Edogawa's Medical Center
Umiiyak si Kumi na nakahulod sa damuhan ng makita sya ni Mr. Edogawa
"Anak what are you doing? Bakit ka nakaluhod dyan?" tanong ni Mr. Edogawa at nilapitan si Kumi
"Papa may hinahanap po ako." umiiyak na sagot ni Kumi
"Anong hinahanap mo dyan sa damuhan, tingnan mo puro gasgas na ang mga tuhod mo."tanong nito
"Yung engagement ring ko po, nakita ko pong dito yun ibinato ni Love. Kailangan ko pong makita yun. Napakahalaga po sa akin non.." sagot ni Kumi
"Anak ano bang problema? Bakit hindi mo mapatawad si Hanamichi. Sa nakikita ko sayo mahal na mahal mo naman sya." Tanong ng Papa nya
"Opo mahal na mahal ko po sya. Papa nagseselos po kasi ako, napakahina ko po pagdating kay Love. Pag po nagsimula ako magselos na uuwi po sa galit, kaya po lagi kaming nag aaway. Ako po ang may kasalamnan kaya kame naghiwalay.." Sagot ni Kumi
"Sure ka bang dito nya ibinato yun? Tutulungan na kitang maghanap." sabi ni Mr. Edogawa, lumuhod na din at naghanap
"Opo sure po ako, dapat po nateng mahanap yun." Umiiyak na sabi ni Kumi
"Anak gusto kitang maging masaya kaya sana habang maaga pa ayusin mo na ang dapat mong ayusin. Para wala kang pagsisihan sa huli." Sabi ni Mr. Edogawa
Beach resort
"Okey sige hindi na kita pipilitin. Tama ka naman, hindi ko dapat minamadali ang pagmove on. Baka sa huli lalong lang kitang masaktan." Sabi ni Hanamichi habang hawak ang kamay ni Bianca na naglalakad sa tabing dagat
"Thank you for understanding. I want you to be happy at alam kong mangyayari lang yun pag nagkabalikan na kayo ni Kumi." Nakangiting sabi ni Biana
"Tingin mo possible pa? Kasi ako di na umaasa, baka tumanda na akong binata nito. Sayang naman hindi na dadami ang lahi ko." Nakangiting sabi ni Hanamichi
"Ikaw tatandang binata? Sa hot mong yan? Di ko ma-imagine." Natatawang sabi ni Bianca
"hehehe ako hot? Matagal na, kaya nga inlove na inlove ka saken eh. Diba?" Pagyayabang ni Hanamichi
"Okey fine, ako na ang inlove sayo. Happy??" ngiting sabi ni Bianca
"Thank you kasi nandyan ka, nalilimutan ko ang sakit ng pahihiwalay namen ni Kumi." Seryosong sabi ni Hanamichi
"Your welcome." Sagot ni Bianca
"Mamaya last photo shoot na, ang bilis din... Matatapos na naten ang contract. At aalis ka na rin." Malungkot na sabi ni Hanamichi
"Wag kang malulungkot pagbumalik na ako sa UK. Kalimutan mo na lang din ako. isipin mo na lang na isa akong magandang panaginip." Nakangiting sabi ni Bianca
"Hindi kita kaya kalimutan, gusto ko nga dito ka na lang. Masaya ako na kasama kita at malulungkot ako pag umalis ka na." sabi ni Hanamichi
"Ang sweet mo naman... Kinikilig ako." sabi ni Bianca
Yinakap ni Hanamichi si Bianca at hinalikan ito, Bianca kiss him back, as they kiss biglang may mga batang nagsigawan "MABUHAY ANG BAGONG KASAL MABUHAY" Nagulat silang dalawa at napatakbo dahil sa hiya.
