25 : Back to Escape

3.2K 68 1
                                    

Bianca's

After ng Valentine's Day, may mga natanggap pa rin akong regalo mula kayna Georgie. Kinakamusta pa nila ako kung may progress na ang pagtetext ko kay Faye.

'' As usual, wala pa rin. Galit na yun sa akin forever.'' , sabi ko ng mahina habanag nasa group date kaming magkakaibigan. Nag-slouch si Georgie habang nakaakbay sa akin.

'' Una pa lang masama na ang pakiramdam ko dyan sa Faye na yan. ''

'' Huh?''

'' Yung buka kasi ng mukha niya, maaliwalas on the outside pero unpredictable on the inside. Hindi madaling hulaan ang ugali ni Faye. Nang makausap ko siya, parang may hidden agenda siya, parang lahat ng sinasabi niya double meaning. Basta. Ayaw ko magjudge pero..''

'' You're judging her now, George. Lubus-lubusin mo na since wala naman si Faye dito. Nagdedeny ka pa eh! Hahahaha!'' , sabay tawa ni Clare habang nakain ng french fries'. '' Mukha naman siyang okay ah.''

'' Basta. Kilala niyo naman ako. Gaga lang ako pero malakas ang pakiramdam ko sa masasama ang kalooban. Noong una kong nakausap yang babaeng yan, kakaiba ang naramdaman ko. Nakakakaba. Yung tipong kapag nagkamali ako ng mga nagamit kong salita, may pang-revenge siya. Basta. Parang ganoon si Faye. Hay! Ewan ko ba! Don't mind me Bíanca! Hahaha!''

'' Gutom lang yan! Oh!'' , inabutan siya ng isang pack ng french fries ni Clare.

Napaisip ako ng malalim sa sinabi ni George. Hindi naman ganoon ang naramdaman ko noong una kong nakausap si Faye sa waiting shed noon. Para ngang napakabait niya at approachable. Pero noong mga nakaraan buwan kaming nagkakasama, iba na rin nararamdaman ko towards sa ugali niya. May mga instances kasi na moody sya at kung ano ang gusto niya, dapat makuha niya. Just like what she did when she saw me and Ryder. That rage in her eyes, totoong totoo. Malalim at nakakatakot. Habang nakatitig siya sa akin nang mga oras na yun, gusto kong lamunin na lang ako ng lupa.

'' Mag-ingat ka rin sa Carlo na yan. Hindi malayong kaugali yan ng bruha.'' , sabi ni Georgie habang nakatingin sa akin. '' Hindi mo yan kilala, Bianca. Hindi mo alam kung ano ang magagawa niyan.''

-----------------------------------------------

Ryder's

Balik bar hopping,

Balik Escape.

" Just like the old time huh? Hahahaha! Inom pa!'' , sabi ni Briggs habang nakaakbay sa akin. Umiling ako at tiningnan ako phone ko.

From : B

Babe, nasaan ka na? Puntahan ko kayo ni Briggs.
Sama ko sina George.

Nakisilip si Briggs sa phone ko at sumigaw sa tenga ko '' ESCAPE KAMOOOO! NAKAKAMISS NA BABY KOOOO!!!!!'' Halos mabingi ako sa kabaliwan ng lalaking ito. Seriously?! Nabago at napagtiisin ni Georgina ang lalaking ito? Hah! Ang astig talaga ng babaeng yun, akala mo totomboy tomboy, sa lalaki din pala maiinlove!

'' AYAN NA!!! NATEXT NA! HAYYYY INGAY!!'' Humingi ako kanina kay Briggs ng katahimikan kaso dinala naman ako sa puro strobe lights at malalakas na music. Hay! Kakaiba talaga ang kaibigan kong ito. '' ANG INIT! SHETTTTT!!!''

'' MALAMANG BAR TO! GAGO!!!'' , malakas nyang sabi at sinabayan ng tawang malakas din at nakakabingi. Everyone was dancing to the rhythm and from afar, I saw Drake Montemayor, Escape's co-owner.

'' Oy pre. Musta? Briggs pre. Ano na balita?'" , nag-fistbump kami ni Drake at umorder siya ng 2 alak para sa amin. Umiling ako at ngumiti.

'' Okay na ako dito pre. Okay naman ako. Eto may girlfriend na. '' , sabi ko habang pinapakita ang inumin ko.

'' Naks! I heard that Denise rejected your proposal and you left Faye in your engagement. Tindi mo ha! So who is the new girl?''

" Bianca Castillo.'' , sabi ko ng mariin sa tapat ng tainga niya. Napalingon sa akin si Drake at ngumiti.

'' Hah! Nadali mo yung anak ni Mr. Castillo? Langhya! Tindi mo! Bilib na talaga ako sa kamandag mo! Hahahaha!''

'' Huh? Bakit? Kilala mo girlfriend ko?''

Uminom muna si Drake ng beer at bumulalas, '' Eh ex ko yun! Hahahaha!''

Wait.. Napatingin kami ni Briggs sa isa't isa at tiningnan si Drake. Baka lasing na to!

'' What? Ulitin mo nga!'' , sabi ko sa kanya habang umiiling siya.

Lumapit siya sa amin ni Briggs at inakbayan kami. '' PRE SABI KO EX GIRLFRIEND KO YUNG BIANCA CASTILLO! UY PRE SORRY NAUNAHAN NA KITA SA FIRST KISS AT FIRST...ALAM MO NA! HAHAAHAHA!''

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon