5 : Search Box

5.8K 118 0
                                    

Ryder Monteverde.

Ilang beses kong pinilit ang sarili  ko na kalimutan ang pangalang ito, hoping that this 'crush feelings' will go away. Ang baduy ko talaha.

Ii have a crush on his name.

Yung name naman kasi niya! Napakaganda. Napaka-manly. Napakabait ng dating. Yung name niya yung tipo ng name na hindi babagay sa kahit sino man kung hindi sa kanya lang. Parang naka-destined na sa kanya ang Ryder Monteverde name. Argggh!!!

* heavy breathing*

'' Sige pa, Bianca. Buntong hininga pa! Mapapalabas na tayo ni Ms. De Guzman sa ginagawa mo'', buong ng kaklase kong Class President. Sa pag-siko niya sa akin,parang bumalik ang katawang lupa ko sa Earth. Ilang minuto na pala akong nagdedaydream at ilang minuto na rin sa aking nakatitig yung Physics teacher namin. Terror pa  naman ito! Ano ba yan! *cross fingers*

'' So-sorry..I was spaced out, Ms. De Guzman..''  , sabi ko habang nakayuko. " Hindi na po mauulit."

" Last warning na ito, Ms. Castillo! 5 consecutive days ka nang naspe-spaced out sa klase! Ipapatawag ko na mga magulang mo!'', malakas na sabi ng teacher habang naka-crossed arms sa harapan ko. I just nodded and looked at my notebook's blank page.

Napangiti ako.

Kamusta na kaya si Ryder?

------------------------------------------------------------

Ryder's

Bianca Castillo.

Nakaharap ako sa laptop at tinatype ang name nung babaeng nakilala ko sa park nang biglang pumasok sa kwarto si Briggs. Tinakpan ko kaagad ang creen ng mga kanay ko at nakatingin ng masama sa kanya.

" Ano yan ha? Porn yan noh! Hahahahaha! Papanood!''

'' Sira! Hindi ha! Uso kumatok, Briggs! Langhya ka!''

" Soooows. Ako ito, si Briggs Ocampo, room mate mo! Hindi uso sa akin ang pakatok-katok!'', umupo siya sa bean bag katabi ng computer chair n a inuupuan ko at tumingin sa search box ng Facebook.

'' Bianca Castillo? Sino yan? Chix mo?''

'' Gago! Hindi ha.''

'' Kailan ka pa natutong magmura Brother Ryder? Hahahahaha!'', halos mabuga ni Briggs ag iniinom niyang coke.

''Pssshhhh.. Tabi nga! May hinahanap ako eh!''

'' Sino nga kasi yang Bianca Castillo na yan?"

" Nakilala ko sa skate park nung nakaraang linggo."

" Wow. Love at first sight na ba ito? Eh paano na si...?"

'' She-who-must-not-be-named.'' , tumayo ako at kumuha ng tubig. Nakakainis. Pinaalala na naman yung babaeng iyon. Hassle. Kahit gusto ko man mabadtrip, parang napakababaw naman di ba? Huminga na lang ako ng malalim at ngumiti. " Past is past, pre."

" Eh? Noong nakaraan lang, halos maglaslas ka na! Hahahaha! Pshhh. Tindi mo, Ryder!" Tinulak niya ako sa computer chair at umupo. Bastos talaga itong lalaking ito!  '' Tabi nga, mabisita nga si George.''

'' George who?"

Clinick niya ang profile nung babaeng may profile photo na naka-camouflage at may hawak na rifle. '' Meet Georgina Javillona. Ang FUTURE GIRLFRIEND ko. Nakanaaaakks!!'', pumalumbaba siya sa harap ng screen at nag-flying kiss pa sa profile nung George!

'' Kilabutan ka nga sa ginagawa mo, Briggs! Nakakasuka ka! Baduy mo!"

" You know it's real when it's baduy, sabi  nga ni Papi Ramon Bautista. Therefore, this heart says the truth! Ganda ni George di ba?'' , sabi niya habang sino-scrolldown ang mga litrato ni George.

Then one photo made my heart stopped.

'' Tekaaa! Wag mo munang iscrolldown!'' , sabi ko habang nakatutok ang mga mata sa screen.

'' Anyare sa' yo?!'', Briggs.

Siya nga.

Si Bianca!

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon