18 : Ako o Siya?

3.1K 65 0
                                    

Bianca's

'' He ran away from his own engagement..''

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Mula sa bibig mismo ng kaibigan niyang si Briggs ko nalaman na kaya paa hindi ko mahanap si Ryder, wala naman pala siya sa Pilipinas.

'' Bakit siya nasa New York? Anong ginagawa niya doon? Engagement? Kanino? Kailan? Paanong..."'

'''Nandyan pala kayo eh! Kanina pa namin kayo hinahanap. Oy Briggs baka naiinlove ka na kay B ha! Nakooo! Ipagpapalit mo ko ha?!'' , kinurot ni George si Briggs sa braso dahilan para mapangiwi ito. Nagpout sya at nahalikan naman siya ng mabilis ni George. Hayyyy..Buti pa sila.

Tumingin si Briggs sa akin at ngumiti , '' Ahh..ehh.. wala! Sus. Kayo talagang mga girls ang babagal niyo. Tara na nga!''

----------------------------------

Ilang oras ang lumipas, nagkahiwalayan na kami ng daan pauwi ng mga kaibigan ko. Nakisakay naman ako kay Faye kasi halos magkadikit naman ang condo units namin. Same street lang.

'' Salamat sa hatid ha. Pasensya na nasira lang talaga ang makina ng car ko. Babawi ako saýo Faye, promise.''

'' Nahiya ka pal. It's alright. Besides, we're friends. '' , ngumiti siya habang nakahawak ang parehong kamay sa manibela. '" Nga pala, Bianca. Anong pinag-usapan niyo ni Briggs? Mukhang malalim yun ha, from your looks.''

Sasabihin ko nga ba? Teka. Kilala niya si Briggs? Eh frist time lang nila magkita kanina ha!

'' Ah...ehh...P-paano mo nakilala si Briggs?'', hindi ko maiwasang itanong.

'' Didn't I tell you before? Nako! Makakalimutin na talaga ako. Briggs was my ex-fiance's kabarkada. '' Lumabas siya sa kotse at lumapit sa akin. '' I met him in business event before when we were in highschool. Mga 16 yata kami nun, anak kami ng mga businessmen. When I saw Briggs, he was with his friend, which was my ex. It was love at first sight, girl. Hahaha!''

'' Ahganun pala. May I ask who your ex is?'', sa pagkakaalala ko kasi never pang sinasabi ni Faye ang name ng ex niya. Faye went from being cheerful to being serious. Ang bilis ng transition ng expressions niya. Tumingin siya sa akin at bumuntong-hininga.

'' Unfortunately, my ex was Ryder Monteverde.''

RYDER MONTEVERDE.

What.the.hell.

Parang biglang nahigop ang hininga ko at hindi maalis-alis ang pagtingin ko sa mga mata ni Faye. What do you mean by Ryder Monteverde? Baka kapangalan lang! Shit.

'' R-Ryder Monteverde?'' , tanong ko

'' Yeah. He was the one that I'm talking about, that artistic skateboard guy. The one that I loved since highschool but he chose Denise de Ocampo, that classy pretty chick. He was my bestfriend, he was my kababata. Pero...Hay..That Ryder! Ngayon mababalitaan ko na lang kay Briggs na nasa America na siya. Nagtatago.''

Halos maubos ang dugo ko sa katawan nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ako nagkakamali! Ang Ryder niya at ang Ryder na exboyfriend ko ay iisa. This can't be! Paano nagawa ni Ryder ito sa akin?

Nabitawan ko ang pasalubong ko na Krispy Kreme at yumuko pa si Faye para tulungan ako sa iba pang damit na binili ko. '' Bianca, okay ka lang?''

'' Oo. O-okay lang a-ako..''

'' Sure ka?''

'' Yeah. Sige Faye, salamat ha. Thank you talaga. Ingats pag-uwi.'' Nagmadali ako sa paglalakad at kumaway sa kanya. Nang makalayo na siya, dumiretso ako sa kwarto at binuhos ang lahat ng luha ko.

'' Walanghya ka Ryder!!! I HATE YOUUUUUUUU!!!!!!'

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon