Chapter 24

367 15 11
                                    

"Ang hirap palang maging tapat sa mahal mo, sa halip na maging okey kayo lalong gumugulo. Gusto ko ng taong makaka usap, yun sanang hindi ako huhusgahan. Si Mito lang ang gusto kong maka usap sa ngayon, pero baka busy sya kay Amai. Yung tatlong ungas naman nasa America na at may kanya kanya ng pamilya. Lahat ng teammates ko may mga asawa at jowa na. Samantalang ako, ito nag iisa." Sabi ni Hanamichi as he drives going to his condo

Mito is calling.....

"Speaking of the devil, the devil is calling." Sabi ni Hanamichi sa sarili at sinagot ang phone nya

"Tol?" – Hanamichi

"Tol umuwi si Amai sa Tokyo, pwede ba ako sa condo mo. Beer tayo. I miss you na kasi, I love you. Hehehehe" – Mito

"Sige Tol, I miss you too. I love you too. Pauwi na ko. Hehheeh see you.. mwaahh mwah" –Hanamichi

End of Call

"buti na lang kahit papano sumasang ayon parin sa akin ang panahon." Sabi ni Hanamichi sa sarili at binilisan ng magdrive pauwi.

Hanamichi's Condo Unit

Naghihintay si Mito sa labas ng unit ni Hanamichi. "Tol saan ka galling? Okey ka lang ba?" tanong ni Mito kay Hanamichi

"Kina Kumi, Mito mukhang katapusan na talaga para saming dalawa." Sagot ni Hanamichi

"Anong katapusan diba okey na kayo kagabi? Magkayap na nga kayo nung nagsasayaw kayo. Ano nanamang pinag-awayan nyo?" tanong ni Mito

Binuksan ni Hanamichi ang pinto at pinapasok si Mito "Pasok ka" sabi ni Hanamichi, pumasok silang dalawa, kumuha si Hanamichi ng beer at chips at inilapag sa mesa.

"Ang dami nyan ah, mukhang mahaba habang inuman to ah?" tanong ni Mito

"Ang hirap palang maging tapat sa mahal mo, hindi ko kasi talaga kayang maglihim sa kanya. Ayoko kasing malaman nya pa sa iba or malaman man nya ay huli na." sabi ni Hanamichi

"Sinasabi mo Tol?" tanong ni Mito habang nagbubukas ng beer nya

"May nangyari samen ni Bianca bago sya umalis pabalik sa UK." Sagot ni Hanamichi

Sa gulat ni Mito naibuga nya ang beer sa mukha ni Hanamichi "Natikman mo yung magandang yun?" tanong ni Mito

"Oo at ako ang una." Seryosong sagot ni Hanamichi habng pinupunasan ang beer sa mukha nya

"Lupit mo Tol, ikaw na ang gwapo." Sabi ni Mito

"Ungas ka, anong malupit dun. Galit na galit sakin si Boss ngayon." Sabi ni Hanamichi

"Ikaw pala ang ungas, bakit mo sinabi? Pwede mo namang ilihim yun, di naman nya malalaman." Sabi ni Mito

"Oo sinabi ko. At naisip ko din naman yang sinasabi mong di nya malalaman. Pero ang kasalaman ay hindi matatabunan ng kasinungalingan o paglilihim. Pano kung nabuntis ko sya, tapos bumalik syang malaki na ang tyan or dala na ang baby namen? Mas masakit kay Boss yun." Paliwanag ni Hanamichi

"May point ka naman. Tol, bakit ang ilap na masayang love life sayo. Nung kabataan naten lagi kang binabasted, ngayon naman ang laki ng problema mo sa mga babaeng may gusto sayo." Sabi ni Mito

"Si Boss galit na galit sya saken, hindi ko alam kung paano pa kami magkaka ayos ngayon." Sabi ni Hanamichi

"Sorry Tol hindi ko alam ang dapat ipayo sayo. Maswerte ako kasi dumating si Amai, first time namen magkita girlfriend ko na agad sya, minahal nya ako at mahal ko din sya, kaya nagpapaka good boy na ako. hindi ko alam ang feeling ng masaktan dahil sa babae. " sabi ni Mito

"Diba nasaktan ka dahil kay Ai dati?" tanong ni Hanamichi

"Hehehe hindi, iba kasi yun. Hindi ko naman sya jowa non. Bestfriend ko na sya non." Sagot ni Mito

"Pano na ako Mito, lahat kayo masaya na. mukhang kay matsing na talaga ako mapupunta." Sabi ni Hanamichi

"Di ko alam kung malulungkot ako o matatawa sa mga sinasabi mo dyan. Pero laban lang Tol, ipaglaban mo ang magpapasaya sayo. Mahal ka nya, sana ma-appreciate nya ang pagiging tapat mo sa kanya para maging okey kayo." Sabi ni Mito

"Sana..." tangin sabi ni Hanamichi habang imiinom ng beer

"Kawawa naman itong kaibigan ko. Buti pa dati nung hindi pa sya sikat masaya lang kame sa mga kalokohan namen. Ngayon napaka kumplikado na ng mundong ginagalawan nya." Sabi ni Mito sa sarili at napahinga ng malalim

"Tol anong balak mo?" tanong ni Mito

"Wala, hindi ko alam. Wala akong maisip. Heheheheh wala kasi akong isip" sagot ni Hanamichi

Ngumiti si Mito at sinabing "Puro kasi kagwapuhan lang"

"Ungas" nakangiting sabi ni Hanamichi

Ipinagpatuloy nila ang inuman at kwentuhan hanggang makatulog sila. Kinabukasan nagpaalam na si Mito kay Hanamichi dahil susunduin nya na si Amai.

"Tol, thank you for the night. I really enjoy it. Ang galling mo talaga. eheheheheh " Paalam ni Mito

"Geh, lakad na. baka malate ka pa, yari ka." nakangiting sabi ni Hanamichi sa papa-alis na si Mito

Pumasok si Hanamichi at kinuha ang phone nya.

"Morning Boss. Sorry po." Chat from Hanamichi

"Alam kong hindi ka magrereply." Sabi ni Hanamichi at ibinaba ang phone nya then nagsimula na ulit uminom

Edogawa's Residence

"Sorry sorry, manigas ka dyan. Napakalandi mo. Nakaka inis ka. kahit maghapon mo akong ichat wala na akong paki alam sayo." sabi ni Kumi sa sarilli after mabasa ang chat ni Hanamichi

Lumipas ang mga oras, lunch time na wala syang natanggap na chat from Hanamichi. Dinner na wala pa rin. Tinawagan nya ang mga kaibigan ni Hanamichi to ask kung kasama nila ito pero lahat sila hindi ito kasama. Sinubukan nyang tawagan pero nagriring lang. Kaya nagsimula syang mag alala.

"Love nasan ka, nag aalala na ako. pero galit ako. bahala ka sa buhay mo." Sabi ni Kumi sa isip nya, 

Pero dahil nag aalala talaga sya. Tinawagan nya ulit pero ring lang ng ring. Kaya naisipan nya ng puntahan ito sa kanyang condo. Nag mamadali syang sumakay sa kotse nya at mabilis na nagdrive papunta kay Hanamichi.

Nangmakarating sya, dali dali syang kumatok pero walang nagbubukas. Sinubukan nyang buksan ang pinto at bumukas naman ito. Kinakabahan syang pumasok sa loob, pagpasok nya ay nanghina sya sa bumungad sa kanya. 

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon