Kumi's P.O.V.
"Tama si mama, mali ang decision na ginawa ko. Nadala ako ng selos at galit ko, kinalimutan ko lahat ng pinagdaanan namen at naging padalos dalos ako sa decision na ginawa ko. Kailangan kong itama ang ginawa ko, dapat sa lalong madaling panahon. Pero nasaan ba si Love? Saan ko sya hahanapin. Oo nga pala may laro sila ngayon, susorpresahin ko sya at saka ako magsosorry."
Pumunta si Kumi sa Tokyo Metropolitan Gymnasium para makipag ayos kay Hanamichi. Excited sya na makita si Hanamichi at makausap ito, Naupo sya sa audience sit malapit sa bench ng Ryukyu para malalapitan nya si Hanamichi. Pumasok na ang mga player's ng Ryukyu sa playing court, huling pumasok si Hanamichi na nakahawak sa kamay ni Bianca.
Nanlamig at pinawisan ang buong katawan ni Kumi ng makita nyang magksama ang dalawa."Bakit sila magkasama, bakit hawak nya ang kamay ni Bianca. Oo nga pala, hiwalay na nga pala kame at ipinagtabuyan ko sya. Pero bakit? Bakit ang bilis mo naman akong ipinagpalit Love.." Napapa iyak na sabi ni Kumi sa sarili
Dahil sa nakita ni Kumi lumabas na sya ng gymnasium at nagdecide na umuwi. Habang nagdadrive hindi nya mapigil ang pagpatak ng luha nya. "Ikaw kasi Kumi napakaselosa mo. Nagsorry na sya at sinuyo ka, pero napakatigas mo. Ayan ngayon wala na talaga sya sayo. Anong gagawin ko. Mahal na mahal ko si Love. " Umiiyak na sabi ni Kumi
Tokyo Metropolitan Gymnasium
"Wala na akong magagawa kung naggive up na si Boss saken at sa relationship namen. Napakaloko ko kasi, pero hindi dapat tumigil ang mundo ko dahil dun. May mga pangarap pa ako na binuo na kasama si Boss, pero mukhang mag isa ko na lang syang tutuparin. Buti mabait itong si Bianca na kahit pinagsalitaan ko sya ng masasakit nung nagdaang araw, ay sinamahan pa rin ngayon.." Sabi ni Hanamichi sa sarili na nakangiti kay Bianca
"Bianca dito ka muna, manood ka sa laro ko ha." Nakangiting sabi ni Hanamichi
"Okey, papanoorin kita tulad ng gusto mo. Galingan mo." Sabi ni Bianca at hinalikan si Hanamichi sa cheek nito
"I will support you habang nandito pa ako sa Japan. Kahit hiwalay na kayo ng wife to be mo hindi ko na ipipilit ang sarili ko sayo. Dahil alam kong sya lang ang laman ng puso mo. Naghiwalay man kayo maaari pa rin kayong magka ayos. Pero kung para sa akin ka, panahon ang gagawa ng way para maging tayo." Sabi ni Bianca sa sarili habang nakatanaw sa nagwawarm up na si Hanamichi
Nagstart ang game nina Hanamichi, tulad ng sa mga nagdaang team ni Hanamichi kasali sya sa first five at power forward ang position nya. Nagpamalas sya ng magandang laro tulad ng inaasahan sa kanya ng team nila at ng mga manonood. Natapos ang game at nanalo ang Ryukyu. Masayang lumapit si Hanamichi kay Bianca.
"Nakita mo yun? Yung mga tira at rebound ko?" pagyayabang ni Hanamichi kay Bianca
"Oo, ikaw na ang magaling. Hangang hanga ako sa ipinakita mong magandang laro." Sabi ni Bianca at pinunasan ang pawis ni Hanamichi
After ng laro, lumabas na ng gymnasium sina Hanamichi at Bianca. Naglakad sila papunta sa malapit na park. Naupo si Hanamichi sa bench at tumabi sa kanya si Bianca.
"Ayaw mo pang umuwi? Hindi ka ba pagod?" tanong ni Bianca
"Gusto ko lang muna maupo dito, nalulungkot kasi ako." sagot ni Hanamichi
"Si Boss mo?" tanong ni Bianca
"Oo, hindi ko alam kung paano ko itutuloy ang buhay ko. Lahat ng plano ko kasama sya, lahat ng pangarap ko kasama sya. Pero ngayon naggive up na sya." Sagot ni Hanamichi

BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3
FanfictionContinuation ng love story nina Hanamichi Sakuragi at Kumi Edogawa Maging sila kaya till the end? Ano ang magiging papel ng mga bagong characters nadadating, magpapatibay kaya sa relasyon nila o sila ang magiging dahilan para maghiwalay sila.. ...