'Sorry na hindi na, mula ngayon aalagaan na kita." sabi ni Hanamichi habang buhat si Bianca
Nang makabalik sa agency sina Hanamichi binuhat nya ulit si Bianca papunta sa sweet room kung saan sila nagstay.
"Parang bagong kasal sila"
"Bagay pala sila"
"Ang sweet naman"
"Diba engaged na si Mr. Sakuragi?"
"Oo engaged na sya sa isang med student." Bulungan ng mga employees na nadaanan nila.
Ibinaba ni Hanamichi si Bianca sa kama nito at sinabing "Ipahinga mo lang yan, bukas hindi na yan masakit. Wag kang malikot at wag mo laging igalaw." Pero hindi sya pinapansin ni Bianca
"Ano ba? Naintindihan mo ba ako? Aalis na ko susunduin ko si Boss. Pag may kailangan ka tawagan mo lang ako." Sabi ni Hanamichi
"Sige umalis ka na, puntahan mo na ang Boss mo. Kaya ko ang sarili ko. Mag isa nga akong namumuhay sa UK. Hindi ko kailangan ng sermon mo." Sabi ni Bianca
"Nagseselos ka ba kay Boss?" Tanong ni Hanamichi habang nakatitig kay Bianca
"Hindi, bakit ako magseselos, wala naman akong karapatan. Sige alis na. Baka mamiss ka ng Boss mo." Sabi ni Bianca at nagtakip ng kumot, lumabas na si Hanamichi at nagpunta sa parking lot.
"Kung hindi ko lang susunduin si Boss aalagaan kita ngayong gabi. Para sure akong bukas okey ka na." bulong ni Hanamichi sa sarili at sumakay na sa kotse nya para puntahan si Kumi
"Boss dito na ko sa labas ng hospital." Chat from Love
"Love sorry 16 hours duty ako, hindi dadating si Doc. Rey para sa duty nya. Hindi ako makaka uwi." Chat from Boss
"Okey, I understand. Kakain ka ha at wag masyadong magpapagod. I love you" chat from Love
"Okey, I love you too. Ingat sa pagdadrive." Chat from Boss
End of Convo
"Hindi man lang nya ako sinabihan ng maaga." Napahinga ng malalim si Hanamichi at nagdrive na pauwi. Pagdating nya sa unit, nagshower sya then nahiga.
"Boss naka uwi na ako." Chat from Love
1 minute....
2 minutes...
5 minutes....
"Ang busy naman nya. Kahit magreply hindi nya na magawa. " Sabi ni Hanamichi sa sarili, naisipan nyang ichat si Bianca. Search Bianca Smith "Grabe naman ang daming account, alin ba sya dito? Alin ang totoong account nya dito. Oo nga pala, sikat nga pala sya kaya siguro madameng fans na gumagawa ng account for her. Matutulog na nga lang ako, bukas ko na sya kukumustahin. " Sabi ni Hanamichi sa sarili
Next Day
Maagang naghanda si Hanamichi para sa second day photo shoot nila. Nagcheck sya ng phone kung may chat si Kumi.
"ang busy naman nya, kahit isang chat wala. Di man lang nya ako naalala. Maka alis na nga." Sabi ni Hanamichi
Modeling Agency
Pumasok si Hanamichi sa sweet room. Nagulat sya na makita nyang okey na ang paa ni Bianca at naglalakad na ito.
BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3
FanfictionContinuation ng love story nina Hanamichi Sakuragi at Kumi Edogawa Maging sila kaya till the end? Ano ang magiging papel ng mga bagong characters nadadating, magpapatibay kaya sa relasyon nila o sila ang magiging dahilan para maghiwalay sila.. ...