Chapter 33

288 12 15
                                    

A night before the wedding of Mitsui nag stay na sila sa isang resort na pag mamay-ari ng pamilya nina Mitsui. Nasa isang malaking sweet room ang mga boys sina Mito, Sendoh, Kiyota, Rukawa, Miyagi at Hanamichi para isukat ang mga tuxedong gagamitin nila sa kasal ni Mitsui. Kasama din nila ang mga girls sina Amai, Izza, Zeigh,, Ayako at Ai para naman sa  mga gowns nila.

"Tol, tuloy na tuloy na talaga?" tanong ni Miyagi kay Mitsui habang isinusukat ang tuxedo nya

"Gung gong malamang oo at excited na talaga ako." nakangiting sabi ni Mitsui

"Bukas sisigaw ako ng ITIGIL ANG KASAL!, dahil akin lang si Haruko my labs wahahahahah" pang aasar ni Hanamichi

"Kahit kalian talaga puro kalokohan ang tumatakbo sa utak ng isang yan." Sabi ni Mito

"Pre diba bestfriend mo yan. Edi pareho lang kayo ng tumatakbo sa utak, puro kalokohan." Sabi ni Kiyota

"Hindi Tol magkaiba ang tumatakbo sa mga utak namen, si Kumi ang tumatakbo sa utak nya, si Sweet ang saken." Sagot ni Mito

"Ah sige si Zeigh naman ang saken, hindi lang sa utak hanggang sa puso ko pa." sabi ni Kiyota habang naka ngiti sa kawalan

"Hay naku mga gung gong." Bulong ni Rukawa

"Sandali lang Michi, may problem eh. Hindi sure si Boss, pano yun wala akong partner sa cord? " tanong ni Hanamichi

"Oo nga ano, pano nga. Hmmmmm... Palit na lang kaya kayo ni Kiyota? Wala pa kasi syang jowa non kaya sya ang best man. Sila na lang ni Zeigh ang cord, ikaw ang best man." Sabi ni Mitsui

"A sige sige. Ano bang ginagawa ng best man? Ehehehehe pwede bang henyo na lang?" tanong ni Hanamichi

"Hindi ko din alam eh, heheheheh, kayo ba alam nyo?" tanong ni Mitsui at lahat sila umiling

"Mamaya itanong na lang naten kay Ayako." Sabi ni Miyagi

"Kiyota, puntahan mo si Zeigh sa room ng mga girls. Sabihin mo kumuha na din ng gown nya." Utos ni Mitsui

"Okey, pwede bang dun na lang ako pre? Hehehehehe." Tanong ni Kiyota

"Bahala ka, Puro masusungit ang nandun, sana mag enjoy ka." nakangising sabi ni Sendoh

"Hanamichi ito ang gagamitin mong tuxedo." Sabi ni Mitsui sabay abot ng all black tuxedo kay Hanamichi

"Bakit iba ang kulay sa kanila. Ang daya mo Michi ha." Galit na sabi ni Hanamichi

"Ungas best man ka kasi, sadyang ganon." Sabi ni Miyagi

"Ganon ba yun? Heheheeh, bakit nga pala wala dito si lolo?" tanong ni Hanamichi

"Ninong kasi sya, hindi sya abay. Bukas na lang sya pupunta. Matanda na kasi yun." Sabi ni Mitsui

After magsukat ng mga tuxedo ng mga boys at gown ng mga girls, pumunta sila sa garden para mag dinner. Nagpahanda ng romantic set up si Mitsui para sa mga kaibigan nya. Tig iisang table ang bawat couple, sina Sendoh at Izza, Kiyota at Zeigh, Miyagi at Ayako, Rukawa at Ai, Mito at Amai.

"Michi napakabright idea naman ng naisip mo, nakatunganga tayo. Samantalang sila enjoy na enjoy sa isat isa. Sarap magpasabog ng bomba sa mga table nila." Bulong ni Hanamichi kay Mitsui

"Hayaan mo na sila. Let them enjoy the moments." Sabi ni Mitsui

"Bakit nga pala wala dito si Haruko may labs? Nagising na ba sya sa katutohanan ako ang mahal nya at tinakbuhan ka na?" tanong ni Hanamichi

"May Filipina blood kasi si mama at sa culture nila may pinaniniwalaan na bawal mag kita ang ikakasal the night before the wedding. Meaning bukas na kame magkikita sa oras ng kasal namen." Paliwanang ni Mitsui

"Ah... kaya pala wala sya dito.Tol wag mong sasaktan si Haruko my labs ha, matagal ko ding syang pinagnasaan dati.heheheh" sabi ni Hanamichi

"Mahal ko sya, wala kang dapat ipag alala.Kayo ni Kumi bakit hindi mo pa sya pakasalan, ang tagal nyo na ding nag uutuan." Tanong ni Mitsui

"Ayoko ko syang madaliin. Mataas ang pangarap nya at may naghihintay na responsibilidad sa kanya. Okey lang na maghintay ako hanggang sa dumating ang time na wala na syang inaalala." Sabi ni Hanamichi

"Pano kung handa na pala sya, ikaw lang ang hinihintay nya. Na ayain mo na ulit sya." Tanong ni Mitsui

"Hindi ko alam, eeheehheh alam mo naman ako walang isip, puro kagwapuhan lang." sabi ni Hanamichi

"Cheers Tol" sabi ni Mitsui at nagcheers sila ni Hanamichi

Nagpaplay ng romantic song si Mito at isinayaw ng mga girls si Mitsui then isa isa nagbigay ng mensahe ang mga boys sa kanya.

"Mitsui isa ka sa best tropa ko, lalo na sa alam mo na.magkasundo tayo sa lahat ng bagay, sympre alam mo na kung ano anong bagay yun. Congrats tol! Para sayo tong panty na color yellow. gift namen ni Izza." sabi ni Sendoh

"Pre wala tayong masyadong memories nung high school. Pero masaya ako na naging kaibigan kita at naging part ako ng masaya nyong barkada. Congrats pre hangad ko ang Happily ever after nyo ni Haruko. Ito gift namen ni Zeigh sayo, panty yan kulay blue." Sabi ni Kiyota

"Mitsui sana naalala mo pa yung lakas ng mga suntok ko sayo nung una tayo nagkita. Kung gaano kalalakas ang suntok nay un ganon din kalalim ang pagkakaibigan naten ngayon. Congrats tol. Gift namen ni Sweet panty din yan color red. " Sabi ni Mito

"Mitsui wag ka na sanang maging manyak, may asawa ka na. Salamat sa lahat ng mga kagung gongan mo. Congrats sayo. Para sayo gift namen ni Ai, panty din yan color white" Sabi ni Rukawa

"Mitchi, ang bungal na 3 point shooter. Isa ka sa naging inspirasyon ko para magbago. Mahal kita Mitchi, I love you too na. ingatan mo si Haruko my labs. Ito oh panty din galing samen ni Boss kulay pink." Sabi ni Hanamichi

"Mitsui sorry hindi maganda ang naging simula naten. Pero ngayon okey tayo, at pang habang buhay na to. Green na panty galing samen ni Ayako" Sabi ni Miyagi

"Mga ungas kayo. Okey na sana maiiyak na ako, sobra akong nagpapasalamat at kayo ang mga kaibigan ko, pero bakit puro panty to?" tanong ni Mitsui

"Mga girls ang naka isip nyan." Sabi ni Mito

"Hindi mo ba nagustuhan?"Tanong ni Ai

"Feeling kasi namen yan ang magpapasaya sayo." sabi ni Zeigh

"Different colors, mas masaya" Sabi ni Izza

"Isama mo sa mga collections mo." Sabi ni Amai

"Kunwari ka pa Mitsui, nakikita ko naman sa mga mata mo ang saya." Sabi ni Ayako

"Kita mo na Michi kahit yang mga girls manyak ang tingin sayo.wahahahah" tumatawang sabi ni Hanamichi

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon