M.U. 14
Ray Anne/RANN’s pov
Pasukan na ulit! I’m staying at a boarding house. Three weeks na ako dito. hanggang text at tawag na lang muna kami ni astin dahil busy na rin siya. kung pwede lang e hilain ko na yung oras para mas makausap ko na siya nang madalas e. sa gabi lang kasi kami nakakapag-usap. At sa pagod minsan nakakatulugan ko na rin siya. nag-aadjust pa kasi ako sa pagbabalik schooling. Dagsaan agad ang projects e.
Friday afternoon. Excited pa naman akong umuwi.
“ray anne, may practice tayo bukas ha?”tawag sa akin nung team leader namin. Practice ng play. >_<. Diba parang tanga lang. agad-agad si maam magbigay ng ganung practicum. World literature. Ito yung pinakaiiwasan kung subject ng apat na taon tapos ito napilitan kong ienroll dahil hindi ako makakagraduate pag wala to. Isa kasi akong iwas student. INIIWASAN KO ANG MGA SUBJECTS NA MAHIHIRAP. Mahirap para sa akin at madali para sa iba. Dapat nung second year ko pa to natapos e. tsss. Yung leader namin ang nagsulat ng script kaya ganun na lang ang pagiging bossy niya kasi hindi na nga daw namin siya tinulungan sa pag-iisip ng concept e magpapasaway pa daw kami.
“hindi ba pwedeng mag-excuse?”
Umiling siya.”hindi noh.kailangan ka dun.”
Tsss. Pag-uwi ko ng boarding house ay wala na yung mga boarmates ko. pabagsak na lang akong nahiga at hinagilap ang cp ko sa bag. I miss her. a lot.
---flashback---
That night nung natulog kami sa bahay nila nagising ako ng madaling araw at nakahawak pa rin ang kamay ko kay astin. She moved at nagising rin. I put my left arm under her head. She the wrapped her arm over my tummy.
“baka pumasok si tita.”
“dont sleep until 5 am.”she smiled at sumiksik sa akin.
“adik mo.” I kissed her forehead.
“10 minutes lang hon.”she uttred.
We stayed like that for about 10 minutes saka ko tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. bumangon ako at napasquat sa kama. Biglang sumakit kasi ang ulo ko. ilang gabi na kasi akong nagpupuyat. Napahawak ako sa ulo ko. napabangon rin siya.
“ok ka lang?”
“masakit lang ulo ko.”
“gusto mo ng gamot?”
Umiling ako.”ayoko.”
“lagi ba ganyan?”
“pag napapadalas lang ang puyat.”
“sino ba kasi ang nagpupuyat sayo ha?”
“huwag ka nga.mahal ko yun e.”tugon ko naman.
Ginulo niya ang buhok ko.”tulog na tayo ulit. ako na lang hindi matutulog.”
Paghiga namin at inilagay ko ulit ang braso ko sa ilalim ng ulo niya. parang baliktad ata. Pero okei lang basta ganito lang kami. hindi ko na namalayan ang paghimbing ko. ang huli ko lang na naalala ay ang pagmamasahe niya sa ulo ko.
Namimiss ko na siya. pinabaunan niya ako ng maraming gamot. Para daw hindi ko ipamasahe sa iba ang ulo ko pag sumakit. >___<
--end of flashback---
Tinext ko siya na hindi ako makakauwi bukas. Angsweet nga ng reply niya ee.
Astin: ok.
BINABASA MO ANG
Status: M.U.
Romancethis is a girl to girl story... ano nga ba ang M.U? sa panahon ngayon kahit hindi naging kayo kailangan mong mag-move-on