20
FEB 17
EVA JUSTINE/ASTIN’S POV
Had no news about Rann. Strangers. Pangangatawanan ba niya yung sinabi niya. Total strangers na lang ba ang magiging status naming dalawa?
“earth to eva Justine….”alien voice ni aryana na kanina ko pa kasama pero parang hindi ko naman pansin.
“problema mo?”
“ikaw tol..ikaw ang problema ko..anong nangyayari sayo ha?”
“huwag mo nga akong pansinin.”
“okei..gaya ng hindi ko pagpansin sa mugto mong mga mata?tol..ilang araw na ba yan ha?”
Inirapan ko siya.”pwede ba? tigilan mo ako. saka bakit ba absent ka ng dalawang araw?san ka galing?”
“diyan lang sa tabi-tabi.”tangi niyang tugon at naupo na sa tapat ko. she;s weird. Kung makatitig parang binabasa ang mood ko.”how long have you been crying?”
“nahawa ka na kay Rann?”
Tumawa siya.”at ngayon naalala mo ulit ang supposed to be ex mo?”
“tigilan mo ko please? Kakatapos ko lang makipagdidkusyon kay papa tungkol diyan..pati ba naman dito?”irap ko sa kanya.
Nagkibit-balikat siya.”tigilan mo na rin ang pakikipagdiskusyon kay tito..kasi wala nang patutunguhan yan.”
“anong ibig mong sabihin?”
“wala.”
Nagrebyu na lang rin siya at kahit anong pilit ko sa kanya ay ayaw niyang magkwento kung saan siya nagsususuot nung dalawang araw na absent siya. and she’s pissing me off. Uwian na at panay pa rin ang check ko sa phone ko. hoping magtetext si Rann.
“tol…huwag ka na kasing umasang magtetext yun. iba na ang number nun.”pambabara na naman niya.
“you have her new number?”
She nodded.
“kunin ko nga…”
Pero umiling siya.”di pwede tol. Ayaw niyang ipabigay e…”pi-nat niya ako sa balikat.”tol, akala ko hindi siya seryosong iiwasan ka niya.”
Tsss. Angsama lang sa pakiramdam. I wanna see her. I miss her. “samahan mo ko..”
“saan?”
“kena rann…”
Yung ekspresyon ng mukha niya nagulat na hindi ko maintindihan.parang nagtatanong kung bakit?paano?
“ui?ano na? pupuntahan lang natin. Hindi naman masama yun diba?”
Nagpamulsa siya.”bakit? may passport ka? May pera ka na?”
“anong gagawin ko sa passport?”
“hindi ba niya nabanggit sayo?”
“alin ba?”
“so hindi niya nabanggit sa’yo na sumama siya sa tito niya sa Japan?”
Nagitla ako sa sinabi ni Aryana. Walang nababanggit si Rann tungkol dun.
“alam na rin niyang tutol ang papa mo sa inyong dalawa. Malamang sinabi ni PJ nung minsang nakapag-usap sila.”
BINABASA MO ANG
Status: M.U.
Romancethis is a girl to girl story... ano nga ba ang M.U? sa panahon ngayon kahit hindi naging kayo kailangan mong mag-move-on