"saan nanggaling ang mga batang yun, nagulat ako sa kanila. Heheheheh" sabi ni Hanamichi habang tumatakbo
"Ano ba yun? Nakakahiya, hindi dapat nila nakita yung ginawa naten." Sabi ni Bianca
"Nabitin ka ba? Ayan wala na sila, ituloy na naten hehehehe." Pang aasar ni Hanamichi
"Baliw, tara na bumalik sa set. Malapit ng magdinner, magbibihis pa tayo." Nakangiting sabi ni Bianca
"Okey, diba excited ka sa honeymoon naten mamaya, diba yun ang pinakahihintay mo?" pang aasar ni Hanamichi
Nakaramdam naman ni hiya si Bianca "Manahimik ka, baka ikaw ang excited dyan. Pinagnanasahan mo ang sexy body ko." Sabi nito
"Wow ha...Pero mamaya sayong sayo ako. At saken ka lang.. heheheheh" pang aasar ni Hanamichi
"Tigilan mo nga ako. nang aano ka eh..." inis na sabi ni Bianca
"Nang aano? Wahahhahaha... excited sya.. excited sya..." Sigaw ni Hanamichi
"Hay nakuh... Bakit ko ba nagustohan ang taong to?" Napapailing na sabi ni Bianca
Hinawakan ni Hanamichi ang kamay ni Bianca "Wag ka ng mainis, mag enjoy na lang tayo. 3 days ka na lang dito. And sa 3 days na yun I want to be with you." Nakangiting sabi ni Hanamichi
"Bipolar ka ba, bilis magbago ng mood mo ah. Pero tulad ng gusto mo gusto din kitang makasama." Sabi ni Bianca
They walk hand by hand pabalik sa set nila para magdinner at magready sa last photo shoot nila.
"Thank you Bianca, kahit papano nalilimutan ko ang sakit. Gusto kong suklian ang pagmamahal mo pero ayaw mo. Napakabuti mo. Sana matagpuan mo ang lalaking magmamahal sayo." Sabi ni Hanamichi sa isip nya habang nakatingin kay Bianca
Bumalik sila sa set at nagdinner. Inasikaso ni Bianca si Hanamichi habang kumakain na para talaga silang mag asawa, na ikinatuwa naman ni Hanamichi. After magdinner nagready na sila para sa last photo shoot nila. This time pinagsuot si Hanamichi ng boxer short na nag enhance lalo sa ganda ng katawan nya. Si Bianca naman ay pink bathrobe inside it is a black bikini that shows her perfect curve. Lumabasa sa dressing room si Bianca at pinuntahan si Hanamichi na nasa set na.
Nakatitig si Hanamichi as Bianca walks towards him."Naka-nganga na nga, tulo laway ka pa. HOY!!" panggugulat ni Bianca kay Hanamichi
Nagising si Hanamichi sa pagkakatulala "Sinong tulo laway, wag kang assuming dyan. Hindi nga kita tinitingnan." Sabi ni Hanamichi
"Nakarobe pa ko nyan ha, paano pa pag inalis ko to." Nakangiting sabi ni Bianca habang inaalis ang robe nya at bumungad ang kanyan perfect body curve na bumagay sa bikini na suot nya.
Umiwas ng tingin si Hanamichi dahil iniisip nyang baka talagang tumulo ang laway nya. "Grabe lalagnatin ata ako." sabi ni Hanamichi sa sarili
"Ready na ba kayong dalawa?" tanong ng director
"Yes direk, ready na ako. ewan ko lang yung isa dyan." Nakangising sabi ni Bianca
"Ready na din ako." sabi ni Hanamichi
"Okey, congratulations sa inyong dalawa, last scene nyo na ito. Pero sa tingin ko ito ang magiging pinakamahirap para sa inyo. Ang honeymoon scene. Wala na akong masyadong instructions, dapat makunan lang kayo ng mga pictures na magkasama sa kama na suot ang undergarments ng agency. Tapos bahala na kayo sa iba. Pero still dapat sweet kayo na para talagang bagong kasal na mag asawa." Instruction ng director
BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3
FanfictionContinuation ng love story nina Hanamichi Sakuragi at Kumi Edogawa Maging sila kaya till the end? Ano ang magiging papel ng mga bagong characters nadadating, magpapatibay kaya sa relasyon nila o sila ang magiging dahilan para maghiwalay sila.. ...