11 : Sacrifice

4.3K 95 0
                                    

Kapag mahal mo ang isang tao, handa kang mag-sakripisyo.

Ganoon ang natutunan ko sa mga past relationships ko. Lalung lalo na nung kami pa ni Denise. Halos lahat na yata ng pwedeng gawin na korni ng isang lalaki ginawa ko na sa kanya. Sa sobrang pagsa-sacrifice ko ng time ko sa kanya, hindi ko napapansin na pati sarili ko hindi ko na kilala. Ang dating Ryder na happy-go-lucky naging sobrang desperado sa pagmamahal noong nakilala ang isang Denise Lauren De Ocampo. Hindi niya lang ako iniba emotionally, pati sa pisikal na aspeto malaki ang naiambag niya sa akin. Hindi ako yung palaayos na tao noon, but when she came into my life, narealize ko na kailangan ayos lagi ang porma. Na dapat ganito ang suot ko, ganyan ang mga binibili ko.

She changed me.

She made me an IDEAL BOYFRIEND.

AN IDEAL MAN.

Iniwan ko ang pagse-skateboarding para sa mga office tables at O.Ts. Iniwan ko ang pagyoyosi sa mga late night calls at romantic dates. Iniwan ko ang dating Ryder para sa New and Fresh Ryder. Ang Ryder Monteverde na pinapangarap ng kababaihan.


Okay lang naman talaga kung nagbago ako, willing naman kasi ako noong mga panahon na yun..until we broke up. She rejected me. All along I thought we were the most perfect couple in the world but it crashed down when she told me she didn't love me anymore. Hindi ko na naiwasang tanungin ang sarili ko 'Saan ba ako nagkamali? Hindi pa ba sapat ang lahat ng pagbabagong ginawa ko para sa kanya?'at 'Bakit nya ako iniwan?'
Defense mechanism ko sa break up namin ni Denise ay ang pagbalik ng dati ako, pero I wasn't used to it anymore. Hindi ko na kaya magyosi, hindi ko na kaya pumarty, wala na akong gana mambabae..wala nang use ang buhay ko noong nawala siya. Masaya naman ako noong hindi ko pa sya nakikilala di ba? Pero bakit hindi na ganoon kasaya noong umalis siya?

Ang gulo ng love.

I pulled myself together and start anew, but Bianca came. Yung naramdaman ko noong una kong nakita si Denise ay mas tumindi noong nakita ko si Bianca. There was something inside me telling me that SHE IS THE ONE. But reality bites me,SHE IS UNREACHABLE. Anak ng CEO, laki sa luho,mayaman,maayos,may manners, mukhang hindi makaka-ride sa mga trip ko, in short, mahirap pangarapin at lalong mahirap abutin.

Nakakatakot. Nakaka-intimidate. Nakakapanghina.

Pero napaisip ako, 'Anong silbi ng takot ko kung nandito na siya sa harapan ko? Ayan na sya oh, hinihintay na lang na gumalaw ako.' Now I am taking this chance to pursue her. Wala na akong pakialam kung ayawan ako ng pamilya nya. Bianca is my once in a lifetime. I know I will never go wrong with her by my side.

-----------------------------------------------------

Nasa harapan ako ng bahay ng mga Castillo. Mabuti at pinapasok ako ng guard noong nalaman na related ako kay Bianca. Bihira lang naman kasi ang nakakapasok dito. Ito ang araw na pinakahihintay ko.

Manliligaw ako ng pormal sa kanya.

Huminga ako ng malalim habang hinihintay ang kasambahay nila na papasukin ako. Nagbukas ang pinto at niluwa ang isang babae na halos kasing edad ko lang. ' Pasok po, Sir Ryder.' Sinundan ko siya papunta sa sala at pinaupo muna nya ako sa sofa. 'Pasensya na po natagalan. Tinawagan ko pa po kasi si Sir'.

'Okay lang po. Thank you.' Nagpaalam muna ang kasambahay para kumuha ng makakakain. Inilibot ko ang mga mata ko sa bahay. Langhya, ang ganda naman! Parang 5-star Hotel ang datingan! Dadaigin pa yata nito ang Manila Peninsula sa ganda ng mga appliances. Tama kaya ang desisyon kong panindighan ang panliligaw na ito? Parang kapag nakita ako ng tatay ni Bianca, agad akong paalisin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa malapit na salamin sa bahay. '' Wag ka ngang kabahan. Gwapo ka bro.'' , bulong ko sa sarili.

Ilang minuto ang lumipas, nakarinig ako ng pagparada ng kotse. Lumingon ako sa likod at nakakita ng isang itim na Mercedes-Benz. Napahinga ako ng malalim, 'Eto na yun, Ryder! Wala na itong urungan.' Nang pumasok ang lalaking nasa Mercedes, agad kong nakilala kung sino ito.

Ang nag-iisang Ricardo Castillo III , CEO ng Castillo Group of Companies.

Agad akong tumayo nang lumapit siya sa akin. Nilapag niya ang 3 briefcases na dala niya at binuksan ito sa harapan ko.

'' 5 milyon. Kapalit ng paglayo mo kay Bianca."

Nanlaki ang mata ko sa dami ng pera na nakikita ko. Napahawak ako ng mahigpit sa boquet na ibibigay ko sana kay Bianca. Tumingin ako sa mga mata ng ama niya. Magkahalong pag-iintimidate at galit ang sinasabi ng mga mata niya.

'' Oh di ba ito lang naman ang habol mo kaya nililigawan mo ang anak ko?  This is all yours, Mr. Monteverde. Magpakasawa ka sa limang milyon na---"

'' Alam ko po na CEO kayo ng isa sa pinaka-sikat na kumpanya sa Pilipinas, alam ko din po na madami kayong scholarship grants at charities na tinutulungan.. But I didn't expect this, Mr. Castillo. 5 milyon para sa pagkuha ng kalayaan ni Bianca? Ha!'', ngumisi ako at tumayo sa kinauupuan ko.

'' May dignidad po ako at ang pamilya ko Mr. Castillo. Mahal ko po ang anak niyo at papatunayan ko po yan sa inyo. Hindi ko po kailangan ang limang milyon nyo.''

'' Anong nangyayari dito? Dad? Ryder?'' , hindi namin namalayan na nakababa na pala si Bianca. May nakasukbit na sling bag sa kanang balikat at naka-dress pa siya. Tiningnan ko ng masama si Mr. Castillo at dali-daling kinuha ang kamay ni Bianca. Hinatak ko siya palabas ng bahay bago pa bumalik sa katinuan ang kanyang ama.

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon