7 : Moving Closer

5.5K 125 0
                                    

Kung mababalikan ko lang ang nakaraan, sana binawi ko na lang ang mga feelings ko para kay Denise.. Masyado pala akong nakampante sa FOREVER namin na hindi ko inisip na darating ang time na magsasawa siya sa akin. Na tatanggihan niya ako.

Na hindi niya ako mamahalin pabalik.

Sawang sawa na ako na tanungin ang sarili ko kung saan ako nagkulang. Binigay ko naman ang lahat sa kanya. Ang buong pagkatao ko, ang time and effort ko, pati katawan ko.

Denise was my first.

First Love.

First Girlfriend.

First Experience.

Habang nakatulala ako sa kumpulan ng mga bituin sa university soccer field, doon ko napagtanto ang mga nangyaring events sa lovelife ko noong girlfriend ko pa si Denise. Napailing ako at napabulong sa sarili, ' Kung ano ang kina-Dean's List mo,doon ka naman ka-tanga sa pag-ibig...Hanep!'

When you smile, everything's in place
I've waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you
I can't be scared, got to make a move

Nakatingin ako sa kanya habang nakikipagtawanan siya sa mga kabarkada niya. Dalawang table ang layo ko sa table nila. Nakakakaba kahit pala ganito na boyfriend niya na ako.  Nakatingin pa lang ako kay Denise, may mga butterflies na sa tiyan ko. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Parang nasa alapaap.

While we're young, come away with me
Keep me close and don't let go

Tumayo ako at umapit sa table nila. Tumigil sa pagtawa ang mga kabarkada nya at nilipat ang attention kay Denise na nakangiti sa akin. Nilahad ko ang kamay ko at tinanggap  naman niya ito. Tumayo siya at sumama sa gitna ng dancefloor kung saan may ilan nang lovers na nags-sweet dance.

Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
I'm moving closer to you

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. I can feel our heartbeats raced. " Walang iwanan okay?'', she whispered.

'' Okay.''

For the first time in my life, I was deeply inlove with someone.

Hindi ko namalayan na hatinggabi na pala. Natuyo na rin ang mga luha sa mata ko. 
Masakit pa rin para sa akin, Denise. Masakit pa rin kaya sa' yo?
I looked at my phone and looked at my wallpaper..

Bianca Castillo.

Siguro mawawala din ang sakit na ito, Denise. It takes time, you know. Sa ngayon, Bianca is my priority. I will do everything for this girl, I will be the man that she will laugh and cry with through good times and bad. I will be her bestfriend and boyfriend. I will be her everything.

Humawak ako sa kanang parte ng dibdib ko at bumulong ' Kaya mo pa ba? Kayanin mo. Ipapaubaya ulit kita sa iba.'

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon