9
EVA JUSTINE/ASTIN’s pov
Pagkagising ko ay nakaharap pa rin sa akin si rann at nakapatong ang kanang braso sa may tummy ko. dahan-dahan ko yung tinanggal para makabangon na ako. ayokong magising si aryana na makikita niyang ganito ang ayos namin. Pagkatanggal ko ng braso niya ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Pero imbes na magligsapit ay nakaidlip ulit ako sa may mesa. Hindi nga kasi ako nakatulog nang maayos dahil sa tuwing tatanggalin ko ang pagkakayakap sa akin ni rann ay mas hinihigpitan niya ito.
“astin…astin…’I heard someone calling me. saka lang ako nagising. Si aryana pala na niyuyugyog ako para magising.”gising ka na tol… magluto ka na.”
“ikaw na lang..”
Hindi naman siya kumontra at isinangag na yung natirang kanin kagabi. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na rin si JL na nakahawak sa ulo niya at mukhang masama ang pakiramdam.”tol nakailan ba ako kagabi?”baling niya kay aryana.
“ewan tol. Ang alam ko lang unlimited ang t-iced kagabi. Tapos tawa nang tawa si ate shu yin.”
“bakit parang narinig ko ang pangalan ko?”sabay ni ate shu yin na kakalabas lang rin ng banyo. ”si rann?”
“tulog pa,”sagot ni JL.
Bigla namang nag-init ang mga pisngi ko nang marinig ko ang pangalan niya, I leaned my head on the table para hindi nila mapansin. Nagkape na rin sila. walang imikan. Hindi man lang naopen yung mga nangyari kagabi, yung mga pag-iyak ni ate shu yin yung mga pangungulit ni aryana at JL.
Si ate shu yin na rin ang nagluto. Para lang kaming mga batang naghihinatay nang makakakain. Inihanda na rin ni ate ang hapag kainan.”kumain na kayo diyan. tawagin ko lang si rann.”
“tulog mantika siya e.”said aryana.
“nagligpit pa ba siya kagabi?”tanong ni ate.
Tumango ako. Maya-maya ay lumabas na rin si rann ng kwarto. Tuloy-tuloy lang siya sa mesa. At napangalumbaba.
“goodmorning,”malamig niyang bati sa amin.
Wala pa rin kaming imikan habang kumakain. Parang mga nalowbat kaming lahat. Panay ang tingin ni ate shu yin kay rann. “rann, off mo ngayon noh?”
Tumango si rann.
“ako rin e. gusto niyong gumala?”yaya niya sa amin.
Nag-ok agad itong si aryana at si JL.
“baka di ako pwede.”sabat ko naman. napatingin sa akin si rann. Nag-init na naman ang mga pisngi ko dahil naalala ko na naman yung paghalik niya sa akin kagabi.
“ah oh”tipid niyang sagot.
After kumain ay nagtulong-tulong kaming maglinis sa may sofa samantalang si rann ay bumalik sa kwarto niya. “anong nangyari doon?”tanong ni aryana.
Napansin ni ate shu yin na naubos yung mga pinabili niyang alak kagabi. Pareho naman tumanggi sina JL at Aryana sa mga tingin ni ate na parang inaakusahan silang umubod ng mga iyon. Nagdidiskusyon pa nga sila e. pinipilit ni aryana na baka si JL ang umubos e pareho kasi silang lutang kagabi. Siya namang paglabas ni rann na nakakunot ang noo. “ate shu yin….”
Napalingon naman si ate sa kanya. nakahawak ang kanang kamay nito sa ulo niya. “rann…did you just drink the rest of tanduay iced?”
BINABASA MO ANG
Status: M.U.
Romancethis is a girl to girl story... ano nga ba ang M.U? sa panahon ngayon kahit hindi naging kayo kailangan mong mag-move-on