayo magiging masaya ako. Sorry Love. Sorry sa pangalawang pagkakataong paggive up ko sayo. " sabi ni Kumi sa sarili

Nagpunta si Hanamichi sa isang bar at nagsimulang uminom. Maya maya pa ay may mga pamilyar na mukha syang nakita. Sina Jin, Kiyota, at Maki.

"Akalain mong may Matsing din pala sa bar." Sabi ni Hanamichi sa sarili, maya maya pa ay nakita na sya ng mga ito

"Oi unggoy, buti pinapasok ka dito. Akala ko animals are not allowed dito." Sabi ni Kiyota

"Ikaw nga nakapasok, ako pa ba. Matsing ka kaya." Pagyayabang ni Hanamichi

"Bata mag isa ka ata? Asan wife to be mo?" tanong ni Maki at umupo sa tabi ni Hanamichi at nag order na din

"Baka natauhan na at iniwan na sya. Lumabas na siguro pagiging balasubas nyan. " Sabi ni Jin

"Siguro nga Pre... unggoy yan eh iniwan ka na ano? Brokenhearted buti nga.."Pang aasar ni Kiyota

"Oo tama kayo, hiwalay na kame. Kanina lang." sabi ni Hanamichi

"Nyaaa.... Seryoso ka Pre? Sorry nagbibiro lang ako kanina." Sabi ni Kiyota

"Ang galing ko talagang bumasa ng mukha." Pagyayabang ni Jin

"Bakit? Diba engaged na kayo? Bakit mo sinayang?" tanong ni Maki

"Hindi ako ang sumayang, sya." Sabi ni Hanamichi

"Ayos lang yan Pre, same tayong single ngayon. Tara hanap tayo ng chikababes." Pag aaya ni Kiyota

"Kiyota tigilan mo sya, hindi basta basta ang heartache nya ngayon." Sabi ni Maki

Nagkwentuhan sila habang nag iinuman. Maya maya pa ay nagpaalam na si Hanamichi. Hindi nya alam kung saan nya gustong pumunta. Naalala nya ang sweet room nila sa agency.

"Dun na lang muna ako. wala naman si Bianca dun." Sabi ni Hanamichi at nagdrive papunta sa agency. Pagdating nya sa sweet room nila bumagsak sya sa kama at nakatulog dahil sa sa kalasingan.

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon