m.u. 3

4.8K 113 8
                                    

M.U. 3

Rann’s pov

Pagkahatid namin ni aryana kena jaymee at astin ay nakaag-usap pa kami. sinubukan ko siyang tanungin tungkol kay astin at pj pero tikom ang bibig niya. baka daw may masabi pa siyang masama about that guy. Sobrang minahal raw siya ni astin pero parang wala lang sa kanya at nakipagbreak ito. I’m just curious kaya ako nagtanong.

Mabilis ring lumipas ang mga araw. Naging busy na ulit sa work. Kailangang mag-ipon e. I receive a call from ate shu yin. Off ko dpat ngayon pero may sakit yung dalawang crew kaya kailangan kong pumasok. Agad-agad akong nagbihis at off to work na ulit.

Hindi ko naman feel magreklamo kasi wala rin naman akong gagawin sa bahay. Si mama nasa work. Yung dalwang kapatid ko nasa school. At wala akong gf na pwedeng makasama pag ganitong off ko e. kaya ito work like hell lang.

Serve dito serve dun. Maghapon na ganyan ang ginagawa ko dito.

rann, halika dito,”tawag sa akin ni ate shu yin.

yes maam?” yeah pormal-pormalan sa harap ng mga katrabaho.

Nilapag niya sa tabi ng counter yung delivery bag. “ideliver mo to sa DMMSU….”

Right away ay umalis na rin ako. sa DMMSU nag-aaral sina JL. Dun rin ako nag-aral dati pero siang sem lang hindi ko kasi kinaya yung higpit ng mga professors dun. Kabanas lang e. I drove safely.mahirap na. mas mahal pa sa buhay ko tong mga dala ko e. kulang ang kinsenas kong sweldo kung matatapon ang mga to. Just kidding.

Faculty room ng CTE department daw. Angbigat lang ng dala ko. tsss. Pagkabigay ko nun sa professor na nakalagay sa resibo ay lumabas na rin ako ng FC. Naglalakad na ko sa may hallway ng may tumawag sa akin.

Ms. Jhi!”saida familiat voice. Paglingon ko ay si maam esteban. Teacher ko nung high school. Ngumiti ito sa akin. “kumusta ka na?”

“im doing good maam. Working muna. “tugon ko sa kanila.

still at mc do huh.”

Tumango ako. itinuring akong nakababatang kapatid nitong si maam kasi nag-iisang anak siya. “kailan mo itutuloy ang pag-aaral mo? Diba sinusuportahan ka naman ng biological father mo?”

“baka next sem po… tamad pa ako e..”ngiti ko sa kanya. Yeah. Sinusuportahan ako ni papa. Uhm actually yung family ni papa. pero recently nagkaroon sila ng financial problem kaya pansamantalang natigil ang pagpapadala niya sa akin.

babalik ka na agad sa store?”tanong niya sa akin.

opo maam.”

Pero hinila niya ako.”mamaya na. sama ka muna sa akin. ipapakilala kita sa mga new students ko.”

Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon