3 : Sk8erboi

7.6K 136 0
                                        

Boomsakit!!

Hapdi naman nun! Minsan lang ako mapanganga sa isang kaganapan and I can honestly say na this is one of the moments na napanganga ako. Like super sakit kaya nun! Nakatingin ang lahat ng tao kay kuya na nagpropose.

May balak ba ito na tumayo? Parang forever na siyang nakaluhod kahit wala na yung babae.

I looked at him, shems! Naiiyak si kuya. Well, in the verge of crying na nangingilid ang mga mata niya at namumula na ang mukha niya. Bakit ganoon? Ang cute pa rin niya kahit umiiyak na siya----Hey wa.ti up! Why am I saying this? Don't tell me I have a crush on this guy? Porket kumanta lang at nagpropose,crush mo na kaagad Bianca?! Abamatinde!! O_____O

Then the DJ played the music back. Bumalik ang mga tao sa dancefloor pagkatanggal ng mga bouncer sa mic stand at black chair. Si Kuya? Thank God tumayo na siya sa kinaluluhuran niya, pero nakayuko pa rin siya.

'' Sakit nun ha! Sheeez." , banat ni George habang umiinom ng Empi. " Akalain mo nga naman, kapag minalas ka ano? Sayang yun! Ginto na naging bato pa!"

" Yan ang napapala ng sobra umeffort." , then Camille looked at me na nagsasabing ' Yan ang napapala mo, Bianca. Nakooo!'. she's too good to be true, and I love it. Tingin pa lang ni Camille, alam ko na na ako ang pinariringgan niya. Sa barkad kasi silang dalawa ang hindi nakakasundo ni Clyde. The just don't like him for me.

Now I know why they're trying their best na iwasan ko yung hinayupak na Clyde Yap na yun!

" Kawawa naman si Kuya. Mukhang anytime magpapakamatay na siya..'' , hinampas ko si Claire sa pagbulong niya. I looked at her and pinchd her lips.

" Yan bunganga mo talaga ano, Claire? Hinay-hinay ka nga sa mga salia mo. Kapag ikaw narinig yan, patay kang babaita ka!"

" Tingnan mo nga siya. Daig pa ang lantang gulay!" , Claire protested.

I looked at him again, he packed his things and went outside Blue Cavern. Bigla kong naramdaman na kailangan ko siyang sundan, naku-curious ako sa kanya eh! Pero being the Maria Clara that I am (echooos!) , hindi ko na siya sinundan pa. Mamaya masuntok pa ako nun sa sobrang depressed niya.

Bigla kong naisip si Clyde habang nakatingin sa kanya.

Paano kaya kung gawin sa akin yun ni Clyde?
Paano kung magpropose siya na pakasalan ako?
Paano kung---- Oh enough of these thoughts! Masyado na akong nalulunod sa idea na forever kami ni Clyde, eh business lang naman ang pagiging mag-boyfriend namin. Para lang makapag-merge ang kumpanya ng papa niya at ni Daddy. No emotions attached para sa kanya, pero ako.. Effort kung effort!

BIgla ko tuloy naalala yung mga moments na sinusupresa niya ako sa klase. Yung nakasayaw nya ako sa prom. Yung binibigyan niya lagi ako ng loveletter araw-araw nung naliligaw pa lang siya. Hanggang sa mga moments na puro tampuhan at sigawan na ang takbo ng relasyon namin, umabot pa sa sakitan.

" Sa totoo lang, hindi na ako magtataka kung isang araw makarma yang Clyde na yan." , bumalik ako sa realidad nang marinig ko si George. " Masyado siyang mahangin, tapos ano..basta.. nakakairita! Buti na lang talaga nakipaghiwalay ka na sa lalaking yun, Bianca!"

" Yeah! Good for you!" , Camille.

" Hindi na nga yata uso ang forever.'' , sabi ni George habang nakatayo. Nagsimula na kaming mag-ayos at umalis sa Blue Cavern. I tried to look back at that guy but he's already gone. Bakit ko ba inaalala pa yun well in fact, hindi ko naman sya talaga kilala? Weird ko ha!

-------------------------------------------------

Lumipas ang isang linggo ng walang gadgets and it feels like mamamatay na ako!

Hahahahaha! O.A ko talaga, nyemas na yan! Bakit ba kasi ganito katagal ang pagiging grounded ko? Dahil lang sa Clyde na yun nagkandaloko-loko na ang schedule ko. Kailangan ko tuloy kumuha ng Art classes para naman may magawa ako at hindi yung naka-tambay lang ako sa bahay. Kahit labag sa kalooban ko, painting na lang kinuha ko para naman kahit inis na inis ako, maganda pa rin ang kalalabasan ng ipipinta ko sa canvas.

4:00 P.M. Hmmmmm... what to do on a boring Saturday afternoon?

I grabbed my sketchpad,pen and pencils and started to get out of the house. Ayoko maging burong mangga dito! Saka kung magkukunwari akong nagreresearch, sasakit lang ang ulo ko kakaisip ng mga bagay na pwedeng i-Google.

Pumunta ako sa isang park at umupo sa swing.

Little did I know na mayroon pa lang, skate park sa tapat ng playground. May mga nagse-skate at nagbi-BMX, but one person caught my eye while I was doodling..

That guy in Blue Cavern!!

Nakatalikod pa lang sya, alam kong siya yun! I can feel it! Ha!

He's wearing a white shirt and camouflage shorts and Vans shoes.
Hanep, kahit simple lang ang suot nya parang rak na rak! Rak na ituuu!

May hawak siyang spray paint at nagmu-mural sa mahabang wall na sakop ng skate park. May nakasandal din na yellow skateboard na may cool design sa gilid ng mural niya. 'Ang cool naman ng taong ito!' , I whispered to myself.

Then he looked behind him and met my eyes.

Binaba niya yung spray paint at kinuha ang skateboard niya.

I began to feel a bit excited seeing that he is walking towards me while holding his skateboard.

" Ikaw pala'', he made a smile that sent thousand of volts in my system.

Wanted: RYDER MONTEVERDEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon